• C H A P T E R 1

99 1 0
                                    

Inspired by true events.

Ako si Eunice Pingol, Isang call center virgin. Yun ang tawag ng mga taga BPO Industry sa mga newbie sa Call center. Bago ako nagshift ng career ay isa muna akong bank teller ng 3 years. Nagpalipat-lipat narin ako ng ibang mga branch at mapopromote na pero dahil sa pulitika, hindi narin natuloy kaya yun ang naging deciding factor ko to join the BPO Industry.

Since BPO ang inaplyan kong trabaho as expected gabi rin ang recruitment nila. Naghihintay ako sa may lobby para matawag ng mag iinterview sa akin kasama ng iba pang mga applicant na umaasa rin na makapasok sa BPO Industry.

Matapos ang halos isa't kalahating oras na paghihintay ay tinawag ang pangalan ko ng isang babaeng may hawak na mga papel. Sumunod ako sa kanya at pumasok kami sa isang maliit na kwarto. Naupo ako kaharap nya sabay nilapag nya ang application paper ko sa table na nasa harap naming dalawa.

"Hi. My name is Robin one of the recruitment specialist and I will be conducting your initial interview for today. I will ask you a series of questions to test how well you communicate using the English language. Please make sure to speak in English as much as possible and avoid using vernacular words. Okay." Sabi nya sa akin.

"Sure." Sabi ko.

"So, Lets begin by telling me something about yourself." Sabi nya.

"Hi. My name is Eunice Pingol. I graduated from a State University in Laguna with a Bachelor's Degree major in Accountancy. I have worked as a Bank teller for 3 years, but, I decided to leave the company to find a better opportunity in the BPO Industry." Sabi ko.

"Why did you leave your previous job?" Sabi nya.

Hindi ko nasagot agad ang tanong ng interviewer sa akin ng sandaling yun dahil pumasok sa alala ko ang nangyari nung nakaraang linggo sa akin.

Nasa may Restroom ako nun at nag aayos ng sarili bago umuwi dahil kakatapos lang ng shift namin ng bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang branch manager namin. Nilock nya ang pinto sabay lumapit sa likuran ko.

"Eunice, pauwi ka na?" Sabi nya.

Huminto ako sa ginagawa at tumingin sa kanya mula sa may salamin sa harapan ko.

"Yes. Sir." Sabi ko.

"Gusto mong ihatid na kita?" Sabi nya

"Hindi po sir, Okay na ako." Sabi ko sabay pumihit paharap sa pintuan ng humarang sya rito.

"Sandali lang, Masyado ka namang nagmamadali. Nag uusap pa tayo. Ikaw naman oh" Sabi nya ng akmang hahawakan ang mukha ko ngunit ibinaling ko ito sa kaliwa para mailayo sa kanya.

"Sir, Gusto ko na pong umuwi." Sabi ko.

May halong takot na nararamdaman sa oras na yun ngunit hindi ko ipinahalata sa kanya.

K W E N T O N G  B A Y A N   2 :  ( O N G O I N G ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon