Aaattteeehhh!!! Sigaw ko na hingal na hingal at napabalikwas ng bangon sa kama...kasabay ng mahina kong iyak ng mapag tanto ko na nanaginip pla ako sariwang sariwa sa isip ko ang nangyarr habang pinapahirapan nila ang ate ko...
"Leo anong nangyare?! Humahangos na tanong ng matandang babae..lumapit sya sa akin at agad akong hinimas sa likod....tahan na anak panaginip lang ang lahat...napayakap ako sa matanda at humagulgol ng iyak mga salbahe sila wala kaming kasalanan sa kanila mga hayop sila mga walang hiya sila....sunod na sunod na wika ko sa galit na nararamdaman ko...tahan na leo ligtas na kayo ng ate mo wala ng gagalaw dito sa inyo...teka ikukuha kita ng tubig...tumango lang ako habang patuloy pa din na humihikbi...
Alas dos na nag madaling araw ng tignan ko ang orasan....malamig ang simoy ng hangin kanina pa wala si manang matapos nya akong painumin ng tubig...sinubukan ko tumayo...ramdam ko na bagamat hirap ay nagagawa ko ng tumayo...nilibot ko ang paningin ko para mag hanap ng banyo dahil kanina pa ako naiihi...akma akong lalabas ng silid ng may boses akong narinig....
Leo bakit bumangon ka pa anong oras na ah...madilim ang paligid ngunit aninag ko na si kuya danilo ang tumawag sa akin na palapit na kung nasan ako....kuya kasi kailangan ko mag banyo...sagot ko....Ahhh ganon ba lumapit sya sa akin at akma akong aalalayan tara leo akayin na kita....wika nya pa...Kuya kaya ko na po saan po ba ang banyo tanong ko...halila sundan mo ako...sumunod ako sa kanya ngunit medyo hirap pa din ako mag lakad...kuya saglet pwede pahawak ...cge lang sagot nya...agad akong humawak sa braso nya at napansin kong wala pala syang suot na damit...medyo nailang ako dahil ramdam ko ang kinis ng matitipuno nyang braso...ayan leo andito na tayo sa wakas na wika nya ata gad binuksan ang pinto ng banyo at binuksan din ang ilaw dito...Salamat kuya danilo...agad na akong pumasok sa banyo at inilabas lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko..ng matapos ako ay agad akong nag linis at lumabas... nakita ko sya na matamang nag hihintay sa akin sa labas ng banyo....kuya danilo ok na po ako pasensya na po ha...ayos lang leo tra na ba? Tumango ako at agad inabot ang kamay na inilahad nya sa akin...
Inalalayan nya pa ako pa upo sa kama at nag wika...ayos ka na ba leo baka may kailangan ka pa?!...ok na po ako kuya sagot ko...medyo inaantok na din po ulet...ahh sige leo maiwan na kita maaga pa din ako mamaya eh wika nya...salamat kuya danilo ha wika ko...tumingin lang sya sa akin at ngumiti saka lumabas ng kwarto...
Yah! Hai! Kiayaaah!! Sunod sunod na sigaw na narinig ko sa bakuran na lubusang nag pagising sa akin nilingon ko ang orasan alas otso na pla ng umaga...magaan ang pakiramdam ko at ramdam ko na bagamat may kirot ay di na ako hirap kumilos...Bumangon ako at agad nag tungo sa bintana nakita ko si kuya danilo nasa unahan ng mga ilang kabataan mistulang leader ng isang hukbo ng kabataan na sinusundan sya sa bawat kilos..taekwondo pasok sa isip ko...nag tuturo si kuya danilo ng martial arts...nalibang ako sa panonood sa kanila ng may nag salita sa likod ko...gusto mo bang matuto nyan leo? Si manang ang nag salita na agad na nilingon ko...opo manang sagot ko, at pumasok sa isip ko na magagamit ko ito para makaganti sa mga nang walang hiya sa amin ng ate ko...opo manang gusto ko po...sagot ko....Pwede naman leo pag lubusan ka ng magaling maari kang turuan ni danilo...sa ngayon halika at mag almusal muna tayo...tumango ako kay manang at muli muna akong sumulyap kay kuya danilo na saktong nakatingin sakin at agad na ngumiti...di ko alam kung papaano mag rereact kaya naman agad nalang ako sumunod kay manang sa kusina...
Mabuti naman at nakakapag lakad ka na leo...wika ni manang matapos ako umupo sa hapag...tuloy tuloy mo lang anak ha pagaling ka mabuti...oh sya kain na...Pandesal kape at kesong puti ang nakahain...sabay kaming tahimik na kumakain at ng matapos ay saka ko naalala si ate...manang kumusta po ang ate ko? Ayos naman ang lagay nya ayon sa doktor bumubuti na din ang kanyang kalagayan...masyadong masalimuot siguro ang pinag daanan nyo hanggang ngayon di pa din namin makausap ang ate mo...pero sabi naman ng doktor konting pahinga pa at babalik din sya sa dati...natutulog sya ngayon sa kabilang kwarto kubg gusto mo sya makita puntahan mo nalang sya dun....
Litong lito ako sa nga narinig ko napaiyak na naman ako dahil sa awa sa ate ko...nakatingin lang si manang sakin at hinayaan lang ako mag kwento sa kung anong nangyare sa amin ng ate ko magubg sya ay napapa sapo sa bibig at ilang ulet napa jusko po ng bulong...humagulgol ako ng iyak na halos wala ng boses na lumalabas sa bibig ko ng mapatayo si manang at agad akong niyakap...tahan na leo may araw din ang mga damuhong iyon...mabuti nalang at dito kago sa amin napadpad kaming bahala sa inyo....
YOU ARE READING
NAALALA MO BA AKO?!??
RandomMasaya ang magkapatid na Jenny at leo sa kabila ng pagiging ulila sa magulang,Mahal na mahal ni leo ang kapatid nya at hinde sya papayag na may manakit sa ate nya kahit makipag patayan pa sya...ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana ang pangako ni leo...