Maripooseh, ang fairy na umiiyak kasi wala siyang pakpak (kawawa siya)
Sa mundo ng mga fairies ay may mga faeries na namumuhay. Namumuhay sila.
Isang araw, may fairy na nanganak. Nanganak siya, masakit manganak kaya umiyak ito habang umiire. Pero after 15 minutes nanganak na siya.
Napa-yeheyy silang lahat. Yeheyyyy, nanganak na siya, sabi pa ng isa.
Pero nawala ang pag-yeheyy nila nang malaman nilang walang pakpak ang bagong silang na fairy. Huhu, kawawa yung bagong silang parang nahalata niya na ayaw nila sa kaniya kaya umiyak ito nang malakas.
Kawawa yung sanggol na fairy.
Pati ang asawa ng nanganak ay muntik na magdabog dahil akala niya, may kabit ang asawa niya na tao kaya walang pakpak ang anak.
Mula noon, ay hindi na sila nilapitan ng ibang mga fairies--may iba pa rin namang lumalapit pero hindi na lahat. Bukod dito, iniwan na rin ng papa ng sanggol ang pamilya niya, kaya sila na lang dalawa ng mama at lola niya.
Mula din noon, walang araw na hindi umiiyak ang sanggol na pinangalan ng mama at lola niya na Maripooseh.
Iyak dito, iyak doon. Kawawa naman.
"Maripooseh, Maripooseh walang pakpak."
"Maripooseh, Maripooseh hindi nakakalipad."
"Maripooseh, Maripooseh hindi ka naman fairy kasi wala kang pakpak, umalis ka na lang sa lugar na 'to! Salot ka lang!"
"Maripooseh, Maripooseh ano pang saysay bakit ka pinanganak kung wala ka namang pakpak?"
"Ilan lamang ito sa naririnig ni Maripooseh kapag nakikita siya ng ibang mga fairies."
Ay hindi na pala yan dialogue.
Ilan lamang ito sa naririnig ni Maripooseh kapag nakikita siya ng ibang mga fairies.
Dahil dito ay minsan na lang siya nakikipag-interact sa ibang fairies, e based sa theory of interpersonal relations and the interpersonal nature of personality ni Sullivan, na report ko sa major namin, our interpersonal relationships and the need for security within them are equally fundamental (the one-genus postulate), and that our personality, or self and identity, was formed through relationships, especially in early chiildhood (the need for others).
Dahil dito, wala rin araw na hindi siya umiiyak, walang araw na kinamumuhian niya ang sarili niya kasi wala siyang pakpak, kasi hindi siya nakakalipad.
Tanong ni Mariposeeh, mama mama bakit wala akong pakpak? sabi ng mama niya okay lang yan anak. Sabi ni Maripooseeh sige po mama. Sabi ng mama niya, sige po nak.
Isang araw, lumabas ulit si Maripooseh. Gusto niya kasing gumala kasi nanood siya ng Dora The Explorer kaya na-inspired siya.
Nakita siya ng ibang fairies at pinagtawanan siya. "Wala ka namang pakpak. Ang kapal naman ng mukha mong sabihin ang sarili mo na fairy," sabi ni Koykoy ang lalaking fairy na maasim.
"Isa akong fairy! Ramdam ko 'yon. 'Yon ang sarili ko. At kahit anong pilit kong sabihin at iparamdam sa sarili kong hind ako fairy, tumatakbo pa rin sa puso, isipan, at buong sarili ko, na fairy ako! So fairy ako, at wala kang pake!" tanggol niya sa sarili.
"Hindi ka namin tanggap!"
"Hindi naman kailangang tanggap niyo ako! Hindi naman kailangan ng pagtanggap niyo sa'kin para matawag ko na fairy ang sarili ko! I am a fairy. Periodic table!"
"Patawa ka, wala ka namang pakpak. Ang mga fairies, may pakpak, ikaw wala!"
"Mas patawa ka, may pakpak ka nga di ka naman naliligo."
