Ilang araw at linggo ang lumipas, nabulabog ang pagmemedicate ko nang marinig ko ang sigaw ni Tita.
"What happened? May sunog? Oh gosh!" Taranta kong sabi habang tumatakbo pababa ng hagdanan.
"Walang sunog, hija," agad niyang angal nang lumabas ng pinto. I looked at her, asking for an explanation why she was shouting.
"Walang sunog, pero tumawag ang mommy mo. Ang sabi, napilayan ang kapatid mo! Nahulog daw habang nagprapractice sila ng cheerdance," paliwanag niya. Napilayan lang pala, pero kung makasigaw siya, parang may sunog sa bahay. OA.Pero teka. Did she just said na nasaktan ang kapatid ko sa practice? Damn it!
Agad akong nagpaalam kay Tita na aalis ako at pupunta sa Manila.
"Where is she?" tanong ko sa Mommy at Daddy na kumportable na nakaupo sa living room ng mansion namin.
They just looked at me and said nothing.Umalis ako kaagad at pumunta sa university. Dumeretso ako sa gym at hindi ako nagkamali. Nagpra-practice pa rin siya kahit may benda pa ang paa niya.
"OMG OUCH! LET ME GO!" Sigaw ng isa sa kanyang teammate habang hinihila ko ang buhok at inagaw ang gunting na gagamitin sana para gupitin ang buhok ng kapatid ko.
"Ate! What are you doing?! Let her go!" Sigaw naman ng kapatid ko. She may be a brat and evil, but she's still my sister. I won't let anyone harm my little sister.
"She's trying to cut your hair, you dummy," sabi ko sabay tulak sa babaeng kateammate niya.
"W-what?" takang tanong niya habang tumingin sa babaeng gulong-gulo na ang buhok ngayon.
"Well, I don't care if she cuts my hair, she's my friend! She can do anything to me. Stop ruining my life! Naiinggit ka lang siguro dahil may mga kaibigan ako, at ikaw wala! No one likes you because you're rude and a bitch!" sigaw niya sa akin, kaya nasampal ko siya.She looked so shocked at what I did. Kahit ilang beses kaming mag-away, ginagawa ko lang ang mga bagay na hindi gaanong masakit sa kanya. Hindi ko kayang saktan siya ng sobra.
"I'm older than you, you should respect me. Ever since you joined as a cheerleader, nagbago na ang ugali mo! You used to be my sweet little sister when you were a child. Pinagsisisihan ko na hiningi kay Daddy na ilipat ka dito sa La Salle. And even if you disrespect me, I will always be your ate! I don't want anyone to harm you because I---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya ulit.
"I don't need you. I don't need your help! So stop acting like I needed you, coz I don't," sabi niya. Tumango ako at umatras saka lumakad palayo.
I'm so stupid to think na maiintindihan niya ako. I love her as my little sister. She really turns into an evil person because of my parents spoiling her nonstop and the people around her.
Pag-uwi ko sa hacienda, wala si Tita. Naghintay ako hanggang 6pm hanggang nakita ko ang isang sulat sa dining table. Umalis pala siya. Well, wala namang problema sa akin. Nagluto ako ng aking hapunan, kumain, nag-shower, at nahiga sa kama ko nang biglang ma-off ang ilaw. Nag-panic ako at binuksan ang cellphone ko para mag-check at nalaman kong walang kuryente. Sinubukan kong matulog nang bukas ang bintana pero hindi ko kaya, sobrang init.
Kaagad kong sinarado ang bawat pinto at bintana ng mansyon bago ako umalis ng hacienda. Tinungo ko ang daan na tinuro ni Leon papunta sa bahay nila.
Nang makita kong maraming bahay at maliliit na eskinita, nagpasya akong magtanong na lang.
"Ay doon pa sa dulo, hija. Kapag may nakita kang pulang kuliglig sa harap ng bahay, sa kanila na iyon," sabi ng pinagtatanungan ko. Hindi ko alam kung ano ang kuliglig.Palingon-lingon ako sa bawat bahay na dadaanan ko at nag-hahanap lang ng something red.
"Lavender?" rinig kong tawag sa akin mula sa di kalayuan. Nakita ko si Leon na topless.
"Anong ginagawa mo dito? Kakaiba trip mo ah, jogging ng gabi?" sabi niya saka lumapit sa akin.
"Do you have aircon?" tanong ko. Kumunot-noo naman siya at lumingon sa bahay nila.
"Kahoy lang bahay namin at butas-butas pa, tapos magtatanong ka kung may aircon kami?" sabi niya. Huminga ako ng malalim saka humalukipkip.
"Walang power sa hacienda. Sobrang init sa bedroom ko. I can't sleep. At wala rin si Tita. Can I stay here for tonight?" tanong ko.
"Ah, Sige, halika," alanganin niyang sabi.
"Dito ka, dito ako," sabi niya habang nilalatag ang higaan.
"You don't have a foam?" tanong ko nang makita kong karton ang hihigaan namin.
"Wala, wala kaming pera pambili noon. Kaya mahiga ka na," sabi niya na tila nairita sa tanong ko. Alam ko na mahirap sila, pero hindi ko inaasahan na ganoon sila kahirap!
"Anong number 'yan? Mainit pa rin," sabi ko. Napailing naman siya at may kinalikot sa likod ng electric fan.
"There, thank you!" sabi ko saka tumagilid at sinubukang matulog kahit na matigas at hindi komportable ang higaan.
Kinabukasan, nagising ako sa pagtapik.
"Mahal na prinsesa, gising na po, tanghali na," napabangon ako sa inis at napatingin kay Leon.
"Maaga pa, hindi pa maliwanag, wala pa ang araw," inis kong sagot habang nakatingin sa labas.
"Mag-aayos na ako ng higaan, kailangan kong pumunta sa bundok, idadala ko pa 'yung kalabaw doon. May trabaho ako," paliwanag niya. Wala akong magawa kundi ang bumangon na lamang.
Nanatili akong nakatunganga at nakaupo sa tapat ng pinto nang makita ko ang tatay ni Leon na hirap sa pagluluto.
"Ako na po ang magluluto," presinta ko at saka inalalayan ang matanda na maupo na lamang. Agad kong tinuloy ang pagluluto at natapos naman agad, kaya kinuha ko ulit ang mga karton na pinag-higaan ko at ang electric fan at muling natulog.
Nagising ako sa tawanan na naririnig ko. Bumangon ako at lumabas at nakita sila Leon na masayang kumakain ng almusal.
"Gising ka na, halika na, kumain ka na," anyaya niya.
"Hindi na, I'll eat na lang sa house. I have to go," sabi ko saka naglakad palayo.
"Sandali, ihahatid kita," sigaw niya, ngunit hindi ko na siya pinansin at derederetsyo lang lumakad palayo.
It's been a year since my parents sent me here to Davao in May 2009.
I was sitting in the back of my car eating ube bars when I saw many girls my age walking in front of my Tita's house. They all had short hair. I couldn't help but touch my long hair. Should I cut it short? Summer naman eh.
I wore my everyday uniform, looked at my face in the mirror to apply some powder and lipstick. I quickly went out of the house upon hearing Leon's motorbike horn.
"Can you please not honk repeatedly, it's annoying," I complained as I walked towards him. He looked at me as if I was a different person.
"What? Isn't it good?" I asked as I touched my hair.
"Huh? Hindi! Sobrang bagay sayo! Ang ganda mo lalo," he answered and looked away. I smiled at his reaction.
Upon entering school, I received praises. Leon would pass by the corridor every hour to peek into my class, and he would also give a stern look to the boys who tried to approach me. Well, I don't mind. It's better for me that way, no hassle.
I planned to visit my parents next week kaya maaga akong nag paalam kay tita at kay leon."Kailan ang balik mo?" He asked.
"3 days lang ako doon, babalik din ako." I said smiling.
"Sige, bilisan mo umuwi!" Sabi niya na kinatawa ko.
When I entered the house, I immediately encountered Goldy. She was surprised and dropped the glass of milk she was holding.
"What did you do to your hair?!" Goldy asked in a shocked tone while staring at me.
"What?" I acted innocent.
"Why did you cut it short? I like your long hair, ate!" she said in annoyance.
"I know you like my hair. That's why I cut it. " I said, smiled at her, and left her in the living room.
When I went upstairs to my room, I turned right. I really miss my bedroom! I just hope I can sleep soundly tonight, especially with my annoying little sister in the adjacent room.
YOU ARE READING
Chasing Lavender
Ficção AdolescenteShe lies. She's a great pretender. In the midst of perfection, her facade crumbles, revealing the depths of her deception. Ginto at pulang kulay na pumipinta sa ulap. Kahel ang kulay ng araw. Asul ang dagat. Puti ang buhangin. Just like her, everyth...