Eline's POV
Party!
"Elliee ang tagal mo!" sigaw ni Felyx mula sa pinto, Aalis kasi kami ngayon papuntang Birthday debu ng kapatid ni Ryever, Nagpumilit nga akong wag na sumama kaso dumagdag pa tong mga kumag nato ayaw sumama pag hindi ako kasama
"Oh sandali lang"
"Kanina kapa sandali ng sandali ehh gusto kona uminom" Saad ni Felyx, Narinig kong may kumalabog sa pinto
"Aray problema mo" Rinig kong saad ni Felyx habang nag sasapatos ako
"Mahina kang uminom,ang sabihin mo mangbababae kalang" Si Jayrod pala mukang binatukan sya
Ng matapos ako sa pagbibihis ay tumingin muna ako sa sarili ko sa salamin, nakasuot ako ng fitted Black dress above the knee at kita ang kalahati ng hita ko dahil May design itong parang punit pero Hindi,kinuha ko ang bag Kong Gucci
Ang buhok ko ay messy bun naglagay ako ng makeup para naman hindi ako magmukhang lantang gulay, ng matapos ay lumabas na ako ng kwarto sakto namang nakita kong binubugbog ni Jayrod si Felyx
"Gago ikaw ang kamuka ni Bangkay ekis ka wala kang abs"
saad ni Jayrod habang sakal sakal si Felyx, lumabas ang prinsipe ng mga kumag at nakakunot ang noo
"Bitawan monga ako baka matae ako"
"Napaka ingay nyo" saad nito at itinulak ang dalawang nag sasakalan dahil nakaharang sa daanan
Ang gugwapo nilang tatlo sa suot nila naka Black attire sila pare pareho,
Napansin kong napatingin sya saakin, ang akala ko ay simpleng sulyap lang iyon ngunit nakita kong nakatitig sya sa mukha ko kaya tinaasan ko sya ng kilay
"Baka malusaw"bulong sakanya ni Jayrod kaya nakatikim sya ng batok
"Let's go"Aya ng Prinsipe nila kaya nagsi sunod na kami, ng palabas na kami ng pinto ay nakita namin si Zach at Charles
"hurry magsisimula na ang party"saad ni Charles, tumingin ako sa wristwatch ko at 5 palang ng hapon,bukas pa ang birthday ngunit nais itong salubungin mamayang Alas dose dalawang party ang magaganap ngayong gabi at bukas hanggang Gabi
"Tara na nga" saad ni Felyx at naglakad papuntang parking lot,mukang sya ang mag da drive
Ng makuha nya ang Van ay sumakay na kami, si Felyx at Jayrod sa harap, sa gitna ay kami ng Prisipe nila, at sa likod ay ang dalawang Pa mysterious look
Mukang malayo ang pupuntahan namin, habang nag mamaneho ay nag kukwentuhan ang dalawang kumag sa harap
"Tingnan mo yung babae nato, kasama to sa dadalo ng Debu" Nilapit ni Jayrod ang Cellphone nya Kay Felyx para makita
"Ang pangit mas maganda pa si Twyla"
ang twylang sinasabi nya ang ang pusa na minsan nya ng dinala sa bahay
"Ang sabi ko tingnan mo Hindi laitin"
"E sino ba kasi yan?"
"Sya yung napanood ko sa website" Bulong Ni Jayrod,,,,,bumulong pa sya e rinig naman namin
"Wag moko idamay jan,nood ka ng nood" saad ni Felyx at hinampas nya si Jayrod
"manahimik kayong dalawa, pag nabangga tayo papatayin ko kayong parehas" saad ni Charles kaya nagsitahimik nalang sila
Dalawang oras yata ang byahe dahil sa layo ng lugar na pupuntahan namin, nakarating kami sa isang Subdivision na Sobrang lalaking mga bahay ang naka tayo, mukang mayayaman lang ang nakatira dito
YOU ARE READING
Possessive Series#1 Ryever Marquis Zves
عاطفيةSya ay ampon ng mag asawang punzalan mahirap lamang ang buhay nila at nangungupahan sa isang subdivision, ngunit paano kung isang araw ay mag bago ang kanyang estado sa buhay?