Chapter six

1 0 0
                                    

Chapter six —

"Ayan na! Malapit na lumabas!"niyuyugyog ko ang kanang braso ni gabriel dahil sa excitement ko na makuha niya si icebear palabas ng claw machine.

It was saturday, sabado ngayon at walang pasok pero heto at magkasama kaming dalawa sa 'MOSM'. Mosm short for mall of san martinez. Sinundo niya kasi ako kaninang tanghali sa bahay kaya kasama ko siya.

"Yes! Woohoo nakuha na."napasuntok pa sa hangin at napatalon pa si gabriel ng tuluyan ng makuha ang kinukuha sa loob ng claw machine.

"Yes! For the first time may mauuwi na akong galing sa loob ng claw machine."tuwang tuwa ako ng maibigay na sakin ni gabriel si ice bear.

"So saan tayo?"

"Kahit saan."

"Sa barbecue house tayo?"

"Sige—"

"Del gracia,"isang boses ang dahilan kung bakit kami napatingin ni gabriel sa kaliwa namin.

At doon nakita namin ang isang lalakeng nakasuot ng maong pants at naka polo shirt na may tatak na nike sa kaliwang bahagi ng suot na polo shirt.

Ang lalakeng ito ay si janssen nakatingin ito sa amin habang naka cross arms at may ngisi sa labi.

"Dela Cruz."may ngisi narin ngayon si gabriel.

Naka cross arms na lumapit sa amin ang lalake.

"Ang ayoko sa lahat ay iyong inuungusan ako'."nawala ang ngisi sa labi nito at tumalim ang titig sa lalakeng kaharap.

Mas lalo pang tumindi ang pagkakangisi ni gabriel. "Ano bang pinagsasasabi mo? Paano kita mauungusan? Eh kahit kailan hindi mo naman napantayan ang level ko."

Nakita ko ang pag kuyom ng kamao ni janssen at pag-tagis ng ngipin nito kaya bago pa magkainitan ang dalawa ay hinawakan kona ang kamay ni gabriel.

"Okay boys."tumingin sa akin ang dalawa. "Let's go na, gabriel! Bye bye janssen."ngumiti ako kay janssen at kinawayan ito. Hindi naman nakalagpas sa paningin ko ang mas lalong pag kuyom ng kamao nito at pamumula ng mukha.

Pasimple ko naman kinurot sa tagiliran si gabriel.

"Aray!"daing nito at napalayo pa sakin ng bahagya.

"At anong trip mo at sinabi mo 'yon kay janssen?"i raised my left eyebrow as i ask him.

Ngumisi ito. "Eh kasi feeling niya inaagaw kita sa kanya. Eh kelan kaba naging sa kanya?"

"Thankyou for this day, gab."nakangiti ako rito habang palabas na ng rolls royce niya.

Bitbit ko ang mga ipinamili niya sakin tulad ng limited edition prada bag and dior makeup at syempre si ice bear na nakuha niya sa claw machine.

"The most special and memorable day kamo."pasimpleng sabi nito na di naman nakalagpas sa panrinig ko.

Kinurot ko ito ng bahagya sa tagiliran. "Oo na po. Thankyou for the most special and memorable day."

"Aray ko!"napatalon ito sa kinauupuang driver seat. "Hilig moba talagang mangurot? Sige na bumaba kana nga. Pumipick-up line kana nga nananantsing kapa."

Natawa nalang ako dahil sa pamumula nito. Tinanaw ko muna ito hanggang sa tuluyan ng makalabas sa gate ng mansyon ang pinapaandar nitong sasakyan.

Pag-pasok ko sa mansyon ay mga sigaw at pagmumura ang narinig ko at ito mga sigaw at mura na ito ay mga likha ni —mommy.

"Adeline!"agad na lumapit sa akin si ate alicia ng makitang pumasok ako sa pinto.

"What's happening to mom?"nag-aalala ako dahil bukod sa sumisigaw at nagmumura ito ay para rin itong batang nag tatrantums na nakasalampak sa sahig habang umiiyak.

"I said what is happening to mom?"diko na napigilan ang sarili kona masigawan si ate alicia dahil hindi niya sinagot ang tanong ko.

"S-si dad."nanginginig na saad nito.

Kumunot ang noo ko at nakarandam ng bahagyang kaba sa dibdib.

"W-what happened to dad?"

"I-iniwan na niya tayo."malungkot itong nakatingin sa akin. "Tuluyan na siyang s-sumama sa babae niya."

The last words that she said made my heart and world shattered into pieces.

"Roger! Bakit mo ako iniwan? Magsisisi ka sa ginawa mo. Magsisisi kayo ng kabit mo!"paulit ulit na sigaw ni mommy.

Nakatulala parin ako at diko na namalayang humahagulhol na ako kaya agad akong niyakap ni ate alicia.

"Hush baby, everything will be okay."umiiyak parin ito pero nagagawang akong pakalmahin.

"Where did you get that?"nagtatakang tanong ko kay carmela ng mapansin na may suot itong mamahaling kwintas na sa tantiya ko ay nagkakahalagang 90 thousand pesos.

"Ah this?"hinawakan nito ang suot niyang kwintas. "Gift sakin ng bagong jowabels ni nanay."nakangiti ito.

"Afam?"

"Nah ah, he's not afam but he's way more better than afam bestie."

Napataas ang kaliwang kilay ko sa sinabi nito. Sino naman kaya ang bagong lalake na nabingwit ng nanay nito.

"Kung iniisip mo na ibang lalake ni nanay ang nagbigay sakin nito ay mali ka."

"What do you mean?"

"Yun nagbigay sakin ng limang libong allowance last time, siya rin ang nagbigay nito sakin ngayon."

"Ah, is he single? Mabuti at tanggap niya ang mom mo even may anak na siya."

"Nah. He's not a single, hiwalay siya sa asawa. Kakahiwalay lang."nakangiti ito na medyo may ngisi.

"Who is he?"kunot noo ako dahil sa sinabi nito.

Lumawak ang pagkakangisi nito.

"Makikilala mo rin, soon. Pero baka nga kilala mona eh."

The One That Made Me Cry A LotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon