Everyone made a toast for me. Naka-taas lang ang kilay ko habang naka-tutok sa akin ang spotlight.
"18 na talaga!" Humalagpak si Drix. I scoffed and just took a shot pero hindi ko talaga gusto ang lasa.
It was back, the loud music na nakakabingi. I looked around and could not find the guy earlier, his bandmates were with my brothers. Naroon na rin si Gavin, 'yon pala ang mga tropa niya na isa. So, did the guitar guy leave already? May ibang mga tap na rin sa area namin, they were talking to Ced and Sianna, mga kakilala ata nila. Drix, on the other hand, was talking to a girl. Ang lalaki talaga ng circle ng mga 'to. Ang isang tropa ni Sianna ay grabe kung tumitig sa akin and I don't like it. Tusukin ko kaya mata niya?
"Oh, saan ka pupunta?" biglang puna sa akin ni Ced nang tumayo ako.
"Papahangin," simpleng sabi ko.
Nagpaalam siya sa mga kausap niya at lumapit sa akin, "Sasamahan kita baka kung sino sino pa lumapit sa 'yo," sabi nito. I shrugged.
"Cr lang ako sandali, hintayin mo ako," bilin nito.
Hindi ko na siya hinintay at lalabas na sana nang mahawakan ni kuya Chad ang braso ko.
"Saan punta?" tanong nito. God.
"Labas, nakakarindi rito. Sasamahan ako ni Ced nasa cr lang," walang pakialam na paliwanag ko at binawi ang kamay ko bago umalis. May iilan na nagtangkang lumapit sa akin pero dire-diretso lang ang lakad ko.
"Yeah.. Yeah.." God. I can still hear that part.
Suminghap ako ng hangin at pinikit nang mariin ang mata ko. I feel a bit dizzy kahit na kakaunti lang naman ang ininom ko.
I scrunched my nose when I smelled a smoke from.. a cigarette. Then I saw him. Shit, nandito lang pala 'to?
It was the guitarist earlier.
Hindi niya ako tinapunan ng tingin at kaswal na nagcecellphone lang habang naninigarilyo.
Yikes. I don't like men who smoke. Parang ang kuryosidad ko sakanya kanina ay napawi kahit na ang hot at nakakaakit niyang tignan sa paninigarilyo ngayon.
"Got anything to say?" malamig ang boses niya ngunit hindi niya pa rin ako tinitignan. Abala siya sa cellphone niya pero napansin niya ang pagtitig ko sakanya.
"Ang baho," mas malamig kong sabi.
Inangat niya ang tingin niya at tinaas ang kilay niya. Tumingin siya sa hawak niya sigarilyo kung saan ako nakatingin ngayon lang.
Binuga niya ang usok nang nakatingin sa akin at hinayaan na mahulog mula sa kamay niya ang sigarilyo na hindi pa nangangalahati at saka ito tinapakan.
We were silent. No one spoke between us pero diretso ang tingin namin sa mata ng isa't isa.
Sumilay ang ngisi sa labi niya sa kabila ng matigas niyang ekspresyon, natawa siya nang kaunti making me raise an eyebrow. What's funny?
Kumuha ito ng gum at habang hindi tinatanggal ang tingin sa akin ay linagay niya 'yon sa loob ng labi niya. Unti unti itong lumapit sa akin, hindi naman ako humakbang palikod, pero ang mukha ko ay unti unti rin na umabante. Is this his way of intimidating me?
"You're Caleb's sister." Rinig na rinig ko ang pagkalamig ng boses niya sa malapitan.
"And you're Eighteen. Why are you here?"
"Why can't I be?"
"Kid."
"So?" I rolled my eyes. Linayo niya ang mukha niya sa akin at kinuha ang baso niya at saka uminom doon. Kahit na malamig ay para akong nainitan sa nangyari. Agad kong inagaw ang baso niya at inubos ang inumin niya. I almost wanted to puke dahil sa tapang nito. Pinanood niya lang ako at muling sumilay ang ngisi sa labi niya.
YOU ARE READING
Fortuitous Entice
Ficção AdolescenteEverei Cassidy Vasquez's attention has always been craved by many, yet it was always so hard to get it. She was not easy to tame and surely knows how to play the game. Until she crossed paths with her match. Silvan Tierre Lopez does not give one fuc...