Kabanata 3

20 5 0
                                    

NAGISING ako dahil sa pagtunog ng alarm ko. Nang tingnan ko ang orasan ay alas-otso na nang umaga. Kaagad akong kumilos para maligo at magbihis.

It's Thursday, ang araw ng Path Fit namin. Kung hindi mo alam ang Path Fit, tinatawag din iyong PE sa ilang university. Iisa lang naman ang ibig noon, non uniform day.

Suot ko ang maroon shirt namin na may maliit na logo ng university sa harap at “Physical Education” na phrase naman sa likod. Ang shorts naman na kulay maroon din ay may maliit na phrase ng PE sa kaliwang bahagi ng pang-ibaba.

Ipinusod ko lang ang mahaba kong buhok at saka naglagay ng sleek stick para hindi ako magmukhang loka-loka mamaya habang nagtatatalon sa Path Fit. Kinuha ko ang kulay pink kong shoulder bag at inilagay doon ang mga necessary things na dapat kong dalhin.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. Wala na si Trixie at Maxine sa apartment. May kaniya-kaniya rin kasi silang klase at hindi rin naman parehas ang schedule namin. Baka mas maaga silang pumasok kaysa sa akin. Mamayang alas-diyes pa naman kasi ang klase ko. 10 AM sa Path Fit at 3 PM naman sa NSTP.

Bumaba na ako at kaagad na pumunta sa sakayan. Hindi na ako kakain dahil may baon pa naman akong snacks sa bag ko.

Nagmadali akong pumara ng jeep na dadaan nang makita na alas-nuebe na. Oo maaga pa at may isang oras pa pero kailangan kong magpataan dahil may kukunin pa akong libro ng Psychology sa library. Hindi ko rin alam kung nandoon pa ba yun kung saan ko huling iniwan.

Nang makasakay ay naging mabilis naman ang byahe. Maaga pa at halos karamihan nang nakasabay ko ay puro estudyante na nag-aaral din sa university. Nakasuot ang iba ng uniform at ang iba naman ay naka-organization shirt.

Pagbaba ay dire-diretso sana akong papasok ng gate. Ganoon na lang ang gulat ko nang harangin ako ni Kuya Lorenz. Iyong school guard namin na naka-duty tuwing umaga.

“Oh! Sandali, sandali.” Pigil niya nang akmang papasok na ko. Pinatabi niya ako sa gilid at takang tiningnan ko naman siya. Nagpatuloy siya sa pagpapasok ng mga estudyante at nang wala ng papasok ay hinarap niya ako at nginitian.

“Bakit kuya? May problema po?” Tanong ko at itinuro niya naman ang shirt ko.

“Nasaan ang ID mo hija?” Nasapol ko na lang ang noo ko. Nakalimutan ko, paksheeet!

“H-hala, nakalimutan ko pala!” Naiinis na turan ko at napapadyak na lang sa lupa.

Hindi ko na kayang bumalik. Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit hindi kalayuan sa amin at napaismid ako nang makitang alas-nuebe y media na!

Hindi na ko pwedeng bumalik sa bahay. Tiyak na male-late ako kapag bumalik pa ko!

Kaagad kong binuksan ang bag ko at nakita ko roon ang extra ID lace na pinabili sa akin ni Trixie noong isang araw. Nasira kasi yung gamit niya at hindi naman strikto ang university sa kung anong ID lace ang gamitin. Kahit nga Psychology ka ay pwede mong gamitin ang sa Nursing.

“Kuya, pwede po—” Kaagad siyang umiling nang makitang hawak ko ang ID lace. Nakabusangot ang mukha ko. Wala na ata talagang pag-asa na makapasok ako nang hindi umuuwi!

“Let her in.”

Napalingon ako sa likuran nang makita ang isang lalaki. Matangkad siya, kulay itim ang undercut na buhok. Matulis ang panga at maputi ang balat. Gwapo siya pero mukhang masungit!

“S-sir?” Tanong ni Kuya Lorenz pero tinanguan lang siya ng lalaki. Nilampasan ako noon at tuloy tuloy na pumasok sa university.

“K-kuya? Papasok na po a-ako.” Tanong ko at tumango lang siya sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag.

Bakit ako tinulungan noon? Kilala ko ba siya? I think I saw him before, somewhere.

Dumiretso ako sa library at kaagad yumakap sa akin ang malamig na hangin, galing sa malaking aircon ng library. Itong library namin ay isang malaking 7th storey building. Air-conditioned at fully furnished.

Binigay ko sa librarian ang library card na kinakailangan para makapasok ka sa mismong aklatan. Ibinalik niya rin naman agad iyon sa akin kaya nagpatuloy na ako sa agenda ko.

Pumunta ako sa Psychology Books Section ng library. Kaagad na dumapo ang tingin ko sa bookshelves na puno ng mga Psych books. Ang heaven! Kung pwede ko lang iuwi ang lahat ng to para basahin ay iuuwi ko talaga hahahaha! Natawa tuloy ako sa naisip.

“Cute ka pala tumawa.”

Napatigil ako sa pagtawa nang makita yung lalaki kanina na tumulong sa akin para makapasok nang hindi na umuuwi.

Nakatingin siya sa akin. Nakatayo ito, nakasandal sa isa sa mga bookshelves at nakapamulsa. Seryoso ang tingin niya pero may kung anong ilaw sa mata niya.

“H-ha? Do I know you?” Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Kagaya kanina ay nilayasan niya ako at dire-diretsong lumabas ng library.

Typical Thursday AfternoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon