6. Ligtas

136 3 1
                                    

Laking tulong ng latigong kinuha ko dahil nagamit ko ito para itali ang sarili ko at si ate para di kami nagkahiwalay....ilang beses akong bumangga sa malalaking bato na kaya hirap na hirap ako sapagkat iniiwas ko si ate sa mga ito...ano mang oras bibigay na ang pagod kong katawan ramdam ko ang sakit at hirap habang dinadala kami ng agos... napapikit ako ng mariin at nag usal ng dasal Diyos ko ikaw na po ang bahala sa amin....

Mainet ang pakiramdam ko mahina ang pag hinga ko ng may marinig akong nag salita..."Pedro patay na ata " gustohin ko man kumilos para lingonin ang nag salita pero di ko maikilos ang katawan ko "dyan ka lang ising titignan ko" naramdaman ko ang mga yabag ng paa na palapit sa akin at base sa naririnig ko ay nasa batuhang bahagi kami ng ilog.."ising madali ka buhay pa sila tawagin mo si danilo dali." Yun lang ang tangi kong narinig at muli akong nawalan ng malay...

Masakit pa din ang aking mga kalamnan hirap pa din ako kumilos ng idilat ko ang mga mata ko ay ramdam ko ang hangin mula sa labas lumingon ako sa paligid nasa isang kwarto ako na bagamat puro kawayan ang haligi maging ang bubong ay pawid malamig dahil sa lakas ng hangin mula sa labas...tinignan ko ang sarili ko puro pasa at sugat na bakas ng nangyare nakaramdam ako ng sakit ng ulo kaya napasapo ako sa noo ko may benda ang ulo ko ng makapa ko...ang ate asan ang ate ng lubusan akong magising napabalikwas ako ng bangon ngunit napasigaw ako sa matinding sakit ng katawan ko..."oh iho gising ka na pala"...isang di naman katandaang babae ang nag salita...:wag ka muna bumangon at sobra ang bugbog ng katawan mo...mag pahinga ka muna" nakatitig lang ako sa kanya na nag tataka at di nag sasalita...

Ako si ising ako ang may ari ng lugar na ito kasama ang asawa ko si pedro may anak kami si danilo" paliwanag nya. "Ang ate ko po!?" Na sa wakas na tanong ko..."ahhh ate mo pla yung babae nasa kabilang kwarto at ginagamot ng doktor  nag patawag kami ng manggagamot dahil di namin kayo madala sa ospital gawa ng napakalayo nito sa bayan"....ano ba ang pangalan mo iho? Tanong nya...Le...Leo po manang ising...nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain? Tanong nya..pinakiramdaman ko ang sarili ko gutom ako pero nahiya ako mag sabi....pihadong gutom ka na dalawang araw ka ng tulog eh...cge dyan ka na muna at ikukuha kita ng makakakain...di pa ako nakakasagot pero dagli na syang lumisan...

Dalawang araw?! Ganon na ako katagal natutulog? Pag mumuni muni ko ng makaalis si manang ising..masakit pa din ang ulo ko kaya naman muli akong pumikit...naalala ko ang nangyare sa amin ni ate kaya napaiyak ako sa awa sa aming dalawa...isa isang nag litawan ang mga mukha ng mga hayop na nangwalang hiya sa amin...galit...galit ang nararamdaman ko ngayon tiim  bagang akong nag iisip na gumanti,mga hayop kayo babalikan ko kayo hinde ko kayo mapapatawad...MGA P&%T@《g IN@ NYO!!!! Sigaw ng isip ko kasabay ng mga luhang rumaragasa sa mata.

Inayos ko ang sarili ko ng makarinig ako  ng pag bukas ng pinto...oh leo kain ka kahit konti palakas ka siguradong gutom na gutom ka na...nilapag ni manang ising ang tray ng pagkain Lugaw ito sa tingin ko kasama ang isang basong tubig...maraming salamat po manang ising na sa wakas na nasambit ko...wala yun leo kumain ka mabuti inalalayan nya akong maupo sa kama at kahit hirap ay pinilit kong abutin ang kutsara para kumain..dahan dahan leo at mainet...gusto mo ba subuan kita? Sabi nya...wag na ho manang nakakahiya po...oh sige ikaw ang bahala...o sya maiwan muna kita at puntahan ko lang ang ate mo sa kabilang kwarto...tumango lang ako kay manang ising at sinundan na sya ng tingin palabas ng silid.

Binaling ko ang sarili ko sa pagkain hirap talaga ako kumain dahil sa mga pag pintig ng mga kalamnan ko naisipan kong uminom ng tubig kaya naman pinilit kong abutin ang baso...ngunit kahit anong pilit ko hinde ko maabot umusad ako palapit  habang nakaupo sa kama ngunit ramdam ko na mahuhulog ako napapikit ako sa akma kong pag bagsak ngunit nagulat ako ng mga brasong sumalo sa akin....

Huh?!?! Wag mo pilitin kung di mo pa kaya wika ng lalakeng sumalo sa akin...inaalalayan nya akong muling bumalik sa pag kakaupo sa kama...napatingin ako sa kanya isang matipunong binata ito na matangos ang ilong manipis ang mga labi makapal ang kilay at moreno ang balat...pwede ka namang tumawag para tulungan ka bakit di ka nag sabi wika nito...nahihiya po kc ako....Danilo danilo ang pangalan ko wika nya...leo po ang pangalan ko sabi ko...ilang taon lang naman  ang tanda ko sayo wag mo na ako pinopo po nakakatanda yun wika nya ng nakangiti...ano ba ang gusto mo gawin bakit pinipilit mo tumayo tanong nya...iinom lang sana ng tubig wika ko...inabot nya ang baso at inilapit sa bibig ko...ayan inom ka na hahawakan ko sana ang baso ngunit sinaway nya ako,...ako na at baka mabitawan mo pa... kahit  ahihiya ako ay hinayaan ko nalang sya maging ang subuan ako ng pagkain na sya pa mismo ang umiihip nito bago ako subuan...

Matapos ako kumain ay agad na nyang niligpit ang pinag kainan...mag pahinga ka mabuti leo para lumakas ka....salamat po kuya danilo wika ko...ngumiti lang sya sa akin at agad na lumabas ng silid....

NAALALA MO BA AKO?!??Where stories live. Discover now