CAPITULO 14: Run, Run, And Chase Her!

10.7K 357 198
                                    

Mabilis siya tumango at kinuha ang bag niya. Sabay kami lumabas ng room niya at naglakad patungo sa Gazebo. She's with Akira right now. Sakto daw na nagkita sila kanina kaya sinamahan na ni Akira si Kinsley sa gazebo. Sakto nga na nandoon si Akira kasi may nakalimutan ako sabihin sakanya sa personal.

"Ah..Vince.."

Nasa kalagitnaan kami nang paglalakad ng bigla nagsalita si Naomi sa tabi ko.

"Mhm?"

Hindi ko siya binalingan pero ng hindi siya nagsalita agad ay tumingin na ako sakanya. Nakayuko siya at nakatingin sa kamay niya na hindi mapakali. Huminto ako bigla at hinawakan ang balikat niya upang ihinto siya sa paglalakad.

Nagulat siya at napatingala sakin. Mabilis mabasa si Nao. Alam ko may gusto siya sabihin pero hindi niya magawa. Her lips were trembling and I know there's a words behind it.

"Sige na. Sabihin mo na. Makikinig ako." Sabi ko at binigyan siyang ngiti.

"Ah..a-ano kasi..ah! wala! Tara na!"

Tinapik-tapik niya ang balikat ko at ngumiti malawak bago siya nauna mag lakad. Naiwan ako nakaawang ang labi. Wala akong nagawa kundi ang sundan siya sabay buntong hininga. Kung pwede lang basahin ang isip niya ay malalaman ko na ano ba ang tumatakbo sa isip niya.

"Tagal niyo naman dumating!" bungad samin ni Akira nang makapasok ng Gazebo.

Magkatabi sila ni Kinsley ng abutan namin. Sila lang dalawa wala si Taro at Gian. Sakto rin pagpasok namin ay nginitian ko si Kinsley dahil parang dala dala niya parin ang sama ng loob mula kanina. She just sighed and looked away from me. Tumutok ulit siya sa cellphone niya. Napanguso na lang ako.

"Hiramin muna kita ah? May sasabihin lang ako." Sabi ko kay Akira sa harap ko.

Bigla niya naman ako nginisihan na parang may sinabi akong nakakatawang biro! Nagawa pa nito tulakin ng mahina ang kaliwa ko balikat.

"Aamin ka na ba sakin? Kailan pa ha? Since from the start? Let me say this Vince...the chance you will get from me is 1 percent-"

"Aish! Hindi ganun!" putol ko sakanya.

Napatingin tuloy ako kay Kinsley na nakataas na ngayon ang isang kilay habang pumipindot sa cellphone niya. Samantalang si Naomi naman nakaupo lang sa harap ni Kinsley, tahimik habang nakatingin samin ni Akira.

"Nao. Dito ka muna ah? Dito muna kayong dalawa. Mabilis lang kami."

Agad ko kinuha ang kamay ni Akira at dinala siya malayo sa Gazebo sa kung saan wala masyadong tao. Sa may likod kami ng punong narra na may bench. Doon kami umupo.

"Ano ba kasi yan? Bakit hindi na lang doon? Confession ba ito? Sinasabi ko na saiyo ito Vince-never akong papatol sa la-la-ki!!" halos isigaw na ni Akira sa tenga ko yun!

Naiirita ko siyang binalingan at nagkasalubong ang kilay. Pero agad na natawa at umawang ang labi dahil na realize agad ang sinabi niya.

"Teka-ano?? Bakla ka?" natatawa ko saad.

Natikom niya ang bibig at inirapan ako. Napangiwi ako dahil bigla niya tinapakan ang sapatos ko gamit ang takong ng black shoes niya!

"Satin lang yan. Papatayin kita pag may nakaalam ng iba. Ano ba kasi yan?! Tsk! Nabuking tuloy ako-bwesit ka!" bigla niya ako hinampas naman ngayon sa braso sa inis!

I'm Not A Guy (INTERSEX || GXG)Where stories live. Discover now