CHAPTER 5
NAGISING ako sa tugtug na iyon. Inimulat ko mata ko na nakita ko si Eva na seryosong nagrereview.
"Gising ka na pala. Nagising ka bas a tugtug ko? Sorry sis, malakas yata ang music ko." Pinatay ni Eva ang music.
"Hindi naman. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Kumain ka ba?" sabay uminat ako. Napasarap yata tulog ko.
"Hindi pa eh. Hinintay kita magising eh. Mukhang masarap pati tulog mo."
"Ganun ba? Sige kain tayo sa labas. Maligo lang ako." Bumangon na ako dumeretso na ako ng banyo.
Nakatapos din ako ng ligo at blinower ko buhok para mabilis matuyo. Naiirita kasi ako pag basa buhok ko. Nakapambahay na din ako. Nagpambahay nalang din si Eva dahil malapit lang naman ang night market.
Nagpaalam kami kay Manang Coring na kumain kami sa labas. Nagsabi kami kay Manang na hindi kami makakapagluto ng pagkain dahil hindi kami pa kami nakakapamili ni Eva sa grocecy. Bibihira lang kami kumain ditto sa BH dahil iyong ibang mga nagboboarding house dito ay nang aagaw ng pagkain at naasa nalang na sila na paglulutuan sila ng pagkain.
Naaalala ko noong unang tira namin ni Eva. Medyo mabait pa kami noon. Lahat ng mga stock na pagkain naming ni Eva nahingi sila syempre kami naman ay todo bigay. Nung nagtagal halos hindi sila nag-aambag na magbigay ng pagkain. Anong akala nila sa amin mayaman? Kaya buhat noon hindi na kami nagstock ng pagkain ditto dahil sino-sino nalang nakuha ng pagkain ng hindi nagpapaalam.
Nasa night market na kaming dalawa at naghanap kami ng masasarap na kakainin.
"Eva, tara kaian barbeque."
"Sure. Ano isaw tayo at dugo?"
"Tara."
Masaya kaming dumeretso sa mga nagtitinda ng bbq. Ang daming klaseng mga bbq talagang mabubusog ka.
"Ate isaw nga po lima at limang dugo sa akin." Sabi ko sa tindera.
"Sa akin po ate ay ganun din. Ate wag masyadong sunog."
"Noted po."
Mga ilang minute kami naghintay ay luto na ang order naming. Bumili na din kami ng nuggets para may pampapak kami mamaya pag nagutom ulit kami. Lalo na itong kasama ko mahilig din kumain. After naming kumain sa night market ay pumunta naman kami sa Seven-Eleven para bumili ng kape. Saka na din ramen. Bumili na kami ng tinapay para may pang-almusal kami ni Eva.
Pagkatapos naming mamili sa Seven-Eleven, naglakad kami pauwi. Habang naglalakad kami pauwi ay may bitbit kami ng ice cream na binili namin sa Seve-Eleven.
"Sis, alam mo ba nainis ako kanina sa kaklase."
"Bakit naman?"
"Ehhh si Jace kasi nakakainis mapang- asar"
"Ano bang ginawa sa iyo ni Jace kanina?"
"Wala naman, diba alam mo naman na ako lagi ang highest sa klase namin. Hindi ko akalain na nataasan ako ng score kanina. Tapos ang yabang pa, nakakairita."
"HAHAHAHA para doon lang. hay naku sis. Hayaan mo na siya."
"Anong hayaan mo na siya. Hindi ako natutuwa na pagyabangan niya ako kanina. Aba ang sabi pa nga kanina na, Paano iyan, ako na magiging top 1 dito sa klase natin, ikaw pala magiging kaaway ko."
"Ang yabang naman niya. Tsss" pag agree sa akin ni Eva.
"Ohhh diba sabi ko na sa iyo eh. Hindi ko na siya crush. Hmmp" pagmamaktol ko sabay kain ng ice cream.
BINABASA MO ANG
Evermore Series: A Promise of Forever (ON-GOING)
RomantikHer name is Katrina Hernandez, a future CEO. She is well-known on campus for her beauty and intelligence. She wants to build a company soon after she graduates. She met a guy, her ideal man. She didn't expect that they would become a couple. They fi...