Leo kunin mo na mga pinamili natin at ng makapag simula na akong mag luto...utos ni ate jenny sakin ng nakangiti na agad naman ako tumalima...birthday ko ngayon at naisioan ni ate na ipag luto ako ng paborito kong ulam...kare kare napakasarap mag luto ni ate nito kuhangvkuha nya ang luto ng nanay namin na 5 years ng pumanaw kasabay ng tatay ko...di ko maiwasang malungkot sapagkat sampung taon plang ako nun ng maaksidente sila galing sa baguio para umangkat ng gulay na i dedeliver sa palengke...supplier kami ng gulay sa palengke ng marikina halos lahat ng nag ririnda duon ay kami ang nag babagsak ng mga paninda sqpagkat mura at derekta kc kami sa farm kaya naman sa amin sila kumukuha...Maayos ang pamumuhay namin noon 15 years old plang si ate nag aaral ng highschool habang ako naman ay grade 4 sa elementary...madalas sumama si ate sa pag dedeliver ng gulay sa palengke pag walang pasok kaya naman halos lahat ng mga lalake sa palengke lalo na ang mga kargador ay nahuhumaling sa likas na ganda ng ate ko...ilan ang sasakyan namin noon malaki ang bahay at talagang nakakariwasa sa buhay dahil na din sa sipag at tiyaga ng mga magulang namin ngunit lahat ng iyon ay nawala ng iniwan na kami nila nanay at tatay...
Leo ang tagal mo naman mag tatanghali na...sabi sakin ni ate ng madala ko na sa kusina ang mga pinamili namin napansin nya pa na namumugto ang mata ko dahil sa pag alala sa mga magulang namin...leo birthday mo ngayon kailangan masaya ka...masaya na din sila nanay sa langit at malulungkot sila pag nakita nila tayong malungkot sabi ng ate ko na nakangiti,hinde na ako sumagot at pilit ang ngiti ko ng iabot ko na ang basket ng mga binili namin...sige na leo ako na bahala dito mag linis ka na muna sa sala...
Nag lakad na ako palayo ngunit naisipan kong silipin si ate sa ginagawa nya...di nakaligtas sa paningin ko ang tahimik nyang pag iyak sumisinghot pa ito habang hinahanda ang lulutuin nya...malungkot din si ate sabi ko sa sarili ko pero pinipilit nyang maging masaya kahit kaming dalawa nalang sa buhay...
Matapos nya maka graduate ng highschool agad na din sya nag trabaho sapagkat winaldas ng mga kamag anak namin ang mga naiwan ng mga magulang namin na akala namin ay tutulungan kami...ngunit isa isang nabenta ang mga ari arian namin...maging ang mga sasakyan namin ay nawala at bago pa nila pakialaman ang bahay ay si ate na ang nag desisyon na ibenta ito para makabili ng maliit na bahay na sapat lang sa aming dalawa...maliitvlang payak pero kahit ilang taon na ang lumipas di pa din ako sanay matulog sa sahig na pawang banig lang ang sapin...
Kung hinde nag trabaho si ate sa palengke wala kaming kakainin maging ako ay di makakapag highschool dahil wala na talaga kaming mapag kukunan ng pera.
Batid ko lahat ang pag sisikap ng ate ko kaya naman mahal na mahal ko sya di ko sya iiwan kahit kailan ipag lalaban ko sya pag may nanakit sa kanya kahit umabot pa ng patayan
Masaya kaming kumakain ng tang halian at pinag salohan namin ang paborito kong ulam...ate di pa din nag babago ang luto mo ang sarap pa din sobra wika ko sa gita ng pag subo ko ng pagkain...oh leo dahan dahan baka ka mabulunan ahahaha teka may sopresa pa ako sayo sabi nya at gumayo na akmang may kukuhanin...HAPPY BIRTHDAY TO YOU...si ate nag lalakad palapit sa hapag at may hawak na maliit na cake may nakatulos pang kandila habang kumakanta....HAPPY BIRTHDAY LEO pag tatapos nya ng kanta at inilapit na sa akin ang cake para ihipan ko ang kandila...oh leo make a wish muna...pumikit ako at humiling na sana makasama ko pa ang ate ko ng habang buhay na masaya yun lang ang na i usal ko at inihipan ko na ang kandila....yeahey usal ni ate oh sya tapusin mo na ang pagkain at mag sisimba pa tayo...opo ate sabi ko.
YOU ARE READING
NAALALA MO BA AKO?!??
RandomMasaya ang magkapatid na Jenny at leo sa kabila ng pagiging ulila sa magulang,Mahal na mahal ni leo ang kapatid nya at hinde sya papayag na may manakit sa ate nya kahit makipag patayan pa sya...ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana ang pangako ni leo...