Chapter 21

18 1 0
                                    

Third person's POV

past?..

Kasalukuyan akong nakahinto sa gilid ng Kalsada at hinihintay ang aking kasintahan malapit sa isang mansyon ...... Sa mansyon ng mag asawang Sandoval napatingin ako sa mansyon ng may mga lalaking pumasok sakanilang bahay at may mga hawak itong mga baril tiningnan ko itong mabuti para siguraduhin at tama nga pinasok sila siguro ay ang yaman nila ang habol nito sakanila

Dahil sa kagustuhan kong tumulong ay lumabas ako saaking sasakyan at lumakad patungo sa likod ng bahay at inilabas ang aking baril may baril ako dahil dati ako sa Pulitiko

Ng makarating sa likod ng bahay ay naabutan ko ang isang babae na may hawak na sanggol sya si Mrs Sandoval nakaupo ito sa likod ng puno na may malaking ugat Yakap yakap nya ang isang taonong gulang na bata lumapit ako sakanya para sana tulungan sya ngunit Tinutukan nya ako ng baril

"Sino ka? Isa kaba sa mga nanloob saamin?" tanong nya habang ang isang kamay ay buhat ang sanggol at ang isa namay sa baril

"No, nandito ako para tumulong nakita ko na may pumasok sainyo na may mga dalang armas kaya pumunta ako dito, wag ka mag alala dati ako sa pulitika" saad ko

Tila nakahinga sya ng maluwag at ibinaba ang kanyang baril may mga lubilibot na men in black kaya naman nagtago muna kami sa ugat ng malaking puno

"May Cellphone kaba?" Biglang tanong nya kaya napatingin ako sakanya

"Why?"

"May tatawagan lang ako" saad nya kaya naman kinuha ko ang Phone ko sa bulsa

Nag dial sya ng number at nakakailang ring palang ay sumagot na ito

"Hello Emely! Pumunta kayo rito sa mansyon ngayon na mismo Sa likod kayo ng bahay dumaan" saad nya at pinatay ang tawag

"Sino Sila?"

"Katiwala at family driver namin sila na itinuring naming kaibigan o Kapatid" saad nya kaya napatango ako

Naramdaman kong may naglalakad papalapit saamin kaya Sinenyasan ko sya na wag maingay mabuti na lamang at tulog ang bata

Maya maya lamang ay nakita ko ang isang lalaki na dahan dahang nag lalakad na animo nag hahanap ng pusa nakatalikot sya saakin kaya hindi nya ako kita

Sinamantala ko ang pagkakataon para takpan ang bibig nito at sipain ang likod ng kanyang tuhod dahilan para ito ay mapaluhod hindi na ako nag aksaya ng panahon at binali ang kanyang leeg

Napatingin ako saaking likuran ng may dumating na isang babae at lalaki nakasakay sa isang sasakyan nilapitan nila ang babaeng may hawak na sanggol ako naman ay nakabantay lamang muna sakaling may dumating na kalaban Tuloy parin ang putukan ng baril sa loob ng mansyon siguro ay nakikipag laban ang kanyang Asawa at ilang mga tauhan

"Umalis na kayo itakas nyo ang anak ko kayo na muna ang bahala sakanya"

"Ano? Pero Beatrice-" Hindi na natuloy ang sasabihin ng babae

"Nilusob kami ng mga Kalaban namin sa negosyo nais nilang kuhanin si Jaira gusto nila kaming pabag sakin"

"Walang dapat makaalam sa ngayon na sya ang aming anak mapapahamak sya"

"Kinakaylangan nyong palitan ang Kanyang pangalan at apelyido upang sa gayon ay walang maka kilala sakanya kung hindi ay mapapahamak sya"

"Kayo na ang bahala sakanya babalikan namin sya kapag tapos na ang lahat ng kaguluhang ito"  mahabang lintaya nya saka hinalikan ang kanyang anak

Umalis na ang Dalawa kasama ang sanggol malungkot ang mga mata nya na tumingin saakin

"wala sanang makaalam kahit sino" saad nya

Possessive Series#1 Ryever Marquis ZvesWhere stories live. Discover now