2 - Pagkikita

12 5 0
                                    

   "IKAW..! KILALA KITA. KAILANGAN MONG BAGUHIN ANG PAGKAKAMALING DATING GINAWA SA NAKARAAN..!" Nanlaki ang aking mata ng sinabi niya. Parang parehas sila ng sinabi sa mga bumubulong sakin.

"BAGUHIN ANG ANO..!?"

Nakita kong nagmamadaling pumunta sa akin si Danielo at nilayo ako sa kaniya dahilan para mapabitaw siya sa braso ko. Nanghihina ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako. May humila din sa taong yun papalayo sa amin. "Pasensiya na kayo, masiyado na siyang nilamon ng mga nilalaman niya sa kasaysayan." sabi nung humila sa kaniya. Nakikilala ko yung humila sa taong yun, siya yung sumalubong samin kanina parang tourist guide namin..

Hinila na niya ng tuluyan yung taong sumigaw sakin kanina pero nagulat ako ng tumingin muna siya sakin. Weird din niya..

"Baguhin mo ang pagkakamaling dating ginawa.." narinig kong bulong sakin mula sa likod ko. Nilingon ko ito pero si Danielo lang ang nakita ko na nag-aalala.

"Okay ka lang ba, Christine..?" tanong sakin ni Danielo, napatingin ako sa paligid at wala masiyadong tao dito sa pinuntahan ko, buti na lang. "Ayos lang ako, nagulat lang.." tumango naman siya at inalalayan ako kasi mediyo nanginginig ako.

-----

Natapos na kami sa museum at papagabi na ng makarating kami sa hotel. Hinatid ako ni Danielo sa kwarto namin ni Hana bago siya umalis. "Huwag kang magpupuyat para hindi ka bangungutin.." paalala niya sakin, mukhang seryoso siya di ako pwede mag joke. Hehe.

"Sige na, magpahinga ka na rin.." sabi ko sa kaniya, ngumiti naman siya at tumango. Nagulat ako ng bigla niya ako bigyan ng halik sa pisngi bago maglakad papalayo, sana di niya mapansing namumula pisngi ko. Huhu. nag-wink siya sakin at tuluyan na siyang umalis. Tsk, ang flirty..

Binuksan ko ang pinto ng kwarto namin. Bigla akong napasigaw ng kaunti at napaatras ng makita ko si Hana na naka face mask yung pang skin care at may kiwi sa mata niya. Grabi, bakit kasi siya nakaharap sa pinto.. muntik na ako mahimatay..!

"Bakit, Christine... Is that you..?" tanong niya sakin at tinanggal ang kiwi sa isang mata niya, bigla siyang natawa ng nakita akong gulat na gulat. Haha nakakatawa.

"Bakit ka kasi nakaharap sa pinto..!" sabi ko sa kaniya at sinara ang pinto sa likod ko. "Akala ko kasi ay matagal pa ang halikan niyo ni Danielo.." sabi niya at sabay tawa. Inirapan ko naman siya at napatawa na rin.

"Naiinggit ka nanaman.." pabirong sabi ko habang naka upo sa kama, umiling naman siya at umupo na rin sa kaniyang kama. "Ang sweet niyo talagang dalawa, buti hindi kayo nilalanggam." sabi niya at humiga.

Naalala ko tuloy yung una naming pagkikita, nasa detention ako nun dahil na late ako sa klase. Hindi ko pa alam na anak siya ng Principal noon, nasa detention room din siya kaya akala ko may kasalanan rin siya. Lumapit siya sakin nun at kinausap, hindi ako komportable na makipag salamuha nun at si Hana lang ang kaibigan ko pero nung kinausap niya ako bigla ako nakaramdam ng hindi ko alam kung ano pero dahil sa pakiramdam na yun ay nakuha niya ang puso ko. Lagi na kami nag-uusap pagkatapos nun, hinihintay niya ako sa mga klase ko, dun ko na rin nalaman na anak siya ng principal kasi nga hindi siya pumapasok sa university na yun, dumating yung time na kailangan na niyang umalis at bumalik sa spain. Hindi naging hadlang yun sa amin at pinagpatuloy namin ang relasyon namin, naging Long Distance Relationship kami. Mahal ko siya at mahal niya rin ako.

Hindi ko namamalayang naka ngiti na pala ako habang inaalala ang nakaraan. "Natuluyan ka na ba..?" tanong ni Hana dahilan natauhan ako at tumingin sa kaniya habang naka ngiti pa rin. Nagmumukha pala akong baliw dito. Huhu. "May naalala lang ako.."

"ahh, alam ko na.." sabi niya at bumalik sa pagce-cellphone. "Sa manila ocean park daw tayo bukas.." dagdag pa niya. "Talaga..? Gusto ko talagang pumunta dun, buti na lang.." sabi ko, Excited ako. Ackk.

Ang Huling PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon