Kailan pa nawili 'to sa dating apps? Ang alam ko may boyfriend 'to, ah? Nagche-cheat siya?
Kung nagche-cheat siya, talagang isa siya sa mapapa-phase out ko! Isang pitik lang ni Thamos ay mawawala na siya kaagad!
"Saan na naman ang lipad mo, aber?" Pinanlisikan ko siya ng mata. Secret sila ng boyfriend niya, pero alam ko. Magtatago na nga lang e, tatanga-tanga pa ang kumag! Engot lang, gano'n!
"Sa labas lang," turo niya sa labas. As if naman na maniwala ako dahil naka-ayos pa siya. May make-up pang nalalaman!
"Sus! Labas lang daw, ano ka, papaganda sa mga tambay sa labas?" Tinaasan ko siya ng kilay. Tinatago pa kasi, alam ko na nga, e!
"Kung makapagsalita kala mo ikaw ang Ate!" Inirapan niya ako. "Lalabas ka ba? Ito oh, pera. Bwiset, e!" Inabutan niya ako ng isang daan.
Napatawa naman ako. "Thanks, ingat! Pangit ka pa naman!" Asar ko pero wala siyang imik. Lumabas na lang siya ng pintuan pero ako ay tatawa-tawa pa rin.
Sa aming dalawa ay siya ang panganay. Dalawang taon ang agwat namin pero kung umasta ako ay parang ako raw ang Ate. Kahit nga physical features ko ay mukhang mas matanda ako kaysa sa kaniya! Paano e, mahinhin lang siya kumpara sa akin na mabunganga. Kahit nga ang Ama namin e, nasasabihan ko kung minsan. Simula kasi nang umalis si Mama para sa Dubai ay iba na lagi sila kung kumilos!
Masyadong mapang-iwan ang kuno!
Naisipan ko naman lumabas kaya agad akong naligo. Alangan namang lumabas ako nang walang ligo, nakakapangdiri naman ata masyado. Pati kung lalabas naman ako ay hindi ako mabo-bored. Marami akong kakilala rito sa subdivision namin dahil halos apat na taon naman na nung lumipat kami.
Mas gusto ko pa ngang nasa labas ako dahil sa bawat nakakasalubong ko ay kilala ko, kumpara kung nasa loob ako e, parang nasa mental ang sitwasyon ko.
I mean, kahit na may anim kaming aso ay ang alone vibes pa rin talaga! P'wede naman ako makipaglaro sa kanila, pero kapag natalon kasi ay kasingtangkaran ko na, nalugi tuloy ang height ko!
"James!" Tawag ko sa kaibigan ko. "Puno ba 'yung comp shop?"
Tumigil siya sa pag-bike. "Sus! Kaonti lang! Alam mo naman, girl, walang baon at bakasyon." Napatitig siya nang matagal sa akin. "Pupunta ka ba?"
"Hindi. Nagtanong lang." Nag-peace out ako at kumaripas ng takbo. Mahirap na, naka-bike pa naman ang bakla!
Naglakad-lakad ako hanggang sa makaabot ako sa labas ng subdivision. Magka-konekta ang subdivision at ang village kaya lagi akong may ginagalaan. Ang kaso lang, sa dalas kong nasa labas e, kabisado ko na ang buong subdivision at village! Madalang lang naman kasi ako lumayo.
Pumasok ako sa loob ng mahilig kong kainan. Mero'n ditong takoyaki, pizza, milk and fruit tea, at siomai pa! Solid pa dahil may second floor, ang aliwalas dahil sa mga halaman.
Halaman Tita's at Tito's ang kuno!
"Isang plain na takoyaki nga po tapos wintermelon milktea. 'Yung medium lang, Ate." Order ko. 'Yun naman ang usual ko dahil 'yun lagi ang cravings ko. Hindi rin naman kasi ako mabilis magsawa.
"Dine in?"
"Opo, 'te. Ito bayad." Nag-abot ako ng isang daan at agad din namang sinuklian.
Habang nag-iintay ay umakyat na ako ng second floor, dito ako madalas kumain dahil ako lang naman mag-isa. Hindi rin ako mabu-buryong dahil dala ko naman ang cellphone ko.
Speaking off, makapag-story nga sa instagram. Inggitin ko ang mga kaibigan ko dahil ang tagal na nilang mga walang paramdam! Kung wala sigurong mag-first move sa groupchat namin e, walang magme-message kahit isa!
YOU ARE READING
A Spark's Mistake
Roman d'amourSabi ko hindi ako madaling kunin. Sabi ko, kahit ano pang pa-cute ng mga kalalakihan ay hindi ako bibigay, kahit ano pa 'yan. But this man was something else. Unang kita ko pa lang sa kaniya ay may kuryente na kaagad na dumadaloy sa katawan ko. I di...