1 - Ang pahiwatig

19 7 0
                                    

Mga nagbabagsakan na katawan, mga dugo na dumadaloy sa lupa, ang pag sigaw ng mga sugatang tao, mga putok ng baril at tunog ng metal na sandata ang tangi kong naririnig, kasabay nito ang walang awat na pag-agos ng mga luha sa aking mata.

Isang bangungot kung iisipin ngunit ito ang kasaysayan ng ating bansa. Pilit kong ginigising ang aking sarili mula sa bangungot na ito. Tama na. Ayoko na. Gising.

May naramdaman akong humawak sa aking balikat mula sa aking likod, nilingon ko ito at sa aking gulat ay isa itong Pilipino na nakikipaglaban.

"Ano ang iyong ginagawa, Binibini..?! Iligtas mo ang iyong sarili..!"...Iligtas..? Iyon nga ang aking pilit na ginagawa pero kahit anong gawin ko ay hindi ako magising-gising. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang magkabilaang balikat ko at sinabi...

"Gising, Gumising ka Christine..!"

Dinilat ko ang aking mga mata at agad na umupo sa aking kama. "Nanaginip ka nanaman ba, Christine..?" tanong sa akin ng aking tiya. Agad ko naman kinuha ang tubig na nakalagay sa tabi ng aking kama. "Ayos lang po ako, Auntie".

Nakita ko namang nakahinga siya ng maluwag ng sinabi kong ayos lang ako pero nakikita ko parin ang pag-aalala sa kaniyang mata. "Bad dream lang po." Dagdag ko pa para hindi na siya mag-alala, napatingin ako sa orasan.. 5:00 AM na.

"Sige na, maligo ka na at mag almusal bago pumunta sa eskwela.." sabi niya bago tumayo at umalis ng kwarto. Huminga ako ng maluwag at umalis na sa kama at nag tungo sa palikuran.

-----

Nag paalam na ako kay auntie at nag tungo na sa university na aking pinapasukan dito sa Laguna. Umupo na ako sa aking lamesa nang may narinig akong bulong sa likod ko...

"Gawin mong tama ang lahat, Baguhin mo ang pagkakamali na dating ginawa.."

Pagkatapos nun ay naramdaman kong walang hangin na lumalabas sa aking ilong.. Hindi ako makahinga, nagsimula na akong mag panic, pinikit ko ang mga mata habang nakahawak sa aking leeg, sunod na alam ko at nakatayo na pala ako at pinagtitinginan ng iba kong mga kaklase... Hays.

"nababaliw na siya.." narinig kong bulong ni Anna sa katabi niya sabay tawa. "Are you okay, miss Aquino..?" tanong sa akin ni maam Bautista. "ayos lang po ako.." sabi ko sabay upo sa aking upuan. Bumalik naman siya sa pag sulat sa blackboard habang si Anna at ang kaniyang kaibigan ay nag titinginan sakin. Ganun ba ako kaganda..? Char.! Feelingera ka talaga miss Christine Aquino..!

-----

Natapos na ang klase at nagsisilabasan na ang mga estudyante papunta sa canteen. Habang ako naman ay iniisip pa rin ang nangyari, nitong mga nakaraang araw kasi ay lagi na lang akong binabangungot at minsan ay tulala.

"huy..! lika na bes" narinig kong sabi ni Hana sabay wagay-way ng kaniyang kamay sa tapat ng aking mukha, si Hana ay ang aking kaibigan mula pa noong pang kindergarten. Pareho kami ng course na kinuha.

"Tulala ka nanaman, Christine.." dagdag pa niya. Napansin din niya..? Haha. "wala lang toh, baka sa puyat ko lang.. tara na" sabi ko sabay hawak sa kaniyang braso.

"Christine, Chris.." narinig kong sabi ni Hana. Hala nag lutang nanaman ang ante niyo, kahiya huhu. "Sorry, lutang lang.." sabi ko sabay ngiti.

"Halata naman.." pinagpatuloy niya ang kain at parang hinihintay ang sagot ko, napansin niyang nalilito ang mukha ko. "Pupunta ka ba sa field trip..?" Inulit niya ang tanong niya. Naalala ko ang field trip na sinasabi niya, field trip yun ng school at oo balak kong pumunta. "Oo, wala naman akong ibang gagawin sa bahay."

Ang Huling PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon