3 - Guhit

11 4 0
                                    

"Nasa taong 1894 ka... December 24, 1894..". 1894..!? Nasa Sinaunang panahaon ako..!?

"Teka..! Anong ibig mong sabihin..!?" tanong ko sa kaniya, nakita ko naman napa hinga siya ng malalim.

"Siya si Cristina Dela Puerte ang panganay na anak nila Joselito Dela Puerte at Selina Dela Puerte. Siya ay pinong pilipina at walang ibang lahi, siya ang pinaka maganda sa kanilang magkakapatid, may maganda din siyang puso na nabihag naman ni Danilo.." sabi niya. Anong connect sakin..?

"Si Danilo Guerro naman ay ang nag-iisang anak nila Antonio Guerro at Isabella Guerro. Ang dugo niya ay may halong Kastila pero may dugong Pinoy naman siya dahil sa kaniyang Ina. Katulad ni Cristina ay napaka gwapo ni Danilo at may magandang puso..." dagdag pa niya habang naka tingin kay Danilo na naka upo sa isang upuan tapat ng hapag kainan. Totoo nga nag ganda ni Cristina at gwapo naman si Danilo pero.. anong kinalaman ko dun. Huhu, balik na po ako.

"A- ano pong kinalaman ko jan..?" tanong ko sa kaniya, napatingin naman siya sakin at ngumiti ng bahagya. "Ikaw si Cristina.." simple sagot niya, nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko. What the-..?

"Po..?" yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"Ikaw si Cristina sa dati mong buhay.. hindi ba parang magka parehas ang ngalan niyo..? Christine and Cristina, akala ko gets mo na nung narinig mo pa lamang ang pangalan niyo." tugon niya.. A- ako ang babaeng yan..? Ganda naman... Char..!

"P- paano po nangyari yun..? Paano ako napunta dito tsaka anong gagawin ko dito..?" sabay-sabay na tanong ko. Naguguluhan talaga ako.. huhu, tutorial how to understand this situation please..!

"Isa-isa ko sasagutin yan.." sabi niya at tumayo sa kina uupuan niya, pinanood ko lang siyang maglakad papunta sa bintana..

"Pagkakamali.." panimula niya. Pagkakamali..? Lagi ko yan naririnig..

"Yun ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon." sabi niya, ha..? di ko gets, anong pagkakamali..?

"Ano pong pagkakamali..?" tanong ko sa kaniya at pumumta na rin sa bintana, malaki ang bintanang toh kaya ramdam ma ramdam ko ang sariwang hangin.

"Ang pagkakamali nila Cristina at Danilo.." sabi niya, hindi na ako nagsalita dahil pinagmamasdan ko ang paligid at hinintay na lang siyang magpatuloy. Grabe sinaunang panahon nga ito, paligid pa lang...

"At ang pagkakamaling iyon ang nagtulak para mapunta ka rito.. Iba man ang iyong pangalan ay parehas naman kayo nang kaluluwa." Pagpapatuloy niya.. Ako si Cristina.. ang hirap pa rin paniwalaan.

"Ikaw din ang magbabago ng pagkakamaling yun.." dagdag pa niya.. okay it's my cue to ask..

"Ano po ba yung pagkakamaling yon..?" tanong ko sa kaniya.

"Yan ang aalamin mo.. sa tanong mo naman kung paano ka napunta dito, ako ang nag papunta sayo.." sagot niya.. bakit secret..?

"Anong gagawin ko..?" tanong ko.. feel ko naiirita na siya kakatanong ko.. "Kailangan mong baguhin ang kwento.. kailangan mong baguhin ang pagkakamaling dating ginawa.." Ang gulo parin.. Huhuhu.

"Pero paano..?" tanong ko nanaman.. hays..

"Kunin mo ito.." sabi niya sabay abot ng isang maliit na kulay gintong orasan.. wow gold, char..!

"Buksan mo lang yan at mapupunta ka ulit dito.." sabi niya, pinagmasdan ko naman yung orasan na nahahati, binuksan ko ito ay may larawan ng isang statue na umiiyak.. "paano kung ayaw ko nang mapunta pa rito..?" tanong ko sa kaniya. Ayaw ko na kasi mapunta rito ang creepy.

Ang Huling PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon