BAKER

21.4K 56 3
                                    


Ako si Mario trenta'y sinco anyos isang baker sa panaderya ni Aling Puring, limang taon na akong nag tatrabaho rito  at sa loob ng limang taon ay naging nanay nanayan ko na rin si Aling Puring.

Wala na akong mga magulang kaya naman siya na ang tinuring kong magulang, byuda na si Aling Puring at may isang anak na babae ngunit hindi nakatira dito dahil nag aaral sa syudad.

Minsan ko na itong nakita ng umuwi ito isang beses at masasabi kong maganda siya.

Maalon ang mahaba at kulay abo niyang buhok, mahaba din ang kanyang pilik mata at may katangkaran rin. Ang sabi ni Aling Puring ay foreigner daw ang namatay niyang asawa, medyo snabera nga lang ito dahil pagkarating ay nag kulong lang sa kwarto at umalis din pagkalipas ng isang linggo.

Ang sabi ni Aling Puring ay sembrrak daw kaya umuwi ito noon, pero yun na din ang huling pag uwi nito dahil busy na daw sa eskwela..

Sa edad kung ito ay wala pa rin akong asawa o nobya , hindi dahil sa ayaw ko sayang busy lang ako masyado sa trabaho. Ako lang ang nag iisang baker ni Aling Puring minsan na siyang kumuha ng kasama ko at para may ka relyebo na din ako, ngunit hindi kinaya ang trabaho at umalis din.

Ganon lagi ang sistema kahit malaki ang sahod ay mabilis sumuko ng mga bagong baker, kaya sinabi ko ky Aling Puring na wag nalang kumuha at kaya ko naman mag isa.

Dumating ang araw ng pag uwi ng anak ni Aling Puring, sinamahan ko siyang sunduin ito sa estasyon ng bus dahil marami raw itong dala.

Hindi naman nag tagal ang pag hihintay namin at dumating din ang kanyang anak, nagulat ako sa nakita kong pagbabago nito.

Mas lalo itong gumanda humulma rin sa suot nitong crop top ang hugis ng kanyang katawan, habang naglalakad siya papalapit sa amin ay naglingunan din ang ibang kalalakihan at para bang hinuhubaran na siya sa kanilang paningin.

Mabuti nalang at napansin iyun ng ina nito kaya mabilis na nilapitan, kinuha ko agad ang mga gamit niya yumakap naman si Aling Puring sa anak.

"na miss kita Kitty." malam ing na turan ni Aling Puring

Kitty pala ang pangalan niya, hindi kasi madalas mabangit ang pangalan nito kapag naiikwento ng ina.

"miss din po kita mama" sagot naman ni Kitty.

Pinasok ko na sa sasakyan ang mga maleta niya habang busy sila sa pag uusap papasok ng sasakyan, nang matapos ako ay pumasok na rin ako sa driver's seat at binuhay ang makina ng sasakyan.

Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa paminsan-minsan ay napapasulyap ako ky Kitty at ganon na lang ang gulat ko ng magtagpo ang tingin namin.

Tipid itong ngumiti kaya ganon rin ang ginawa ko.

Nang makarating kami sa bahay ay nauna na silang pumasok habang ako naman ay abala sa pagbaba ng gamit niya.

Ayaw sana ni Aling Puring na ako lang mag isa ang mag hakot ng gamit pero nagpumilit ako kaya wala na siyang nagawa.

Pagka pasok ko ay nasa sala silang mag ina at nag uusap tumikhim ako para makuha ang atensyon nila "ahm Aling Puring dadalhin ko na po ba ito sa taas?" tanong ko

Tumango naman siya "oo hijo, pasuyo nalang ako. Paki pasok rin yan sa kwarto ni Kitty." sagot niya

Marahan akong tumango "sige po." saka binitbit ang maleta ni Kitty

Pagkatapos ko ay hindi na ako nag abalang magpa alam sa kanila na papasok sa aking silid, dahil masaya silang nagluluto sa kusina.

Pagkalipas ng gabi ay sabay kaming tatlo maghanpunan, ayaw ko sanang sumabay dahil nahihiya ako pero mapilit si Aling Puring kaya wala na akong nagawa pa.

ONE SHOT Where stories live. Discover now