Chapter 3

5 0 0
                                    

Chapter 3: Jealous

"Daria!!" Sigaw ni Maddie habang papalapit ito sa akin na parang hindi nagkita ng ilang dekada, kasama niya si Dex. Ilang linggo na kasi kaming hindi nagkikita-kita at ilang linggo na din silang hindi tumatambay sa shop. Medyo nakakapagtaka lang kasi sabay talaga silang hindi nagpakita, or it's just coincidence /

Lumabas naman agad ako sa counter para lapitan ang dalawa, dahil balak ko na ngang sabihin sakanila 'yung tungkol kay Harvey

Nakaramdam ako na parang umiiwas sa 'kin si Dex dahil hindi ito nagsasalita at ni bati wala, hindi ko naman ito pinansin at baka may problema lang ito sa academic   

"Hay nako! Ang laki na ng tampo ko sainyo, kasi ni text wala akong natatanggap mula sainyong dalawa" kunwari nagtatampo

Nagsorry naman agad si Maddie pero ang kaibigan kong lalaki ay nakatingin lang sa akin, nakakunot ang noo nito na parang may nagawa akong malaking kasalanan sakanya. Nangyayari sa kanya? nasisisraan naba siya ng bait?

Parang iba ang kaba na nararamdaman ko dahil hindi naman siya ganiyan dati, halos lahat nga ng mga problema niya ay sinasabi niya sa akin, pero bakit ngayon ay parang lumalayo si Dex 

Habang nakatayo kami sa harap ng counter ay hinila ko ang kamay ng babae para umupo, naiwan lang ang lalaki dun at napansin ko ang pagtataka ng mukha nito

"Spill the tea!" saad ko sa babae, kitang-kita sa mukha ko ang kilig

kitang kita ko ang pagka-excite ng mukha ng babae, kapag talagang tsimis ay mabilis talaga ang babae. Pag hindi naman tsimis ang ay hindi 'yan makikinig 

"Sige go!!" 

I noticed Dexter sitting next to me and staring at my face, anong problema nito. Binaling ko lang ulit ang tingin ko sa babae para ituloy ang kwento

"Nakita ko na ang cupcake ng buhay ko!" sigaw ko na na parang nanalo sa lotto 

Napabaling ako sa lalaki na nakatingin pa din ito sa mukha ko. Pag ganitong oras ay wala pang tao dito sa shop kaya nag-eenjoy akong kausap ang babae. Hindi ko alam kung bakit ganun ang kilos ng lalaki o baka nagseselos lang ito

"I'm so proud of you bestfriend! Madidiligan kana" biro niya habang pinipigilan ang tawa 

"Ang dumi ng utak mo, gago ka!" inirapan ko ito

"Iimbitahan ko sana kayo sa beach party, ano go kayo?" Masayang saad ko 

Napansin kong hindi na nakatingin sa akin si Dex, ang kaninang masungit niyang mukha ay napalitan ng lungkot, nakayuko ito at tinititigan ang mga daliri 

He acting weird 

"G ako, alam mo naman pag dating sa inuman, i'm always available" malanding saad ni Maddie

Binalingan ko ng tingin ang lalaki para tanungin "Ikaw, Dex?" mahinhin na tanong ko habang nakatitig sa lalaki

"I'll check my sched" masungit na sagot niya

Nagseselos ba siya?

nagtinginan kaming dalawa ni Maddie dahil sa ikinikilos niya. Hindi nalang din ako nagsalita at tumango nalang ako sa sinabi niya. At tuluyan na ngang naputol ang katahimikan

"Saan mo ba 'yun nakilala?" napansin kong napabaling sa akin ang lalaki, medyo malakas ang paagkasabi nito kaya medyo uminit ang ulo ko 

"Ano kaba malamang customer niya 'yan" sabat naman ng babae at hindi 'yun pinansin ng lalaki

Napakunot ang noo ko "Dex, may problema ba?" iniharap ko ang katawan ko sa kanya at mahinhin na nagtanong, medyo sumakit ang ulo ko dahil sa presensya niya pero mas pinili kong maging kalmado 

Kaibigan ko siya, matalik na kaibigan pero bakit hindi niya kayang maging masaya para sa akin? Bakit parang kontra pa siya?

Lalong sumasakit ang ulo ko ng walang sagot ang lalaki sa tanong ko, inalis lang niya ang tingin niya sa akin, at ibinaling lang niya ang sarili niya sa cellphone. Napansin kona nakahahalata na ang babae sa amin kaya nag-paalam na ito para umuwi dahil nagtext na daw ang nanay niya  

Napatingin ako sa orasan and it's already 9:00 p.m, out kona kaya agad kong kinuha ang mga gamit ko sa staff room at nagpaalam na din ako kay Bea para umuwi. Hindi kona binalingan ng tingin ang lalaki, at agad na lumabas ng shop para maghintay ng masasakyan pauwi

Habang naghihintay ng jeep, may isang itim na motor nanaman ang pumarada sa harapan ko

And it was Dex again

"I'II drive you" Ang kaninang masungit niyang boses ay napalitan ng mahinahong boses. Tumawid ako sa kabilang kalsada para iwasan ang lalaki 

Please! Wag ngayon. Pagod ako, e.

Nakita ko ang lalaki na bumaba ito sa motor niya at agad na inalis ang helmet sa ulo niya at papunta ito sa deriksyon ko, nang malapit na ito sa akin ay tumawid ulit ako sa kabila, Bigla itong tumakbo... then he pulled my arms. Sa lakas ng pagkakaguyod niya sa akin ay napaharap ako sa kanya

"What's wrong with you?!" 

Sa pangalawang tanong ko ay ni isang word ay wala akong narinig sa kanya. In the long time we've been friends, since high school we only had a fight like this, alam kong mababaw ito pero ngayon ko lang nakita ang ganito niyang pag-uugali  

"Dex! Sagutin mo naman ako oh" pumatak na ang nabuong luha sa mga mata 

He sighed "I just don't want you flirting with that guy!" ang dalawang kamay niya ay ihihawak niya sa braso ko

"Bakit mo sinasabi sa 'kin 'yan? can't you just be happy for me, Dex?" 

"That's not my point. Daria! i'm just concerned about you"  inalis ko ang mga kamay niya sa braso ko "At baka lokohin kalang niya. Daria! Hindi ko kayang nakikita kitang nasasaktan dahil... maha-" bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay may dumating na jeep, kahit puno ang sakay nito ay tiniis kona

Hindi na ako sumilip sa bintana dahil sa tuwing nakikita ko ang lalaki ay naaawa lang ako, alam kong concern siya sa akin pero hindi na ako bata para pigilan sa mga gusto ko 

Ilang linggo ang lumipas, hindi ko na ito nakita at ni minsan ay hindi na siya pumupunta sa shop. Lagi akong tinatanong ni Maddie kung bakit hindi na siya sumasama sa amin, hindi ko naman na sinabi sa kanya ang totoo dahil ayaw ko na itong pag-usapan pa

Mamaya na ang beach party kaya nagpaalam ako kay ma'am Jess na hindi muna ako mag-oovertime para naman kahit papaano ay makapag-chill ako

Pinaalala kona din kay Maddie na mamaya na ang party kaya excited naman ito 

















































The Last SunWhere stories live. Discover now