ULAN

131 3 3
                                    

"Tinay" rinig kong sabi nya sa kabilang linya, pikit mata ako akong umupo nang ayos at mas inilapit ang telepono sa aking tainga. 


"hmm?" isinandal ko ang likod ko sa dingding at ibinalot ang sarili ko sa kumot. Umuulan nanaman, at suspended ang classes sa buong cavite. 


"Tinay, Aliza? Oy Tinay andyan ka ba?" pag uulit nya sa pangalan ko, kinusot kusot ko ang mga mata ko, ngunit ayaw pa rin nilang dumilat. 


"hmm?" 


"nakabanga ako." 


"hmm?" pilit kong iniintindi yung sinabi mo, pero tinatalo pa rin ako nang antok, ngunit sa kabila nang antok na yun... hindi ko nagawang baan ka nang ni isang tawag. Andoon ako nang mga panahong kailangan mo nang kausap, andoon ako nang kailangan mo nang magtuturo sayo, andoon ako nang mga panahong kailangan mo nang tulong mo, andoon ako para laging magpaalala sayo. 


Umuulan man o hindi, nagsilbing payong sayo... 



"Umuulan nanaman"


Pasado alas quatro nang magising ako, binuklat ang aklat na nasa gilid nang kama, sinubukang intindihin ang mga salitang nakasulat doon, ngunit, ni isa, wala akong maintindihan. Na sa kahit ilang beses kong paulit ulit basahin ang mga salita't katagang andoon, walang nangyayari, wala akong maintindihan, naghahalo ang mga letra't numero, na tila ba nagsasayaw sila sa aking harapan.


"Umuulan nanaman"


Sinubukan kong intindihin, ngunit wala pa rin akong maintindihan, nakipagtitigan sa bawat pahina, binasa, inintindi, ngunit ni isa walang pumasok sa aking kokote. Patatas nanaman ang maisasagot ko sa klase.


"Umuulan nanaman"


At unti unti nang nabalot nang lamig ang silid na aking tinutuluyan, napasinghap ako at ipinikit nang mariin ang aking mga mata. Umuulan nanaman... Umuulan nanaman. Focus Aliza, hindi ngayon ang tamang oras para dyan. Ngunit, iba ang dinidikta nang aking isipan, pagkat umuulan nanaman.


Ilang araw na ang lumipas, ngunit hangang ngayo'y di ko pa rin malimot ang ulan... ang lalaki sa ulan, ang mga kaganapan noong umuulan, at matapos ang ulan. Umuulan nanaman, at ang tanging naiisip ko ay s'ya. Umuulan nanaman, at binabagabag nanaman ako nang aking nadarama.


Lumakas ang pagbugso nang ulan, kasabay nang pagtibok nang mabilis nang aking pulso, hindi ako mapalagay, dahil sa bawat pagpatak nang ula'y naalaala ko ang memorya nya, ang memorya naming dalawa. At pawang mga memoryang dapat ngayo'y limot ko na.


Bzzt, bzzt.


Aligagang kinuha ang aking cellphone sa ilalim nang unan at dali dali itong binuksan, putanginang Globe lang pala. Akala ko kung ano na, akala ko kung sino na. Ngunit hindi pala, umasa nanaman ako na baka sakaling mapadaanan nang mensahe mula sa kanya, ngunit umuulan nanaman, at kasabay nang malakas na pagbuhos nang ulan... eto nanaman ako't umaasa't nasasaktan.


Tama na Aliza. Pilit kong ipinapasak sa aking isipan na tumigil na sa kahibangang ito, ngunit tila ba, wala pa rin itong maintindihan, wala akong maintindihan, gulong gulo ako. Na para bang gusto ko nang sumuko, ngunit kung iisipin ko pa lamang, paano nga ba ako susuko kung hindi pa nagsisimula ang laban. Paano ko itatas ang banderang puti na nagsasabing ayoko na... kung hindi pa nagsisimula ang lahat.


Umuulan nanaman, at isa isang bumabalik ang mga alaalang syang naging puno't dulo nang lahat, ang malakas na ulan na naging dahilan nang pagbagsak nang mga luhang naguunahan.


"baka naguguluhan ka lang, nabibigla... baka hindi ka pa sigurado sa kung anong nararamdaman mo" Sabi nya sa akin nang mga panahong yun, bumuntong hininga ako't sinabi sayong "Hindi ko alam" Tinignan mo ako noon na mayroong ngiti sa iyong labi. Tumayo sa iyong kinauupuan at hinarap akong muli...


"Magkaibigan pa rin naman tayo, walang magbabago" tumayo na rin ako't isa isang binitbit ang nagkalat na gamit ko. Ginantihan kita nang ngiti, bago sinabi sa iyo "Oo... magkaibigan pa rin tayo, walang magbabago"


Pinanood kitang naglalakad papalayo sa akin, para salubungin ang mga kaibigan mong naghihintay sa labas nang classroom noon, at kitang kita ko rin ang pagbagsak nang mas malakas na ulan... Umuulan nanaman, at nanunumbalik ang mga pangyayari sa akin... Walang magbabago sabi mo, ngunit habang pinapanood kita, na unti unting lumalayo sa akin, alam ko na na mas lalayo ang iyong damdamin. Walang magbabago, ngunit alam ko na sa oras na makalabas ka sa silid na iyo'y magiiba ang takbo nang lahat... Umuulan nanaman, Tama ako... ngunit sa unang beses sa buhay ko'y iyon ang isang Tama, na hindi ako natuwa.


Magkaibigan pa rin naman tayo, walang magbabago... sabi mo... sabi mo... Mas gugustuhin ko na sanang malaman ang totoo kaysa, ikubli mo pa ito sa mga salitang iyon... Walang magbabago? Tangina mo.


Aaminin ko, may mali rin ako, hindi ako magpapaka-santo at ibabalikwas ang kwento, aaminin ko... may mali rin ako... Yun bang tipo na, BOOM, andoon na bigla, walang pasintabi, walang patubali, nagulat nalang ako, ganito na pala ang kinahinatnan nang mga maliliit na bagay na hindi ko inakalang magiging daan sa kung saan ako naroroon ngayon. Naiipit sa gitna nang sigalot nang kung anong bugso nang damdamin ang aking nararamdaman.


Umuulan nanaman... at andito pa rin ako, hindi makagalaw... hindi makausad... Umuulan nanaman, ngunit wala pa rin akong kadala dala... kalian nga ba titila ang ulan? Kailan nga ba, matitigil ang aking katangahan. Tama na, pagod na ko.


Ngunit, wala akong magawa... pagkat umuulan nanaman.




-Aliza Tinsay

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ULANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon