"tay nay kakain napo tayo" ang pagtawag ng mabait at magiliw na bata/binata sa kaniyang magulang na kasalukuyan binabantayan ang kanilang palayan.
"O Sige nak mauna kana dyan tatapusin lang namin ng nanay mo itong pagsasako" ang sagot ng tatay niya sakaniya.
"Haynako tay kayo talaga ni nanay tirik na tirik pa araw oh kain napo tayo mamaya nayan" ang pagpupumilit pa niya sa mga ito hindi iyon masyado naririnig ng nanay niya dahil medyo mahina na ang pandinig nito dala ng katandaan.
"Nako mahal hindi titigil iyang Anak mo kaya halika na" ang sabi ng nanay niya kaya Sumunod nadin ang tatay niya papasok sa simple ngunit masaya at tahimik nilang bahay.
Dahil din sa medyo kalayuan ang mga kapitbahay nila ay walang masyadong tao na dumadaan sa parte ng bahay nila.
"Tay nay maupo napo kayo dyan kukuha ko lang po kayo ng maiinom" mahinhin at magalang na sabi ng anak nila.
"Angswerte talaga natin mahal dito sa anak natin" ang masayang banggit ng ginang sa asawa niya.
"Sinabi mo pa mahal kaya kung may magbabalak man ligawan ang baby natin sisiguraduhin kong dadaan dito" ang malalim na turan ng Padre de pamilya at pina-igting ang mga braso kitang kita na ngayon ang pag igting ng muscles mula doon.
"Hays lumalaki na talaga ang anak natin mahal kaya wala kang magagawa pag niligawan na siya" pabirong sabi ng ina.
Saktong Kababalik ng anak galing sa kusina upang kumuha ng tubig na nakalagay sa pitsel upang mainom ng mga magulang niya at kinuha nadin ang niluto niyang adobong manok.
"Si nanay at tatay talaga wala papo sa isip ko iyang ligaw ligaw nayan ang prayoridad ko po maiangat ang buhay natin pagnakapagtapos ako ng pag-aaral para hindi na kailangan ni tay mag extra extra sa construction" ang mahabang paliwanag nito sa mga magulang saka nagsimula na silang kumain ng tanghalian.
"Puta nak sarap mo talaga magluto" ang sabi ng moreno at matipunong ama habang tila ninanamnam ang bawat nguya.
Nang makarinig sila ng pagbagsak sa lupa.
"Ano iyon Hernesto?" Ang takang tanong ng ina habang patayo na ng magsalita ang Padre de pamilya.
"Ako na mahal dito nalang kayo" ang turan nito saka tumayo at tiningnan ang ingay na nanggaling sa likod ng bahay nila.
Akala nito ay hayop ang may gawa noon ngunit siya ay nagkakamali dahil isang batang lalaki ang bumungad sakaniya walang malay at nakahandusay sa lupa.
Nilapitan niya ito upang tingnan walang dalawang isip niya itong binuhat upang ipasok sa loob.
"Itay ano pong nangyari ano po yung ingay kanina?" Ang tanong ng anak niya gayundin ang asawa niya.
"Ah sino po siya tay?"
"Tingin ko siya yung bumagasak nak, mahal dahil parang babalik ito pabayan pero dahil sa init at pagod ay hinimatay sya at sakto sa likod natin sya bumagasak at nawalan ng Malay"
"Tulungan moko nak ayusin mo yung upuan natin ihihiga ko siya" utos ng ama saka niya ito Sinunod kumuha din siya ng unan mula sa kwarto.
"Tay nay ano pano po siya hindi po natin alam kung saan ang bahay niya? Baka po hinahanap na siya ng pamilya niya saka puro dungis po siya"
"Hintayin nalang muna natin siya magising nak saka natin itanong sakaniya lahat iyan sa ngayon ituloy na natin ang pagkain"
Blessing or something else?
°°°°
Please vote and follow me for more updates.Next update HDS1 tom 🤞🏻
BINABASA MO ANG
Padre De Pamilya
Short StoryIsang mag-anak sa probinsya na namumuhay ng masaya at mapayapa, ngunit dahil sa isang pangyayari mababago ang kanilang masaya at tahimik na buhay. soon.