Three

4 0 0
                                        

"You know what you're doing," sabi ni kuya Chad sa akin. Seryoso lang ang mukha niya at kinuha ang susi ng kotse niya.

"What?" I asked.

"Look at you and your unmoved response with your brother's anger." Umiling iling pa siya sa akin. Natural naman ng malamig ang boses ko at ganito ako, ah?

"Galit pa rin 'yung isa. And I'm just saying na, you got home safe and unscarred that time. So I trust you that you know what you're doing," paliwanag niya. "So, don't break my trust, alright, princess? Ako ulit ang maghahatid sa 'yo just give me a minute." Then, he left.

Isang linggo na rin akong hindi pinapansin ni kuya Caleb. Galit talaga siya dahil nawala ako noong gabing 'yon, at kahit paniguradong nagtataka siya ay hindi naman siya nagtanong. He's just giving me the silent treatment.

Dahil palaging wala si dad ay naging sobrang strikto talaga sa akin si kuya Caleb while growing up. Strict din naman siya sa dalawa kong nakakabatang kapatid pero ako talaga ang binabantayan niya kaya naman ang mga lalaking hindi ko naman pinoproblema ay siya ang nammroblema.

What can I say? Maganda ang kapatid niya, inevitable na 'yon.

Noong grade 8 ako ay nagising ako na nagkakagulo sa bahay dahil may sumusubok manligaw sa akin sa tapat ng bahay, ang tigas ng bungo dahil saan niya nakuha ang lakas na 'yon? Ayun, muntik na mabugbog ni kuya Caleb kahit na gusto lang naman manligaw, kung hindi lang pinigilan ni kuya Chad ay malaking gulo 'yon dahil elite ang parents nung lalaking 'yon tapos minor pa. He was that strict with me. Kaya ngayon ay hinahayaan ko nalang na lumipas ang galit niya.

"Oh God, Evie." Sumalubong sa akin si Sianna na napapikit nang mariin.

"What?"

"Magpeperform kayo ngayon? Para sa last practical exam sa PE?" she asked.

"Yeah." Parang tanga kasi. Dapat matagal na 'tong tapos kaso nadelay nang nadelay kaya kahit inaasikaso namin ang clearance ngayon ay kailangan namin tapusin 'tong performance na 'to. Kaming mga sections sa STEM ang hinuli, kaya tapos na sila Ced at Sianna.

What's with Sianna, though?

"Nandito sila Gavin, pati ang mga kuya mo. Pinagkakaguluhan nga eh, damn those heartthrobs." Umirap siya. I arched a brow. I'm confused. Why are they here, exactly? And they're going to watch? So may outsider kaming audience?

"Bakit nagpapapasok ng mga outsider ang maarteng school na 'to?" malamig kong sabi, naiirita. Naturingang top elite school tapos may mga outsider ngayong performance ko pa talaga?

"I don't know how they did it. Rivals pa naman ang University natin sa University nila."

Whatever then. I tied my hair into a messy bun before I entered the gym. Halos walang tao sa labas, kung meron man ay mga babae 'yon na nagbubulungan nang makita ako. This is weird.

"Oo, siya 'yan. Hala, kinikilig ako." I even heard them.

Binalewala ko nalang sila at pumasok na ng gym and to much fucking surprise.. why are there so much flowers here? May mga scented candles pa na naka arrange.

"Goo- Oh!" Sianna was shocked.

Everyone had their phones on me, filming me. I ignored everything and walked forward when I heard someone singing a song.

"Kung mang-aakit akit ka lang naman.. P'wede bang sa akin.. akin lang?" I cringed with the voice. I picked up the situation and rolled my eyes. A guy holding a mic with a bouquet of flowers started to walk towards my direction. Inikot ko ang paningin ko sa buong gym, everyone was cheering I could be deaf by now.

Fortuitous EnticeWhere stories live. Discover now