Chapter: 10

5 4 0
                                    


Concern

....

Dumating ang sabado. Alasais pa lang ng umaga naka-gayak na kami ni Riley, alas otso kasi ang usapan ng alis namin. Sa bahay nila Jose ang napagkasunduang meeting place dahil malapit ito sa kalsada. Hiniram din ni Rowel iyong van ng Tito niya, at dahil gusto niyang magpasikat sa nililigawan niya, siya na rin ang magma-maneho.

“Anong ambag mong ulam, Julius?" rinig kong tanong ni Kristel.

Sa likuran ng driver naka-pwesto si Julius dahil dadaanan pa namin iyong pinopormahan nito. Sa likuran naman nito ang tatlong girls kasama si Jose, kami naman ni Riley ang naka-upo sa likod. Sinabi kong matulog muna ito dahil panay ang hikab niya, sinunod niya naman ako at ginawa nitong unan ang hita ko.

“Limang kilong menudo in-can," sagot ni Julius dahilan para mag-tawanan kaming mga lalaki.

“Iyon sanang lechon paksiw in-can ang dinala mo, Julius, masabaw pa iyon,” hirit naman ni Jose kaya lalo lang kaming nag-tawanan.

May kalayuan ang Bluewater na siyang destinasyon namin ngayon. Kaya mahaba-habang asaran at katarantaduhan muna ang mangyayari sa loob ng van. Ayoko namang ma-distorbo ang tulog ni Riley dahi sa ingay namin, kaya inalis ko ang hearing aid nito.

“Gago ka, delata ipapa-ulam mo sa nililigawan mo,” sabi ko na sinundan ng tawanan ng girls.

“Ang cheap mo namang manliligaw. Kung ako liligawan mo, basted ka na agad," ani Judith

"At least nagpapakatotoo, hindi katulad ng iba diyan na nagpi-feeling…”

"Anong nagpi-feeling ha, Julius? ituloy mo,” si Rowel na diretso lang ang tingin sa daan.

“Wala, bilisan mo at kanina pa naghihintay iyong future wife ko."

“Seryoso na ba ‘yan, Pre?" tanong ni Jose.

“Maniwala ka dyan. Pustahan after three months single na naman ‘yan," ani Athena.

Si Jose nga lang yata sa amin ang makakapagtapos sa pag-aaral na nagkaroon ng matinong karelasyon. Hindi nga lang din nagtatagal iyong mga nakakarelasyon nito pero sigurado namang seryoso ang mga iyon.

May mga nilandi rin naman akong mga babae. Pero mga hindi rin nagtagal dahil hindi ko naman sila sineryoso. Naghanap lang talaga ako ng experience para sakaling sagutin ako ni Athena, hindi ako mangangapa sa buhay taken.

“Sagutin mo na kaya si Balong,” pasa ni Julius ng usapan sa akin.

Hayop na ‘yan. Nananahimik na nga iyong tao idadamay niya pa.

Bumaba ang tingin ko kay Riley nang gumalaw ito. Ngumiti ako nang magmulat ito ng mata. Narinig ko namang sumagot si Athena pero hindi malinaw ang dating nun sa tenga ko kaya wala rin akong naintindihan. Bumangon na rin si Riley kaya natuon na sa kanya ang atensyon ko.

Una naming dinaanan ang nililigawan ni Julius bago ang kay Rowel. Na meet na namin ang mga ito sa university kaya wala ng introduce yourself ang naganap sa van.

Halos thirty minutes rin ang itinagal ng biyahe namin bago makarating ang entrance ng bluewater. Doon iiwan ang sasakyan, magbabayad ng entrance, rent ng life vest, at tour guide. Nang magawa na namin lahat ng kailangan lumarga na kami. At hindi pa man kami nakakalayo nagsimula na ang asaran

“Hawakan mo kasi sa kamay Rowel, huwag mo ng ikahiya iyang magaspang mong palad," panimulang kantyaw ni Julius sa nauunang si Rowel at nililigawan nitong si Olive.

“Gago! Sige nga patunayan mong gentlemen ka. Pasanin mo si Samantha?" balik namang kantyaw ni Rowel.

Nag-tawanan naman kami, pati iyong dalawang tour guide na pinaghatiang bayaran ni Rowel at Julius nakitawa rin. Dalawang tour guide kasi ang kailangan para sa lagpas limang tao na pupunta sa bluewater.

His Silent Lullaby(on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon