• C H A P T E R 5

9 1 0
                                    

Inspired by true events.

Ang akala ko ay ito na ang una at huling makakaramdam ako ng takot at kilabot sa bahay ng ate ko ngunit isang pangyayari ang mas lalong gumimbal sa amin.

Nagpasuyo sa akin si ate na tingnan si Kurt dahil gagabihin sya ng uwi ng araw na yun dahil sa dami ng nag order sa kanya na cup cakes.

Katatapos ko lang magluto ng dinner kaya tinulungan ako ni Frida na mag ayos ng mesa. Ilang saglit lang ay pinuntahan ko sa sala si Kurt na nakaupo sa sahig at naglalaro ng games sa tablet.

Tulad ng nakasanayan ay naabutan ko itong may kinakausap habang naglalaro.

"Mamaya ka na, Ako muna." Sabi nya

"Kurt, Tama na muna ang paglalaro. Nakahanda na ang dinner. Kumain na tayo." Sabi ko.

Inilapag ni Kurt sa sahig ang tablet at sumama sa akin papuntang mesa at naupo sa kabilang parte nito.

"Siguradong magugustuhan mo ito. Niluto namin ito ni yaya frida." Sabi ko sabay naglagay ng kanin at ulam sa plato nya.

"Diba mga paborito mo yan?" Sabi ni Frida.

"Opo." Sabi ni Kurt.

Naupo ako sa kabilang upuan katapat ni Kurt at kinuha ang plato upang sabayan si Kurt kumain.

"Frida, Kumuha ka na rin ng plato at sabayan mo na rin kaming kumain." Sabi ko.

"Sige po ma'am." Sabi ni Frida.

Naupo sa tabi ko si Frida. Pagkatapos kong kumuha ng kanin ay ibinigay ko ito sa kanya. Natigilan kaming bigla ni Frida ng marinig ang sinabi ni Kurt.

"Tita Ganda, Hindi nyo po binigyan ng plato si Carl." Sabi nya.

"Huh?" Sabi ko sabay nagtinginan kaming dalawa ni Frida bago ako muling tumingin sa pamangkin ko.

"Sino si Carl?" Sabi ko.

"Yung kaibigan ko po." Sabi ni Kurt.

"Nasaan ba ang kaibigan mo para mapakain natin sya?" Tanong ni Frida

Inisip ko nalang na sinakyan ni Frida ang sinasabi ni Kurt.

"Oo nga. Tawagin mo na para sumabay sa atin sa pagkain." Sabi ko.

"Hindi na po kailangan. Nandito na po sya sa tabi ko." Sabi ni Kurt.

Napatayo at napaatras kaming dalawa ni Frida sa kinauupuan naming pareho ng marinig ang sinabi ni Kurt. Natakot ako ng sabihin nyang yun dahil wala namang nakaupo sa tabi nya ng oras na yun.

Muli kaming nagkatinginan ni Frida at parehong nakaramdam ng takot at kilabot ng oras na yun.

Hindi ko alam kung sadyang malawak lang ang imahinasyon ng pamangkin ko o mayroon talagang mga ligaw na kaluluwa sa bahay nila.


K W E N T O N G  B A Y A N   2 :  ( O N G O I N G ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon