kia

4 0 0
                                    

"4.5k ang buwan, wala pang kuryente, wala pang tubig. May kitchen at private CR. Walang bidet, 'wag OA."

"Ah ganon po b-"

"Bawal aso, pusa, o daga. Walang ekap ako sa mga boypren. Kung magshashabu man sana, huwag naman dito, maawa ka sa maykapal. Mayproblema ka? Dun ka magpakamatay, 'wag dito, malas sa negosyo!"

"Ay grabe naman po iyo-"

"Ano? Kukunin mo?"

Akala ko nanaginip ako, 'yon pala si Nang Pats uma-alingawngaw sa labas. Kinakausap niya ata ang may balak na magstay sa Dorm.  Dahan dahan akong bumangon sa higaan at naramdaman kong sumakit ang aking ulo. Fuck, did I drink last night? Oo pero isang bottle lang naman 'yon and... small talks.

"Kuya deretso lang... may Acacia na malaki, pasok ka sa gate, tapos tanong mo sa may dalang pamaypay kung sino si Kirina Madangal." Paikot-ikot si Kina sa kwarto at paulit-ulit na dumu-dungaw sa binta. Umuorder naman yata ng pagkain at naghihintay na huminto ang delivery boy sa may gate. "Dria, ikaw nalang bumaba. Wala pa kasi akong bra." Pisil pa niya sa boobs.

"Ako rin naman ah! Lintik na to kakagising ko lang." Nako! Hinihimas-himas pa talaga niya ang balikat ko sabay patulak palabas ng pinto.

Dalidali akong bumaba para sunduin si kuya. Tatlong buwan na ako dito sa dorm, at bago ko pa rin na kilala si Kina. Two years na ako sa kolehiyo pero ngayon ko palang naranasang magdorm. At last, unti-unti nang pumapayapa ang aking loob.

Chicken wings  ang inorder niya. Tatlong flavors 'yon. Nagtaka ako kung bakit ang dami e kaming dalawa lang naman ang na sa dorm. Pag-akyat ko sa room binungad agad ako ni Kina na dali-daling tinanggal ang nakasaksak na rice cooker.

"Hoy anong ginawa mo?!" Putlang-putla ang gaga habang pinipisil-pisil ang kamay. Umusok na yung rice cooker pero hindi dahil sa pagka-luto. Nasunog yung wirings!

"Bes, 'di ko yata na punasan yung pwet kaya basang umiinit yung rice cooker." Tanga naman oh! 'Di ko alam kung matatawa o ma-inis nalang. Pangatlong buwan ko palang dito naka dalawa na kami ng rice cooker. 'Di naman kasi nga bago ang mga ginagamit namin.

Sa 'di ina-asahang pagkataon, biglang may kumatok sa pinto. Shit baka si Nang Pats! "Itago mo 'yan dali! Paniguradong mapapagalitan tayl  kapag nakita niya 'to!" Sigaw sa'kin ni Kina.

"Ha? 'Di naman niya ma pansin na pumuto-"

"Bilis!"

"Ah!" Napamura nalang ako sa sakit nung hinawakan ko ang kalan. Na paso ako nung inangat ko yung rice cooker kaya naman nabitawan ko ito at na tapon ang bigas na kakakulo palang.

"Oh?! Tignan ba naman na kay lilikot at ang bobobo! Pa ano yan? Edi na sayang nalang yung kanin!" Turo ni Nang Pats sa amin. Kinakain na ni Kina yung kuko niya at nanginginig dahil sa nangyari. Kimuha nalang ako ng malamig na tubig para inumin. Para na rin ma wala ang sakit ng paso sa aking kamay. Duwag naman nito.

"Nagsesex ba kayo?!"

Nabuga ko yung tubig na ininom ko dahil sa gulat. My eyes opened so wide na napatingin ako kay Kina. Tinatawanan niya ako sabay hampas ng aking likod. Napakarandom naman ng tanong ng Landlady namin.

Shit.

Nung pinunasan ko ang aking bibig, wala akong ibang na amoy, agad kong na alala kung kaninong perfume to. Tila hinatak ang aking isip pabalik kung ano ang nangyari ka gabi. 'Di ko halos ma ramdaman ang aking sarili at na patulala nalang sa baba habang nakahawak sa neckline ng aking damit.

That was my first hug in a while. I can still remember how cold that night was. Subalit 'di ko na ramdaman ang init ng kanyang halik. His eyes turned into different colors dahil sa sinag ng mga ilaw ng mga sasakyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bed spaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon