PROLOGUE

5 1 0
                                    

STARING herself at the mirror and admired her beauty makes her think that maybe she became this gorgeous para—

“Tumigil ka na sa ganda-gandahan mo d’yan Shi! Wala pa ding silbi ang ganda kung wala kang asawa”

Napatigil si Shenzel sa pagtitig sa kanyang mukha na nasa salamin nang may sumira sa kanyang pagbibigay hanga para sa sarili. Ito ang kanyang kaboardmate at matalik na kaibigan kung saan hindi niya alam kung bakit nandoon sa boarding house nila sa oras na iyon.

Nang malaman kasi nito na nandoon siya sa boarding house ay dali dali itong lumuwas galing Talisay City para lang makita siya.

Napangiti siya nang may maisip na what if, what if lumuwas ito kasi sino bang hindi makakamiss sa mukha niyang maganda. Dahil doon napangiti siya ng malapad.

“Anong nginingiti ngiti mo dyan Shi? Hoy babaita ka kapag ikaw nabaliw, sayang ang ganda mo.”

Mas lalo pa siyang napangiti sa pagbanggit ng kanyang kaboardmate na maganda nga siya.

Tiningnan niya ito nang may ngisi sa labi at—

“ARAYYYY!YAWA! BAKIT MO’KO SINAMPAL BRUHA KA!”

Dinama niya ang kanyang mukha at tiningnan nang masama ang bruhang sumampal sa kanyang pisngi.

Paano kung masira ang mukha niya, hindi iyon maaari.

Dali-dali naman niyang chineck sa salamin kung may sugat ba ito. Nakita niya ang grabeng pamumula nito, sensitive pa naman ang pisngi n’ya.

“Kapag mamaga ang mukha ko at pumangit, babalatan ko yang mukha mo o hindi kaya isusubsub ko sa frying pan na mainit.” sambit niya nang makitang ngumiti nang nakakaloko ang kanyang kaibigan. Namumutawi sa mukha nito ang ngiting tagumpay sanhi nang pagsampal nito sa kanyang magandang mukha.

“Bakit ka ba naparito at iniwan mo ang asawa mo doon sa condo n’yo? Bumalik ka nalang doon, hindi yung iniistorbo mo ang aking beauty rest.” patuloy n’yang saad.

Napahiga naman ito sa kama n’ya. Naalala n’ya tuloy na dating double deck ang nakalagay doon imbes na kama.

“Eh kasi hindi mo sinabing babalik ka pala dito. Maganda naman doon sa bahay ng lola mo para magrelax pero andito ka nagtitiis sa boredom.” untag ng kaibigan n’ya sa kanya. 

“Samahan nalang kita dito para naman hindi ka mabagot.” sabi nito sa kanya at tumingin sa kanya. Napakunot noo siya kasi bakas sa mata nito ang kalungkutan pero inignora nalang niya iyon kasi umusbong sa kanya ang inis.

Nainis siya nang maalala kung bakit nga ba nasa boarding house siya ngayon. Mas mabuting dito muna siya magpapalamig ng ulo kaysa naman bumalik sa bahay ng lola n’ya. Marinig n'ya lang yung “anak” at “asawa” ay talagang mauubusan siya ng pasensya.

Sa edad na dalawampu’t pito’y wala pa din siyang maipakilalang lalaki sa harap ng kanyang pamilya at sabihin sa kanila na mag-aasawa na siya. Gusto niya tuloy isumbat na noong eighteen palang siya gusto na niyang may kasintahan kasi may prospect na siya pero sa edad na yon ay pinagbabawalan pa din siyang pumasok sa isang relasyon.

Hindi niya maintindihan kung bakit bawal eh hindi na siya menor de edad.

Pero wala siyang magawa kundi maging sunod sunoran nalang kasi auntie niya ang nagbabayad ng kanyang boarding house at nagbibigay sa kanya ng allowance. Sa panahon na yun ang auntie lang niya ang may kakayahang pag-aralin siya ng college kasi walang permanenteng trabaho ang mama niya at wala din siyang tatay.

Napangiti siya ng mapait nang maalala kung paano siya nakapagtapos ng college despite of all struggles, malaking tulong sa kanyang pagtatapos ang kanyang auntie.

Crossing ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon