PROLOGUE

686 56 13
                                    

He was wearing his white t-shirt with the coffee shop's logo, black slacks, and the beige apron that tied around his waist

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

He was wearing his white t-shirt with the coffee shop's logo, black slacks, and the beige apron that tied around his waist. That was the first I meet him.

Kakatapos lang ng orientation sa school nang mapadaan kami sa harapan ng bagong bukas na coffee shop malapit sa campus namin.

The shop's uniform suits him well. Hindi nakakapagtaka na madaming estudyante ang pumupunta dito at siya mismo ang sadya imbes ang kape.

"Iced macchiato for... Rocco,"

My nose crinkled when he finally said my name. Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa unahan. Ilang beses na akong bumabalik dito pero hindi ko pa rin siya nakikitang ngumiti. Kahit na kaharap niya na mismo ang costumer at binabati, hindi pa rin ngumingiti.

Bagsak ang balikat ko nang lumabas ako sa shop. Nauubos na ang pera ko kaka-kape ah. Hindi naman ako ganon ka-adik sa kape para magbalik-balik dito. Muli kong nilingon ang lalaki sa counter bago ngumiwi.

"Hello, Pres!"

Nagulat ako nang may bumati sa'kin. Kaagad akong ngumiti sa dalawang estudyante na papasok sa shop.

"Good afternoon, Pres!" kaway no'ng isa.

"Hello..." bati ko pabalik. "Magkakape rin kayo?"

"Naku hindi, Pres! Mags-sightseeing lang."

"Sightseeing?!" Natatawang sabi no'ng isa. "Crush kasi namin 'yong sa counter, Pres. Pero magkakape rin kami! Masarap ang kape nila dito, 'no?"

"Oo nga..."

Nagpaalam na agad ako sa kanilang dalawa at umalis don para bumalik sa school. Papasok ako sa loob ng gate nang may bumabati sa'kin. Ang iba ay mga kaklase ko at kilala ko.

Inilapag ko ang hawak kong cup sa mesa ko bago naupo sa upuan. Lumapit kaagad sa'kin sila Salvino at Liam.

"Dami ng kumuha ng kurso na engineering ngayon ah. May iba pa na ginawang no choice ang course." si Liam.

"Kape na naman?" kinuha ni Salvino ang cup na nilapag ko sa mesa at uminom don. "Ito ba 'yong nasa harapan natin na coffee shop? Nakita ko na madaming estudyante ang pumupunta ron."

Kinuha ni Liam ang hawak niya at uminom din doon. I can't help but to look at them with disgust. Nang ibalik ni Liam ang cup malapit sa'kin, tinaasan ko siya ng kilay.

"Normal lang na iced macchiato." he commented.

"Bukam-bibig ni Erin ang shop kanina. Kasama niya raw si Nova papunta don." Ngumisi si Salvino. "May pogi raw kaya sila pabalik-balik don."

Ngumisi na rin si Liam at bumaling sa'kin. "Kaya naman pala..."

I shook my head and crossed my arms in front of my chest.

"Kaka-break niyo palang ni Angela ah. Tangina nito. Akala ko ba wala kang time kasi engineering student ka? Mahirap ba talaga, Rocco?"

"What the fuck are you talking about, you fools!" inambahan ko ng sipa silang dalawa.

A HEART LEFT IN RUINSWhere stories live. Discover now