"Let's go bar hopping tonight, boys!" pumasok sa loob sila Erin at Nova na iyon ang sinisigaw.
"Mag-iinom tayo?!" tumayo si Liam, malaki ang ngiti sa labi at nakisali na rin sa kanila.
Lugmok kaming dalawa ni Salvino sa upuan namin. Kahit na anong saya ang gawin nila sa harapan namin, hindi namin kayang makipag-sabayan.
"Madami pa akong plates na tatapusin!" sabi ni Salvino.
Mariin akong pumikit at minasahe ang sentido ko. Ganoon rin ako. Ilang araw na akong walang tulog kakagawa lang ng plates. Sinamaan ko ng tingin si Liam nang maging siya ay nakisali sa kasiyahan nila Erin at Nova.
Alam kong pare-pareho lang kaming tambak dito sa gawain. Ang lakas naman ng loob nito na makipag-sabayan sa mga girls.
"Tapos na ba kayo sa inyo? May oras pa talaga kayo mag-inom?"
Humagikhik si Nova. "May gumagawa kasi para sa'kin."
Umawang ang labi ni Liam bago ngumiwi. "Oh... Proud pa siya oh."
Mabilis siyang hinampas ni Nova sa braso. Ibinaba ko ang hawak kong technical pen at tumayo sa pagkakaupo para lumapit sa mahabang sofa na nandito sa office.
"Ikaw, Rocco? Sasama ka?" tanong sa'kin ni Salvino. "Kung sasama ka, pupunta na rin ako. Gusto ko rin mag-relax ngayon e."
"Nandoon naman ako, Vin. Kahit hindi sumama si Rocco, nandoon naman ako." singit ni Liam. Tinapik-tapik pa niya ang kaniyang dibdib.
"I'm not sure. May dinner kasi ako with family ngayon." nahiga ako sa sofa at ipinikit ang mga mata. "Makakapunta ako pero hindi ko na ata kayo masasamahan sa pagba-bar hopping."
Erin whistled. "Family dinner. Well... Call us if you're coming. Itetext ko ang name ng bar."
Pinag-usapan nila kung saan sila pupunta at magkikita-kita. Humiga ako sa sofa, kahit na gusto kong matulog--kailangan ko lang ipahinga ang mga mata ko. May kailangan pa akong tapusin at ipapasa.
Pinapakinggan ko lang sila hanggang sa tumunog ang alarm ng phone ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at bumalik sa ginagawa ko.
Humihikab ako habang papalabas ng elevator. Natigilan ako nang makita si Marliah, ang PSME President, sa labas. Nagulat siya nang makita ako. Ngumiti ako sa kaniya.
"Nandiyan si Engr. Liones?" tanong ko sa kaniya.
"Oo, nandiyan. Magpapasa ka?" bumaba ang tingin niya sa hawak ko.
Tumango ako sa kaniya. Itinaas ko ang dala ko at ngumisi. Natawa siya bago niya itinuro ang pinakadulong room. Hindi rin naman nagtagal ay nagpaalam agad siya sa'kin.
Ipinasa ko lang naman 'yon sa instructor ko bago ako bumaba ng building. Nagmamadali na akong bumalik sa office para kunin ang mga naiwan kong gamit at makaalis na.