• C H A P T E R 9

6 1 0
                                    

Inspired by true events.

Queuing ng gabing yun. Nakatangap ako ng on set supervisor call ilang minuto bago ako mag second break.

"Thank you for calling CFS Financials. This is Eunice, How may I help you today?" Opening spiel ko.

"Can I talk to your supervisor?" Sabi nito.

"I understand the urgency of having a supervisor to assist you, but if you will give me a chance to help you out then, that would be great!" Sabi ko bilang de escalation sa kanya.

Kailangan kasi muna namin mag de escalate kahit isang beses bago itransfer sa SME namin.

Pero hindi ko inasahan ang sumunod na mga pangyayari habang kausap ang customer.

"I would appreciate if you will just connect me to a supervisor because I'm done with your company. I want my money back--" Sabi ng customer ng biglang naputol ang pagsasalita nito at may naririnig akong tumatawa.

"Hello sir? Are you still there?"
Sabi ko ngunit panay tawa lamang ng isang babae ang naririnig ko. Hindi ito pangkaraniwang tawa lang.

Nakakakilabot itong pakinggan na halos magtayuan ang buong balahibo ko habang naririnig ang pagtawa nya.

"Since I don't hear any valid response from the other line. I will now end this call. Thank you for calling CFS Financials. Take Care." Sabi ko bilang Ghost spiel.

Kahit nagtataka ay ibinaba ko ang head set pagkatag ng break 2 sa CTI na tool namin.

Iniliyad ko ang likuran sa upuan ipinatong ang ulunan saka pumikit saglit. Narinig ko muli ang pagtawa ng isang babae kaya napadilat ako. Nang mangilabot ako pagkakita sa isang babae na nakatayo sa likuran ng upuan ko habang tumatawa.

Sa sobrang takot ay napasigaw ako ng malakas at napatayo akong bigla at napaharap sa kinauupuan ko ng mawala ang babae.

"Hindi ka parin nila tinitigilan?" Sabi ng isang boses sa likuran ko.

Napatingin ako sa boses na ngsalita. Nakita kong muli ang babaeng nagsabi sa akin na lapitin ako ng mga multo.

"P-paano mo nalaman?" Sabi ko.

"Tulad mo ay nakikita ko rin sila. Kung ako sayo ay hanggan't maaari ay huwag mo nalang silang pansinin. At higit sa lahat, kahit anong mangyari ay HUWAG KANG MAGDARASAL" Sabi pa nito.

Mas lalo akong natakot sa huling sinambit nito sa akin.

"Hindi ko maintindihan, bakit hindi pwede?" Sabi ko.

"Sabik ang mga kaluluwa sa dasal. Pag nagdasal ka ay makukuha mo ang atensyon nila at mas ka nila lalapitan." Sabi nya.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang mga sinabi nya sa akin ngunit nagbigay ito ng mas matinding pangamba sa akin.

Hindi ko inasahan ang mga sumunod na pangyayari pagdaan ng ilang araw. Pagbaba ko ng bus ay agad akong umakyat ng foot bridge papunta sa kabilang side kung papunta sa building kung saan ako ngtatrabaho. Nakasuot ako ng earphone sa tenga upang malibang sa paglalakad ko.

K W E N T O N G  B A Y A N   2 :  ( O N G O I N G ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon