Chapter 2: Drink with you
Ako lang ang tao sa shop dahil nga night shift pa si Bea, si Ma'am Jess naman ay out of the country kaya ako lang talaga ang naiwan sa shop
Inayos ko ang buhok at napahinga ng malalim "Good morning, sir? what's your order coffee or... me?" nakasimangot ang lalaki kaya naisipan kong gamitan ng pangmalakasan kong trick, baka sakaling pumayag
nakakunot ang noo ng lalaki habang nakatitig sa menu, he seems to have a lot of problems. Sabihan mo lang ako, handa akong pakinggan ka!
Everytime I see the man I always think that maybe he will be the one to be with me when I grow old and I hope he is the... one
Napansin kong napatingin ito sa akin "Sorry, what?" takang tanong niya
Gwapo sana kung hindi lang bingi
"Uhmm... I mean what's your order?" saad ko while smiling awkwardly
Napangiti ito at kitang-kita ko ang malinis at maputi niya
ng ngipin. Lalo akong nahuhulog dahil sa mga simple niyang ngiti, mukhang na love at first sight na nga ako!!
he bit his lower lip "Just give me two macchiato"
Huh? Bakit dalawa? may kasama ba ito??
Napatango lang ako at agad na ginawa ang order ng lalaki, without any words, he left at umupo sa solo table na malapit ulit sa bintana. Aba!! ni hindi lang ito nagpasalamat
Agad ko namang natapos ang order ng lalaki, dahil dalawa lang naman ang order nito, pero dinalian ko talaga para maksilay ako. Busy ito sa pagpindot sa laptop niya kaya naisip ko nalang na iabot nalang sa table niya, para hindi na ito maisturbo
At ganun nga ang ginawa ko
"Here's your order, sir?" saad ko at dali kong inilapag 'yun sa table niya
Nakatitig lang ito sa mukha na parang matutunaw na ako sa mga titig niya. Para niyang in-exam ang pagmumukha ko
Agad naman akong umalis sa harapan niya at baka maging yelo pa ako. Kinuha ko ang libro ko at bumalik sa pwesto para ituloy ang pagbabasa. Hindi ko nakikita ang lalaki dahil nakalikod ang upuan ko sakanya, at para makapag-focus ako sa binabasa ko
Nawala ang saya sa mukha ko dahil alam kong may kasama ito, siguro hinihintay lang niyang dumating. Wala akong karapatan dahil hindi naman niya ako kilala pero bakit ba, gusto ko eh!
"Can I offer you a drink?" Napalingon ako paataas, I look into his eyes and my heart is racing again
OMG! I can't take my eyes off him
I Smiled "Y-yeah, s-sure. Maupo ka" nauutal na saad ko, umupo agad ito sa harapan ko. Kinuha niya ang isang kape sa tray at inilagay sa harapan ko, hindi ko padin inalis ang tingin ko sa lalaki dahil namamangha padin ako sa itsura nito
"By the way... I'm Harvey Floris"
I tried to contain myself again. Blinking and closing my jaw
He cleared his throat "And you are?"
Shit! I was embarrassed by myself
"I-I'm Daria Dela Cruz and i'm... single" mabilis kong sabi at sinabayan pa ng pag-ayos ng buhok
Narinig ko na natawa ito kaya nakita ko nanaman ang nakakahulog niyang ngit
"Matagal kana dito?" tanong niya
"Oo, since 1st year college pa, kailangan kumayod eh" sagot ko naman
Harvey sets his eyes on me and I notice a smile emerging from his lips "Your masipag naman talaga 'no?"
"Sakto lang, tyaka kailangan maging masipag lalo't mag-isa ako ngayon sa buhay"
"And where's your parents?" tanong niy
Tumitig ako sa libro na nakapatong sa table para alisin ang lungkot sa mata ko, tuwing pinaguusapan ang mga magulang ko ay hindi ko mapigilang malungkot dahil sa nangyari dati
"They have their own families" paatuloy padin akong nakatitig sa libro dahil kapag lumingon pa ako sa lalaki ay tutulo na ang luha sa mata ko
Nang ibinaling ko ang tingin sa lalaki kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya
"That's really sad Daria, I'm so sorry" mahinang saad niya na parang nagsisisi sa itinanong niya
Hinampas ko ito ng bahagya sa braso "Ano kaba! okay lang, wala 'yun"
Nagpatuloy ang pag-uusap namin ng lalaki hanggang sa mapag-usapan ang tungkol sa pag-aaral at tungkol sa buhay
Itinanong din namin sa isa't isa kung ano ang mga hobbies namin at mga paboritong pagkain, sa ganung simpleng usapan ay lalo akong nahuhulog sa lalaki ng hindi ko nanamalayan ay totoo na pala ang feelings ko sakaniya
Magmula ng nakapag-usap kami ay lagi na itong tumatambay sa shop at madalas dito na siya gumagawa ng mga projects niya, may minsan din na inihahatid ako sa apartment ko at madalas kaming kumain sa labas. Hindi ko naman sinabi ang tungkol kay harvey sa dalawa at alam kong aasarin lang ako ng mga 'yun. Minsan ay hinihintay niya ang out ko para ihatid sa apartment diba ang sweet niya
"I just want to invite you, kung pwedi sana?" Tanong ni Harvey. Kahit umaga palang ay pumupunta na ito dito para hintayin ako mag-out, hihintay ko lang itong umamin dahil halata naman ay may gusto ito sa akin, at ganun din ako sa kanya
Umalis ako sa harapan niya at umupo sa tabi niya "Date ba 'yan? Aba! Kung date 'yan hinding hindi ako tatanggi" Biro ko at kumapit ako sa braso niya
My cheeks turn red as I see him come closer "Parang ganun na nga" and he wink at me
"Saan ba?"
Oo, sanay na ako sa lalaki dahil lagi kaming magkasama nito but when our skins touch I feel different
Iniharap niya ang buong katawan niya sa akin kaya nabitawan ko ang braso niya "Beach party with friends, ano go ka? or kung hindi ka comfortable pwedi namang tayong dalawa lang, pwedi ko namang hindi sila imbitahan eh... what do you think, Dar?" Seryosong pagkasabi niya
Hinampas ko ng bahagya ang braso nito na lagi kong ginagawa kapag kinikilig ako "Puro ka kalokohan"
I stopped when he touched my face and turned it to him "Dar, i'm serious, just tell me your decision" mahinhin na saad niya
"Pag-isipan kopa kung makakasama ako, ang busy busy ko sa work eh" pakipot ko, pero ang totoo ay gustong-gusto kong sumama, syempre nagpapalipot pa diba!!
Naisip kona imbitahan ang dalawa sa party para naman may bonding kaming tatlo, dahil hindi kona sila nakakasama, si Dex kasi ay busy siya sa paggawa ng research, si Maddie naman ay gumagawa ng business plan dahil nga next week na ang deadline ng project niya
YOU ARE READING
The Last Sun
RomanceDARIA DELA CRUZ HAS A BEST FRIEND, HER FRIEND IS OBSESSED WITH HER, IS HE READY TO SEE DARIA BE WITH SOMEONE OR IN LOVE WITH SOMONE ELSE? CAN HE STILL SUPPORT HIS FRIEND'S HAPPINESS OR WILL HE DESTROY IT? LET'S DISCOVER TOGETHER THE LIFE OF DARIA DE...