CHAPTER 3

3 0 0
                                    

CHAPTER 3

WALA ako sa mood makinig kay Ma'am Mendoza ngayon dahil inaantok pa ako. Medyo may konting hangover pa ako ehh. Tungkol sa entrepreneurship ang tinuturo ni Ma'am. Buti walang graded recitation ngayon. Kung meron man ngayon ang malas ko.

Napatingin ako sa relong pambisig at may 10 minutes pang natitira. Gusto ko na umuwi. Halos tatlong oras kaming nagklase kay Ma'am. Iba kasi ang schedule naming dito sa SUS, hindi katulad sa ibang school ay every 1-hour ang kanilang klase. Kung sabagay depende naman sa units mo kung ilan.

Pasimple akong tumalikod upang isilid ang aking mga gamit sa bag. Agad nakuha ng aking pansin ang isang pogi naming lalaki na bago lang dito at si Jace iyon.

Paano nga ba ako magpapansin kay crush para mapansin niya din ako. Jowain na kaya kita. Huii char lang.

Nasa tabing bintana siya nakaupo at ako naman ay nasa gitna. Center na center ako. Sumulyap ako ng konti at talagang napopogian ako sa kanya.

Mukhang may lahi si kuya. I think fil-am siya.

Napatingin siya bigla sa akin at ngumiti.

My heart! Kalma Katrina, ngiti palang iyon. Ningitian ko din siya sabay harap kay Ma'am Mendoza. Baka mahalataan ako ni Ma'am Mendoza.

Nakangiti ako na may halong kilig. Sabi nila masungit daw siya eh mukhang friendly naman siya ah. Sina Eva talaga mali-mali ang information ang nakakalap.

After 10 minutes natapos na ang aming klase. Kinuha ko agad phone ko at nag-chat ako sa GC naming magkakaibigan.

CHIKADORA GROUP

KAT: @everyone vacant niyo ba today? (message sent)

Tagal mag sibabaan ang mga ulo ah. Sandali nga.

KAT: @everyone. May chika ako.

Sinend ko agad ang message na iyon so ayun, ang bilis mag seen. Una-una agad si Thalia, syempre. Number 1 marites sa aming grupo.

THALIA: Spill the tea, sis (laugh emoji)

ADEL: anong chika? @Kat?

ISAY: Huii. Ano yun. Nabibitin ako @Kat

EVA: ang tagal ah.

THALIA: @Kat anong chika mo?

Natatawa ako dahil pag dating sa chikahan ang bibilis nila magsi-seen.

KAT: HAHAHA. Kita tayo mamaya sa COFFEE SHOTS. 3pm.

Binaba ko na phone ko at inilagay ko na sa bag ko. Agad akong dumeretso sa library dahil may quiz daw kami mamaya sa Algebra. Akala niyo walang math sa BSBA, meron din kaya.

Nasa library na ako. Inilagay ko muna gamit ko sa locker at dumeretso na ako sa Mathematic Section. Hinahanap ko ang book na kapareha kay Sir Noel. Actually, mahirap ang math at hate ko talaga siya. Pero wala ka magagawa kasama sa buhay iyan. Pero inaamin ko naman na ang galing ko dati sa math pero bakit ngayon ang bonaks ko na.

Hinanap ko sa bandang baba ang book na iyon. Bat' ba kasi ang hirap hanapin ng book na iyon. Chineck ko naman sa itaas at napansin ko na parang iyon na angg book na ginagamit ni Sir. Nasa itaas pa ang book at hindi ko abot. Pilit kong iniaabot ang librong about sa financial kaso hindi ko talaga siya makuha. Gumawa ako ng paraan at umakyat ako sa bookshelves upang makuha ang book.

Nakuha ko na siya ngunit napabitaw ako bigla sa book shelf. Buti nalang may suumalo sa akin, kun hindi ako,y nabagsakan na ng libro. Napadulas baga naman kamay ko sa hinawakan ko.

Evermore Series: A Promise of Forever (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon