Kabanata 20

4 3 0
                                    


“HINDI mo ba pupuntahan si Business Ad student?” Napatingin ako kay Jane habang naglalakad sa hallway.

Tapos na ang event ngayon at naisagawa na rin ng council ang charity run na isinagawa namin. Lalong dumami ang stockholders ng university dahil sa event na hineld namin. Nakakatuwang malaman na maraming matutulungan ang pondo na nakuha namin nang month na yun.

Sa wakas ay makakahinga na rin kami nang maluwag, lalong lalo na ako. Napabayaan man ang kalusugan ay hindi ako nagsisising ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para maibigay ang pangangailangan at kasiyahan ng mga estudyante.

Noong unang linggo ay mga activity booths ang bida. Mayroong mga cooking shows, activity games, art exhibits, at mga contest kada colleges at external campuses ng university. Dahil may mga awards ang colleges na mananalo ay tiniyak naming patas ang magiging resulta noon. Ang mga Dean ng bawat campuses ang kinuha namin bilang judge at sila ring pipili ng pisibleng manalo kada awards.

Noong ikalawang linggo ay naganap na ang charity run event. Dinagsa iyon ng libo-libong estudyante mula sa iba't ibang school. Nakiisa sila at nag-donate upamg makatulong sa charity kung sana magdodonate ang aming university. Nagkaroon din ng pageant ang ibang colleges na sila mismo ang nag organize, bagay na ikinatuwa namin dahil bawas gawain at intindihin iyon. Nang sumapit ang huling araw ng second week ay ginanap naman ang battle of the bands. May dumalo ring mga sikat na banda kaya naman tuwang-tuwa ang nga estudyanteng nagpunta sa university.

Natauhan ako nang kalabitin ako ni Jane. Nakaangkla ang braso ko sa braso niya. “Bakit?” Tanong ko sa kaniya.

“Oh ayan na pala eh. Speaking of. Bye bye na.” Paalam niya bago inguso ang taong naghihintay sa harapan ko. Nang tingnan ko kung sino iyon ay napangiti ako.

“Hi!” Bati ko sa kaniya. Kaagad niya akong nilapitan at pinat ang ulo ko.

“Tsk.” Ngiti pa niya sa akin. Nawala ang mata ng lalaki kaya napangiti rin ako kagaya nang sa kaniya. Bagay na bagay sa kaniya kapag nakangiti siya at masaya.

Nagkaayos na kami ni Ian. Na-realize kong tama si Maxine. Hindi na dapat pa namin patagalin ang isang away lalo na kung hindi naman iyon ganoon kalalim.

“You missed me this much ah?” Pang-aasar ko nang akbayan niya ako at parang tangang ngumiti sa kawalan. Ngumisi siya sa akin at pinitik ang noo dahilan para mapasimangot ako.

“Kailan ba kita hindi namiss, Rae? Palagi naman kitang namimiss.” Nakangiting bulong niya kaya naman agad na namula ang pisnge ko.

“Oo nga pala, Ian.” Napabitaw siya sa akin at tiningnan ako.

“May gagawin ka ba bukas?” Tanong ko. Sabado na kasi bukas, at araw na rin ng birthday ko. Finally 19 years old na ang tao na 'to hahaha!

“Wala naman Rae. Why?” Takang tanong niya. Napailing naman ako at nauna nang maglakad sa kaniya.

Hindi niya pa nga pala alam na birthday ko na bukas.

Nang matapos lahat ng klase ko nang araw na iyon ay agad akong pumunta sa Library para ibalik ang mga librong hiniram ko roon.

How I wish na sana ay mayroon na lang din akong libro kagaya ng mga ito.

“Advance happy birthday, Aliah Rae.”

Nilingon ko si Jared nang bigla siyang sumulpot sa likuran ko. Hawak hawak niya ang isang libro ng Engineering at nakasuot din siya ngayon ng reading glasses niya.

“Thanks, Jared! Naalala mo pa naman.” Natatawa kunwaring sabi ko.

“Paano ko makakalimutan eh last year ako ang kasama mong mag-celebrate ng birthday mo.” Nakangiting sabi niya habang ang paningin ay nasa libro. Natigilan ako dahil sa sinabi ng lalaki.

Last year kasi ay siya ang kasama kong mag-celebrate ng birthday ko. Dinala niya ako sa art museum nang malaman niya kay Trixie na mahilig ako sa mga ganoong bagay. Ibinili niya rin ako ng isang polaroid camera na kulay pink pero hindi ko naman iyon tinanggap.

“Sige, mauna na ako.” Paalam niya nang hindi na ako nagsalita pa.

Sinundan ko pa siya ng tingin nang lumabas siya sa library. Pagpihit ko ay nakasalubong ko ang nagtatanong na tingin ni Ian kaya naman muntik ko nang masagi ang shelves na nasa tabi ko.

“Ano ka ba Ian! Nakakagulat ka naman.” Simangot ko sa kaniya.

“Siya pala ang kasama mo mag-celebrate last year?” Biglang tanong ng lalaki at tumango naman ako.

“Oo.”

Bumuntong hininga siya at naupo sa couch kaya naman tumabi ako.

“So birthday mo na pala bukas?” Tanong niya.

“Oo. Sasabihin ko sana sayo kanina kaya lang...” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

“Kaya lang, what?” Pagcoconyo niya na naman.

“Kaya lang nahihiya ako dahil hindi naman ako naghahanda kapag birthday ko. Wala akong maipapakain sayo Ian.” Nahihiyang sabi ko at narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito.

“Rae, it doesn't matter to me. Ang mahalaga sa akin ay makasama kita sa espesyal na araw mo.” Sagot niya. Napatingin ako nang hawakan niya ang mga kamay ko.

“Can I do that Rae? Can I go to you tomorrow and celebrate your birthday?” Tumango ako sa kaniya at nginitian siya.

“Let's celebrate my birthday together, Ian. Let's do that.” Masayang sabi ko pa.

“Yung lalaki kanina. Siya si Jared Devilla right?” Biglang tanong niya at tumango naman ako.

“Are you jealous?” Wala sa sariling tanong ko at ngumiti naman siya sa akin.

“Why would I? I know that you're mine, Rae. I don't have to worry even if he's around you. What's mine is mine.”

Typical Thursday AfternoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon