Serafina"Sana maka abot ng buhay."I crosses my fingers and closed my two eyes.
Nakasakay ako ngayon sa eroplano papunta sa manila. Ito pa naman ang kinakatukatan kong sasakyan, pero no choice ako. Alangan naman lumangoy ako sa dagat.
Mag isa lang ako sa byahe, hindi na nakasama si mama saakin dahil sobrang busy siya sa bukid at restaurant namin doon sa probinsya. Papunta ako sa manila dahil nakakuha ako ng scholarship sa isang unibersidad doon, at ang masasabi ko ay napaka swerte ko, dahil full scholarship ang nakuha ko.
Mahirap mag aral sa probinsya, lalo na't nasa kolehiyo na ako. Mas maganda mag aral sa manila, dahil narin si kursong kinuha ko.
Wala na akong problema sa gastosin ko, dahil ang skwelahan na ang mag proprovide. Kung sa mga school supplies naman, naka bili na ako sa probinsya. Medjo mahal doon pero hindi kagaya sa manila. Ang mahal lang si binili ko ay mga gamit ko for doctors.
Gusto kong mag doctor simula pa noong bata pa ako. Maging ang magulang ko ay gustong gustong mag doctor ako, dahil hindi daw ako takot sa dugo. Pero sayang at maagang namaalam si papa, pero tutuparin ko parin lahat ng pangarap niya para saamin ni mama.
At sa titirahan ko naman sa manila ay yung bahay nila mama at papa noon, noong nag l-live in sila sa manila. Hindi nila bininta ang bahay, dahil alam nilang ang future anak nila ay mag aaral, and it's me. At ang sabi saakin ni mama ay nandoon daw ang sasakyan nila na hindi na nagagamit, dahil mula nong pumanawa si papa ay tinakpan nalang ito ni mama.
I still remember noong dinala ako ni papa sa manila at tinuruan niya akong mag drive. Imagine i'm just 15 years old that time, pero marunong na akong mag drive. Marami kaming ala ala sa sasakyan na naiwan ni papa, pero no choice ako. Kailangan yun para sa pag aaral ko.
"Miss, coffee." Napabalik ako sa ulirat ng may biglang nag salita sa tabi, kaya agad ko itong liningon. Fligh attendant lang pala.
"Thank you." Kinuha ko ang kape sa kaniyang kamay at ngumiti. Agad naman itong umalis.
Agad kong linagay sa table na nasa harapan ko ang kape, at huminga ng malalim bago sumandal sa upuan at mag basa ulit. Iniiwasan ko talagang tumingin sa bintana, dahil nalulula ako. Kaya sa pag babasa ko nalang tinuon ang atensyon.
Continue tayo sa kwento. So, ayon na nga hindi naman mahirap ang buhay namin, kung baga ka tamtaman lang ang hirap. Malago ang restaurant namin, at may sakahan kami. Kaya malaki ang perang pumapasok saamin araw araw.
Naalala ko ang kwento ni papa. Yung magulang niya at mayayaman, pero pasaway siya kaya pinalayas siya, pero ang maganda daw dun ay pinadala sa kaniya yung sasakyan niyang bmw4. Siyempre kahit pinalayas siya ay natuwa parin siya dahil kasama niya ang baby niya. Pinalayas siya noon dahil ayaw ng magulang niyang magka anak siya ng maaga dahil mag t-train pa daw siya sa kompanya nila, pero na buntis niya si mama kaya pinalayas siya.
Hindi naman nag hirap si papa and mama noon, dahil kahit papaano ay may negosyo si papa. Kaya nakatayo sila ng bahay sa isang subdivision, pero naisipan nilang umuwi sa province, dahil sa magulang ni mama. Doon ay nag tayo sila ng restaurant na lumago naman. Ngunit namatay si papa noong seventeen years old ako, and now i'm turning nineteen.
Natigil ang pag iisip ko ng bigla kong naramdaman na parang pa baba ang eroplano, kasabay nito ang pag aannounce ng pilot na nakarating na kami. Napapikit ako, at napa kapit ng mahigpit sa upuan, dahil sobrang nakikiliti talaga ang tiyan ko.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girl
FanfictionProfxstudent | book #1 Discover the captivating tale of two individuals from contrasting backgrounds.SERAFINA, a humble girl from the province, and MADELINE, a successful city professor, are destined to meet. Witness the unexpected turn of events as...