"Date na naman?"
Kakababa ko lang dahil nag-ayos ako para sa date uli namin ni Jericho. I was wearing my black jean shorts paired with white tank top. Sinubukan ko pang mag-make-up para magmukha akong presentable sa mukha niya.
"Bawal ba?" Natawa ako at tumingin muli sa salamin para ayusin ang buhok ko.
"Minor check!" Asar ni Ace. Inirapan ko lang siya habang inaayos ang sarili ko. Papansin masyado at kulang sa aruga si Ace, e. Ako lagi ang pinupuntirya kapag nang-aasar.
"Oh, pera. Kawawa ka naman at wala ka na atang pera, e." Inabutan ako ni Ate ng dalawang daan.
Napangisi ako at tinanggap 'yon. Sa wakas ay may pera ulit ako! Susulitin ko 'to at ako naman ang manglilibre, lugi si Jericho sa akin, e.
Sunset date lang ang ganap namin ngayon. Hapon pa lang naman at medyo matagal pa bago lumubog ang araw, pero dahil wala naman na akong magawa rito sa loob ay binalak ko nang ayain si Jericho.
"Ace, pahiram susi!" I stretched out my arms. Inabot niya sa akin 'to at saka na ako lumabas ng bahay. Sumakay na ako sa motor at napatingin sa salamin, sinuot ko naman ang sombrero dahil isasauli ko 'to sa kaniya ngayon. Napagdesisyonan ko naman na umakyat muna sa OL at saka kikitain si Jericho.
"Oh, nandito ka na kaagad?" Tanong ko nang makita ko si Jericho na nakaupo habang nakatitig sa kawalan. Ano kaya ang mero'n?
"Hello?" Ngumisi siya sa akin bago tumayo. He was wearing a white shorts with a black top. Wala siyang suot na cap ngayon dahil alam niya namang isasauli ko ang cap niya. "Why are you up here?"
"Wala lang. Ikaw? Bakit nandito ka na kaagad?"
He shrugged and didn't answer. I held his hand to comfort him, it was wrong because I felt the electricity again. Pero hindi ako bumitaw. "Cheer up kung ano man 'yan! Matagal pa naman bago mag-sunset, stroll muna tayo!" Nginisian ko siya.
"Okay. I'll drive." Sabi niya bago tinanggal ang kamay niya sa kamay ko at dumiretso sa motor. Napatingin ako sa kamay ko nang gawin niya 'yon.
"This yours?" Lumingon siya sa akin.Umiling ako. "Sa boyfriend ng kapatid ko. Hiniram ko lang." Sagot ko at tumango-tango siya bago sumakay at sumenyas na sumakay na rin ako.
Sumakay ako roon at kumapit sa balikat niya. Awkward naman ata kung sa bewang ko siya hahawakan, no?
But suddenly, he held the both of my hands and went to put it in his chest. I swear my heart was beating fast because I was caught off guard! Feeling ko nga ay namumula na ang mukha ko!
"This is how you hold, okay?" Marahan niyang sinabi at napalunok akong tumango bago ibinigay sa kaniya ang susi. "Hold tight."
Ang sarap ng hangin na humahampas sa balat ko habang pababa kami ng OL. Nakangisi akong nakatitig sa side mirror at tinititigan siya. Umiwas naman ako nang tumingin siya pabalik mula sa side mirror, I can see that he was trying to stifle a smile.
Kung saan-saan kami umikot habang nag-iintay sa sunset. Buti na nga lang ay namalayan naming onti na lang ang gas kaya umalis kami ng village para pa-gas-an iyon. Gagong Ace, gusto yatang magtulak pauwi.
Nang nagpa-gas na kami ay may nakita kaming fishball-an sa tabi ng kalsada kaya nag-drive papunta si Jericho roon. Saka naman kami bumaba ng motor para tingnan kung ano pa ang mero'n.
"Libre ko na 'to, ha? Ako ang nag-aya mag-fishball kaya chill ka riyan." I tapped his shoulders. Kailangan ko pang tumingkayad para gawin 'yon. "Ate, twenty pesos po na kwek-kwek tapos katorse pesos po nung kikiam. Dalawa na rin po nung sampung pisong palamig." Nag-abot ako ng isang daan, sinuklian naman ito kaya itinabi ko na sa wallet ko at saka lumingon kay Jericho.
YOU ARE READING
A Spark's Mistake
RomanceSabi ko hindi ako madaling kunin. Sabi ko, kahit ano pang pa-cute ng mga kalalakihan ay hindi ako bibigay, kahit ano pa 'yan. But this man was something else. Unang kita ko pa lang sa kaniya ay may kuryente na kaagad na dumadaloy sa katawan ko. I di...