Wrong send...
First day ng klase at tatlong linggo na rin ang lumipas nang makabalik ng maynila sila Mama. Hanggang ngayon wala pa ring paramdam sa amin si Riley. Ilang beses pa akong inakusahan ng mga tukmol na siniraan ko sila sa kanya. Mga gago hindi lang mga nirereplayan pinag-isipan na ako ng masama.
Pero kahit naman sino siguro maaaning kapag bigla kang kinold treatment ng itinuturing mong kaibigan. Lalo na kung alam mong wala ka naman talagang ginawa para maging ganun ang trato niya sayo. Kaya hindi ko rin masisi iyong tatlong tukmol kung bakit napapraning silang hindi nirereplayan ni Riley. Kasi maging ako wala rin itong reply sa mga messages ko sa kanya.
Sama-sama pa nga kami sa paghatid sa kanila noon sa terminal ng bus. Pinabanunan pa siya ng kung anu-ano ng mga tukmol, pagkatapos cold treatment lang makukuha namin pabalik. Ang nakaka-gago pa, nalaman namin sa girls na nagrereply naman ito sa mga messages nila. Hayop na yun, kung may sama man siya ng loob sa amin sana mapuno ng hangin ang tiyan niya, at buong taon siya umutot ng amoy imburnal.
Minsan naiisip kong baka sumama ang loob niya dahil hindi natuloy iyong plano naming umakyat sa Bantay Peak doon kila Tita Aileen. Pero kasalanan naman ng tatay niya kaya hindi kami natuloy, pinabalik na sila kinabukasan dahil napaaga ang uwi ng nanay niya.
“Next week pa daw start ng homeschool ni Riley," si Athena na ngiting-ngiting nakatingin sa cellphone niya.
First meeting pa lang ngayon sa mga professor kaya chill-chill muna. Lunchtime rin kaya magkakasama kami.
Isa siguro sa magandang naidulot ng pagkakakilala namin kay Riley, nakakasama na namin ang girls ng paminsan-minsan ngayon. Hindi tulad noon na kaming mga lalake lang ang magkakasama sa university, lalo na’t iba-iba rin kami ng kurso.
Si Athena, kumuha ng kursong Accountancy, samantalang si Kristel at Judith naman ay parehong Business Management. Si Rowel naman Engineering, hindi bagay sa kanya dahil mas seryoso pang mangulekta ng babae ang gago kesa gumawa ng school papers. Education naman ang kurso ni Jose, at HRM naman ang kay Julius na sobrang ikinabigla namin noon. At ako naman I.T, kahit pa gusto ni Papa na mag seaman rin ako.
Ang totoo hindi ko rin naman gusto ang kurso ko, nakigaya lang ako kay Ate Danica. Kung baga itinuloy ko lang ang kursong hindi niya tinapos. Wala rin naman talaga akong gustong kurso. Ang mahalaga lang sa akin makapagtapos ng pag-aaral at may makitang nakasabit na diploma sa ding-ding sa sala ng bahay namin.
Hindi rin basehan ang kursong tinapos para masabing iyon rin ang mag-aangat sayo sa buhay. Dahil hindi lahat ng nakapagtapos sa kolehiyo, nakakapag-trabaho agad.
“Nakakasakit na talaga ng damdamin itong si Riley. Sinin nga iyong mga messages ko, hindi naman ako nireplayan,” si Rowel, “Kung hindi ko pa sinendan ng stolen shot ni Balong, baka next year na niya isi-seen iyong messages ko," dagdag litanya nito sa dismayadong tono.
“Anong stolen shot?" takang tanong ko.
Gago? baka kung anu-anong picture ko na ang pinag si-send nito kay Riley.
Hinablot ko ang cellphone nito sa kamay niya at tiningnan ang sinend niyang picture ko. Naka-side view ako habang nakatingin sa malayo na para bang ang lalim ng iniisip ko.
“Kanina lang yan," aniya sabay kuha ng cellphone sa kamay ko.
Kinuha naman ni Julius iyon sa kamay niya at tiningnan rin ang picture ko.
“Gago, Anong miss you daw?” tumatawang tanong ni Julius nang basahin nito ang message ni Rowel sa ibaba ng picture ko.
“Tulala e." tumatawang ni Rowel.
BINABASA MO ANG
His Silent Lullaby(on-hold)
Ficção GeralBL "Ang henerasyon ngayon, bukas na ang isipan sa same sex relationship. Pero meron pa ring kumekwesyon at hindi ito tanggap. Ganun pa man... hindi ko itatanggi, o ikakahiya na nagkakagusto ako sa kapareho ko ng kasarian. Dahil hindi naman iyon kasa...