Avena's Pov.Pagkapasok ko sa kwarto namin ay namangha ako ang ganda ng kwarto nila dito, humiga ako sa kama ko, sobrang lambot nitong kama dito.
Inilibot ko ang paningin ko dito sa buong kwarto, parang andami ko pa atang kailangang bilhin sa kwartong 'to.
Nag text ako kay kuya at sinabi kong samahan niya akong pumunta sa mall mamaya para bumili ng gamit ko sa kwarto, pero ang mokong ayaw akong samahan. Kaya ko na daw ang sarili ko, tss.
Inayos ko na muna ang mga gamit ko, dahil pagkatapos ng seremonya ay didiretso na ako kaagad sa mini mall dito sa loob ng academy. Pagtapos kong ayusin ang mga gamit ko ay biglang may kumatok.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko si kuya, nakabihis na pala ito, tinaasan ko ito ng kilay.
"Wala ka bang balak pumunta?" Masungit na saad nito.
"Akala ko ba mamaya pa yun?" Tanong ko, pinitik naman nito ang noo ko.
"Aray." Reklamo ko.
"Ngayon na tayo pupunta don, ipapakilala tayo sa buong school kaya mag bihis kana kung ayaw mong iwan kita dito mag isa." Saad nito, agad agad naman akong tumungo sa banyo para mag palit.
Ayaw kong maiwan dito no, baka maligaw pa ako.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako kaagad at nakita ko si kuya na nakaupo sa kama ko. Nang makita ako nitong nakaayos na ay tumayo na ito. Sumunod naman na ako dito, isinarado ko na muna ang pinto bago tuluyang umalis.
Pagkalabas namin ay sumakay na kami kaagad sa cart papunta sa gym kung saan gaganapin ang seremonya. Pagkarating namin sa gym ay dumiretso na kami sa back stage dahil ipapakilala kami mamaya. Makikita dito sa back stage na marami ng mga studyante ang nakaupo mga upuan.
"Kuya..." Pagtawag ko sakaniya, lumingon naman ito.
"Dalawa lang ba tayo ang transfere dito?" Tanong ko.
"Siguro? Kasi dalawa lang naman tayo ang nandito." Saad nito na ikinatango ko nalang.
Maya maya pa ay may dumating na isang lalaki na sa tingin ko ay isang professor dito. Nang makalapit ito saamin ay ngumiti ito, ngumiti din kami bilang pagganti.
"Mr&Ms Robinson mag ayos na kayo dahil mag uumpisa na ang headmistress para ipakilala kayo." Saad nito, tumango lang kami bilang tugon sa sinabi nito.
Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na ipapakilala kami sa maraming studyante, sa school kasi namin dati ay kapag transfere ka walang pakilala pakilala ang nagaganap, kayanga hindi malaman kung sino ang mga bagong lipat saamin noon.
"Dito na kayo, antayin niyo nalang ang pagtawag sainyo ni Miss Eva." Saad ng professor na kausap namin kanina.
Tumungo kami sa itinuro nitong pwesto at gaya ng sinabi nito inantay namin ang pagtawag saamin.
"Kuya, kinakabahan ako." Saad ko na parang maiihi na sa kinatatayuan.
"Ano namang nakakakaba don? Ipapakilala ka lang naman then tapos na." Masungit na saad nito, inirapan ko nalamang ito.
Napakasungit talaga nitong taong 'to, diko alam kung saan siya ipinag lihi ni mommy. Grrr!!!
"Good morning Everyone, Good morning Students." Unang pag bati ni Miss eva sa mga studyente.
"GOODMORNING MISS EVA." Sabay sabay na bato nila dito.
"Alam niyo kung bakit ko kayo pinapuntang lahat dito?" Tanong nito.
YOU ARE READING
Witchelm Academy (#1)
FantasyAng Witchelm Academy ay kilala bilang isang tagong skwelahan, dito nag aaral ang mga studyanteng gustong matuto at gustong pag aralan ang mga uri ng spell. Ngunit may itinatagong kapahamakan ang skwelahang ito. Makakayanan nga ba ng dalawang magkapa...