Three

6 2 0
                                    

"Do you mind if i ask for the introduction before we start?" Pagtatanong nito saaming lahat. Tumugon ang lahat maliban saakin. How i hate introductions!

"Okay, mag uumpisa tayo sakanila." Saad ng prof namin , napatingin naman kami sa tatlong babae na nakaupo sa tabi ng pinto na ka line lang namin.

Agad namang tumayo ang babae na nasa gilid. "Uhmm Hi classmate, Hello Prof, I'm Dulcinea Lucinda, 18 years old. That's all prof." Pagpapakilala nito.

Tumayo naman ang katabi nito. "Hello everyone, everytwo, everythree, I'm Laurestine Ruelle 19 years old. Naniniwala sa kasabihang pangit man ako sainyong paningin, tumingin ka sa salamin wag saakin, and i thankyou." Maligalig na sabi ng nagpakilala.

"Goodmorning, I'm Rhexia Lennon, 19 years old." Tipid na pagpapakilala nito at naupo na. Sinundan kopa ito ng tingin hanggang sa maka upo.

May dalawang studyante pa bago saamin ni Astoria. Nagpakilala na ang dalawang kaline lang din namin. Nang matapos na sila sa pagpapakilala ay kami na ni astoria ang susunod, mauuna muna si astoria saakin bago ako.

Tumayo na si astoria ng siya na ang sunod. "Hello goodmorning everyone, I"m Astoria Arabella, 18 years old. Ang nag iisang pamangkin ng headmistress na tinatawag ng lahat bilang Miss Eva, that's all thankyou." Mahabang pakilala ng katabi ko. Umupo na ito hudyat na tapos na siya.

Ako naman ang susunod na magpapakilala. Tumayo na ako para mag pakilala sa mga kaklase ko.

"Hi, I'm Avena Robinson, 19 years old. The youngest daughter of Mr&Mrs Robinson, i have a brother named Asher Robinson. That's all prof thankyou." Pagpapakilala ko sa sarili, at naupo na.

Madami pa sa mga kaklase namin nag nagpakilala, ang iba ay kung ano ano pa ang sinasabi na siyang ikinatatawa namin. Ang iba naman ay napasinghap, at napapairap dahil sa kayabangan ng iba. Pagkatapos nilang ipakilala ang sarili nila ay nag umpisa na ang professor namin.

"Okay students listen, mahalaga ito sa subject ninyo, dahil isa ito sa mga ituturo ko sainyo sa mga darating na pag eensayo niyo sa pag gamit ng magic wand. Gusto kong malaman niyo kung paano o ano ang gamit nito." Pagpapaliwanag nito saamin. Nakikinig lang kami dito.

May kinuha muna itong makapal na libro sa isang bookshelf na nasa gilid niya. "Ang tinatawag dito sa ituturo ko ay Wand Motions, narito ang mga bagay kung paano niyo magagamit ang magic wand, at kung dito nito malalaman kung gagana ba ang magic wand niyo oh hindi." Saad nito, nakatungo lang kami sakaniya.

Iniharap nito saamin ang libro para ipakita ang mga sinasabing Wand Motions. Hindi ko maintindihan ang mga sulat dito dahil maliliit ito, tanging mga symbolo lang ang nakikita ko mula rito.

"Alohamora." Banggit ni prof lius sa pinakaunang symbolo, bilog ito na may guhit sa gitna na may arrow sa ibaba.

"Ano ang gamit ng alohamora prof?" Pagtatanong sa isa sa mga kaklase ko.

"Hmmm, ito ay ginagamit sa panggagaya ng kagamitan. Duplicate kung tawagin." Pahayag nito.

"Gaya nalamang nito." May inilabas ito mula sakaniyang cabinet, kahapon ito na pahaba at inilapag sa mesa. Pagkalapag niya ay binuksan niya ito at tsaka inilabas ang laman nito. Namangha ang lahat dahil sa nakikita, isa itong magic wand. Hindi lamang ito basta bastang magic wand, dahil ito ang isa sa pinaka iingatang gamit dito sa Witchelm Academy.

"Tignan niyo ang bagay na ito." Tinuro nito ang isang flower vase na nasa tabi n bintana.

Iniginalaw nito ang magic wand na hawak. Sinundan ko kung paano niya ito pagalawin, at parang may ginagaya ito sa paggalaw. Nang makita ko ulit ang symbolo ng alohamora sa libro ay doon ko lang napagtanto na ganito nga ang paggalaw ng magic wand ng professor.

"Alohamora...Alohamora...Alohamora." Saad nito at tinutok ang magic wand sa flower vase. Nakita naming gumalaw ang flower vase at napamangha kami dahil naging dalawa nga ito. Magaktulad na magkatulad nga.

"Ang paggamit ng Alohamora ay hindi biro, dahil kahit tao ay pwede nitong gawing dalawa. Delikado ang paggamit nito at hindi basta basta. Kung gagamitin mo ito ay dapat alam mo kung paano maibalik sa iisa ang isang bagay." Pagpapaliwanag nito saamin.

"Paano naman po maibalik yan?" Tanong na isa sa mga kaklase namin.

"Malalaman niyo sa darating na pag eensayo niyo, sa ngayon ay tatlo muna ang ituturo ko sainyong motions, kapag natapos natin lahat ay saka ko kayo pag sasanayin sa paggamit." Aniya, napatalon pa ang iba naming kaklase dahil sa excitement.

"Ito naman ang pangalawang motions, it's called Dancing Skeletons." Saad nito.

Bilog ang hugis nito pero ang pagkakaiba ay lining ito at may arrow na sinusundan ng bilog.

"Dancing Skeletons, ito ay ginagamit kung saan napapagalaw ang mga bungo ng tao." Aniya.

"Alam niyo bang hindi lang tao ang pwedeng mapaggamitan niyan?" Tanong niya saamin. Umiling naman kami.

"Ano pa po ba ang napapagalaw niyan prof." Tanong ni astoria.

Ngumiti ang prof namin at tsaka nag salita. "Pwede mo rin itong gamitin sa bungo ng mga hayop na nakikita sa loob ng kagubatan. Alam niyo ba na isa si Caratacus ang nakapagpagalaw sa bungo ng namatay na dragon gamit lamang ang Dancing Skeletons?" Aniya. Nagtaas ng kamay ang isa kong kaklase.

"Prof, matanong lang po, sino po ba si Caratacus?" Kuryusong saad nito. Kahit ako ay yan rin ang itatanong dahil sino ba si Caratacus?

"Si Caratacus ang pinakamahusay sa lahat ng paggamit ng mga Wand Motions. Isa na roon ang pinag aaralan natin ngayon na Dancinf Skeletons, Siya ay walang katakot takot na gawin iyon sa gitna ng kagubatan na siya lang ang mag isa. Doon niya unang nadiskubre ang pagpapagalaw ng mga bungo kaya natawag itong Dancing Skeletons. " Mahabang pagpapaliwanag nito. Kaya napapatango nalang kami.

"Ito na ang pang huling Motions dahil mauubusan na tayo ng oras." Saad niya at ipinakita ang isang motion sa libro.

Bilog nanaman ito pero pabaliktad at may arrow sa dulo.  Nakikita ko na ang mga pangalan ng mga motions dahil lumapit kami kanina ni astoria doon. 'Reparo' ito ang pangalan ng motion na iyon.

"Ito ay Reparo,  Kaya ito tinawag na reparo dahil naaayos nito ang anomang bagay na nasira.  Nadiskubre naman ito ni Demetrius, Si Demetrius ang isa sa mga mahuhusay na gumamit ng mga Wand motions. Siya ang pumapangalawa kay Caratacus sa kahusayan. Ang totoo pa niyan ay naging magkasama sila sa pag didiskubre pa ng ibang wand motions." Mahabang sabi nanaman nito.

'Woahhh may alam na ako kaagad sa wand motions.'

'feel ko alam ko na agad ang gagawin ko.'

'excited na akong mag ensayo.'

Bulungan ng mga kaklase namin. Nagkatinginan naman kami ni astoria.

"Parang alam ko na kung ano ang kakailanganin natin sa susunod." Saad nito, napatingin lang ako sakaniya dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

Kakailangan sa susunod? Ano namang gagawin niya at kakailanganin namin iyan sa susunod?

Hindi ko nalamang binigyan ng pansin ang sinabi nito at nakinig nalang ulit sa prof namin.

"Students dismissed." Sakto ang pagtatapos ng ibang discussion ng prof namin ng tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase.

"Go to your Miss.Miliani, paalala students strikto ang miss miliani. Ang gusto niya ay makinig lang kayo ng mabuti sakaniya." Pagpapaalala saamin ni prof lius.

"Okay prof lius, Goodbye prof." Sabay sabay na saad namin. At lumabas na ng room.

Kagaya kanina ay sabay nanaman kami ni astoria na pupunta sa next subject namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Witchelm Academy (#1)Where stories live. Discover now