Actually, walang connect yung sabat niya pero keri na.
Umalis na lang siya sa lugar at planong uuwi na lang sa bahay, pero nilapitan siya ng isang fairy.
"Hi, Maripooseh," sabi no'ng fairy na lumapit. "Ako pala si Alex."
"Hello, Alex. Bakit ka lumalapit sa akin? Hindi mo ba ako kakantiyawin kasi wala akong pakpak? Huwag naman sana, pagod na kasi akong umiyak. Pagod na rin akong magmukmok sa bahay. Pagod na akong pagtawanan, kahit hindi naman ako katawa-katawa, minsan nga napapa-isip ako, baka nga katawa-tawa ako. . . na salot."
"Hindi naman. Hindi lang talaga nila alam 'yong nararamdaman mo, at kasalanan nila 'yon dahil hindi nila inisip yung nararamdaman mo. Kasalanan nila 'yon, dahil pinili nilang hindi tanggapin ka, at kasalanan nilang mag-isip na kailangan ka pa nilang tanggapin upang matanggap ka, upang matawag mo ang sarili mo na fairy."
"Tsaka 'wag mo sana pagdudahan ang sarili mo. Fairy ka, Maripooseh. Hayaan mo, di natin sila bati. Tsaka p'wede naman kitang ilipad 'pag gusto mong lumipad."
"If you can't fly, I can fly you around. I can show you the world, the universe rather, even in the slums of tondo manila, and we'll see that the life there is really poor and sad, and galit ako sa mga bumuto kay Bongbong."
"Saan mo ba gusto? Sa North? Sa South? Sa East? Atin ang West Philippine Sea!"
"Tsaka kaya ko rin namang maglakad, kung gusto mong maglakad lang tayo pareho."
Napangiti si Maripoosih. Nag-ngitian silang dalawa. Ayos! Sana all.
Mula noon, nagin magkaibigan silang dalawa. Naging magkaibigan din ang mga magulang nila.
Lumaki si Alex at Maripooseh na magkasama.
Naging mayor si Alex at dineklara niyang bawal manlait ng iba. Ang manlalait, tataggalan ng pakpak.
Napagtanto ni Maripooseh, na hindi niya kailangan maging katulad ng iba upang matanggap siya ng komunidad nila. Kahit wala siyang pakpak, nakaka-kain pa rin naman siya, nakakasayaw, nakakatawa, at higit sa lahat ay may mga taong tanggap siya.
Wala man siyang pakpak, fairy pa rin siya. Hindi man siya tanggap ng ibang tao, fairy pa rin siya, dahil para sa kaniya, sa lola niya, sa mama niya, kay Alex, at sa mga taong nagmamahal sa kaniya, ay fairy siya.
Napagtanto niya na hindi kailangang lahat ng fairies sa mundo, ay tanggap siya upang matawag niya ang sarili niya bilang fairy.
Fairy naman talaga siya. Fairy si Maripoosih.
Fairy ka kahit wala kang pakpak, at hindi masama o mali ang maging fairy na walang pakpak.
Fairy ka at tanggapin mong fairy ka.
Fairy ka at huwag mong pilitin ang sarili mong baguhin at itapon ang pagiging fairy mo, dahil ikaw lang din ang mahihirapan, dahil mawawala mo lang ang pinaka-importanteng nilalang sa buhay mo, at 'yon ay ang totoong ikaw--ang pagiging fairy mo.
Fairy ka, dahil fairy ka.
Fairy ka! Period, sarado kandado tapon susi sa dagat kinain ng pating naging tae ng pating naging buhangin na lang.
Lesson learned: Sa mundong lahat ay ginagamit ang kanilang mga pakpak, at wala ka nito, valid umiyak, pero di pwedeng puro iyak, gamitin mo ang iyong mga paa.
BINABASA MO ANG
Ang Librong Nakita ko sa Bangin na may Stories na Kabugera
AcakMga kabugera ang stories na ito. Basahin niyo kung ayaw niyo maniwala.