CEO (Part 1)

53.2K 154 13
                                    

  
I'm Zam, 30 yrs old Secretary of a big company dito sa Davao, 9 years na rin ako sa trabaho ko pero hindi ko pa nakikita ang CEO namin.

Paano ba naman laging ang spokesman lang niya ang nag pupunta dito sa kompanya at umaattend ng meeting, wala pang kahit sino rito ang nakakita sa mukha ng CEO.

Pero kahit hindi ko pa nakikita ang boss ko ay pinagbubuti ko naman ang trabaho ko, sinisiguro ko na naka ayos ang mga papeles na pepirmahan niya.

I may not see the true face of my boss its not a hendrance for me to do my best at work, kaya nga nag tagal ako ng 9 yrs sa trabaho.

"Zam!"

Napalingon ako sa boses na tumawag sa pangalan ko "bakit?" tanong ko

Lumapit siya sa'kin "Friday ngayon labas tayo.." pag aaya ni Mia

"sino kasama?" taas kilay kong tanong

She crossed her arms on her chest "of course sino pa ba? Syempre the gang!" pilisopo niyang sagot

Napabuntong hininga ako "pag iisipan ko" walang buhay kong sagot saka inaayos ang ibang documents na dadalhin ko sa office ni boss.

Padabog niyang binagsak ang mga pala niya sa mesa ko "ito naman! Minsan ka na nga lang makasama sa gang tapos ayaw ka pa." may pagtatampo sa boses niya

Patuloy ako sa pag aayos ng mga documents "you know I have many things to do and it's because our boss is forever MIA. Lagi nalang si Atty. Dominic ang sumasalo ng trabaho ng boss natin, so kaylangan completo lahat ng documents, payroll at contracts na peperimahan ng boss natin." litaniya ko

Nilapitan niya ako at hinawakan ang braso sabay pihit sa'kin paharap "we all know that but you also need to unwind and get drunk, para naman mabawasan ang stress mo. Please!" she blinked her eyes na para bang nagpapa-cute at nag pouty lips pa

"Fine!" pagsuko ko "what time ba?" pumayag na rin ako dahil matagal-tagal ko na rin sila hindi naka kasama, at gusto ko ring mag unwind ngayon.

"yes!" Napa sigaw ang bruha sa tuwa na para bang nanalo sa lotto "8pm sunduon ka namin sa condo mo." sagot niya habang papa alis sa desk ko at nag babye pa, tumango lang ako at binalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.

After I arrange everything dinala ko na sa office ni boss ang mga documents kumatok muna ako dahil nasa loob si Atty. Dominic ang spokesman ng CEO namin, pagkatapos kumatok ay pinihit ko ang doorknob saka pumasok.

"Hello Sir!" bati ko matapos isarado ang pinto

"oh! Hi Zam." bati niya pabalik "is that all?" tanong niya ng makalapit ako

Tumango ako "Yes Atty. complete na po yan contracts, payroll and the other documents na dapat permahan ni boss." sagot ko

Sinuri niya ng tingin ang mga dala ako at tumango-tango "okay.. You can go now. Mag out kana." aniya na kinalaki ng mata ko

"out sir?" ulit na tanong ko at tumango naman siya "you mean?-"

"Yes and yes!" magiliw niyang sagot hindi pa rin ako nakapag salita sa sinabi niya "umuwi kana! Bago pa mag bago ang isip ko." nakangisi niyang sagot

"Pero sir hindi pa naman oras ng uwian?" nagtataka kong tanong

"Don't worry about it since natapos mo naman ng maaga lahat pwede kanang umuwi, ako na bahala sa lahat."

Nang hindi pa rin gumalaw sa kinatatayuan ko ay nilapitan niya ako at hinawakan ang braso ko saka hinila ako papalabas ng Office.

"Go now! Bye Zam!" malakas niya sabi ng makalabas kami ng office dahil sa pag hila niya sa'kin.

ONE SHOT Where stories live. Discover now