Kabanata 12

3 1 0
                                    

Kabanata 12  | Heartbeat

Napapikit ako sa init. Masyadong maraming tao kaya halos mahilo ako. Other students were busy building their own booths. 

Nilingon ko naman si Sheila at Kuya Lando na nag-aayos ng amin. 

I sighed heavily. Ramdam ko ang pawis ko kahit wala naman akong ginagawa. I'm not sporty or athletic, much more productive. Hindi ako magalaw kaya mabilis akong pagpawisan sa mga simpleng gawain. 

“Ayos na po ba ito, ma'am?" si Kuya Lando. 

I looked at our store. Simple lang iyon dahil ayaw ko na masyadong maraming maarte para sa isang bagay na hindi ko naman ganoon ka-gustong gawin. 

I simply nodded. “It's fine." 

Pinakuha ko naman ang fifty burgers at nilagay sa isang tray, katabi ng mga juice. We have buko-flavored, melon-flavored, gulaman-flavored, orange-flavored, and chocolate-flavored juices. And all that is from real fruits aside from the chocolate one, of course. 

“Pabili isa," sabi ng isang lalaki sa likod ko. 

Napalingon naman si Kuya Lando at Sheila sa akin. 

“Kita mong nag-aayos pa, diba? Do we look like we're ready to take your order?" irita kong sabi sa kanya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay. 

Sheila's eyes widened. 

“H-Huh? Pwede na um-order! D-Dito, Kuya!" si Sheila na hinabol ang o-order sana. 

I just rolled my eyes. 

Tsk. Can't he use his eyes? 

Nilingon ako ni Sheila gamit ang malulungkot na mata. 

Pinandilatan ko siya. “What?" 

Agad siyang umiling at bumalik sa cart. 

Pinabalik ko rin si Kuya Lando nang maayos na ang cart namin. Sinubukan kong pumasok sa loob. It's so tiny and hot. 

Nasa harapan ang mga pagkain at sa ilalim ay may mga cabinet kung saan ilalagay ang bayad at mga panukli namin. 

“Ang init!" reklamo ko. 

Agad na kumilos si Sheila at binuksan ang electric fan saka itinapat sa akin. Sumimangot ako nang kahit ang buga ng hangin ay mainit. 

Kapag ako namatay dito, all of you will be held accountable. 

“Kahit ako na ang bahala sa mga orders nila tutal sinagot mo na mga gastos…” aniya. 

And I just nodded. 

I watched her accept orders. I can't help but to feel pitiful. I rolled my eyes. This is so fucking annoying. 

Inabot ko ang small bag ko at nilabas ang notebook ni Kenji na binigay niya sa akin. Might as well just study. 

I groaned. Puta, ang init talaga! 

Hindi ako makapokus sa pagbabasa dahil ramdam ko ang bawat butil ng pawis na tumutulo sa katawan ko. Kung bakit ba naman kasi sa open court ‘to pinagawa, kakairita! 

Maingay rin ang mga estudyante na tawa nang tawa. Paano ba naman kasi, nananadya yata sila at pinwesto pa ang photobooth nila sa mismong harapan namin. 

Nakakainis tuloy ‘yung ingay ng mga customers nila. Tsk. Pangit-pangit naman ng design. 

“Shei, malapit na magsimula ‘yung game. Maglalaro crush mo! Tara na!" aya yata ng kaibigan niya. Hindi pamilyar ang mukha kaya baka sa ibang strand. 

Descending Stars (Fallen Heroes Series #1) Where stories live. Discover now