10 years ago.
INCOMING CALL. Yan ang nakalagay sa screen ng kanyang phone.
“Ryle.” sagot nya agad habang nakangiti. Walang ibang tatawag pa sa kanya sa ganitong oras kaya’t alam n’yang ang kanyang boyfriend lang ang tatawag.
“Let’s end this, loveyy” sagot ng nasa kabilang linya.
Napakunot-noo siya at tiningnan ang phone, baka ibang tao ang tumawag sa kanya at nagkamali lang ito ng number na tinawagan.
Pagtingin nya’y boyfriend naman niya ang tumawag at wala ng iba pa.
“Ha?”
“Maghiwalay na tayo.”
Doon nagsink-in sa kanya ang sinabi nito kanina. Talagang gusto na nitong makipaghiwalay. Alam n'yang doon din hahantong lahat. He’s been cold these days and she’s ready for the possibility na mangyayari talaga yung kinatatakutan n’ya pero hindi naman niya napaghandaang ngayon na pala yun.
Napaupo siya sa kama’t muntik nang mabitawan ang phone.
“B-bakit?” bulong n’ya.
Alam niyang kahit bulong yun ay naririnig pa din naman yun sa kabilang linya.
“Hindi ako pwedeng magkagirlfriend. Pinapapapili ako kung girlfriend ba o mawawalan ako ng scholarship.” saad nito.
Doon umusbong ang namuong galit sa kanyang kalooban at tuluyang hindi na nga nakapagtimpi.
“Anong mawawala ang scholarship? That reason was bullshit Ryle, we’ve been together for almost 6 months and now maghihiwalay tayo dahil mawawalan ka ng scholarship? Sinabi mong you can excel your acads while having me as your girlfriend. Okay naman yung acads mo now ha? Magigrade 12 ka na ngayong pasokan.” mahabang talak n’ya sa katawagan.
“Hindi mo ako naiintindihan Zel.” nahahapong saad nito sa kanya. Now siya pa ang hindi understanding?
“Sinabi ng lola mo na okay naman ang scholarship mo kapag nag-aaral ka ng mabuti. Wag mong sabihin na bagsak ka? Alam nating dalawa na hindi ka babagsak, you know very well na ako ang gumagawa ng mga yan kahit na hindi tayo same ng school.” sagot nya dito.
“So ngayon ipapamukha mo sakin na matalino ka at ang bobo ko kasi ikaw ang gumagawa ng activities ko? Dapat noon sinabi mong ayaw mo pala akong tulungan hindi yung isusumbat mo din pala ngayon yan sakin.” sagot naman nito sa kanya.
Napamulagat nalang siya at napasabunot sa kanyang buhok. Nagiging immature na naman ito at naririndi na din siya sa pagtatapon nito ng tantrums. Kung saan saan na naman aabot ang away nila panigurado.
“Bakit hindi mo nalang amining you cheated on me noong nagpunta ka sa Bohol kaya’t nitong mga nakalipas na araw ay nagiging cold ka na? Huwag mong gawing rason yang scholarship mo dahil hindi ako tanga.” puno ng pagtitimpi nyang sagot.
Natahimik ang nasa kabilang linya. Now she knows that he really is cheating behind her back. Hindi man lang nito ginawang rason na maghihiwalay sila dahil nakahanap na ito ng iba. Ginawa pang rason ang scholarship. Huh talaga lang. He knows very well that she hates someone who cheats.
Naputol ang kanyang pagmumuni muni ng nagsalita ang kanyang ex-boyfriend sa kabilang linya. Oo ex-boyfriend na niya itong maituturing sa oras na napagdesisyonan nitong makipaghiwalay sa kanya.
“Did you open my Facebook account?” saad nito.
Natigilan siya sapagkat inopen nga n’ya ang account nito. Nakita niyang may kinikita itong babae sa isang bridge sa Dauis, tinawag nito itong new bridge.
BINABASA MO ANG
Crossing Paradise
RomanceA college journey wherein students bound to commit for education and academic validation. A scenarios that seems to be so unexpected in a university where students have their own twisted life to look forward. And in just a glimpse of pathways to wal...