words printed at the back pages
log 04 : 04ㅤㅤ[01 · 16 · 21]
noon napsaturday should be a rest day for a student like me. but, saturday is not a rest day for a sister like me.
hindi ko alam ang sasabihin ko. lahat na yata ng bagay na nangyayari sa buhay ko, paulit-ulit lang. kung sino ang makakabasa ng mga logs na 'to, mapapairap na lang sila kung iisa-isahin nilang basahin ang mga nakasulat dito.
pero, wala. i will still write all of these down. hindi naman ako gumagawa ng kwentong makakapagpaaliw sa kanila.
gumagawa naman ako ng mga bagay na makakapagpasaya sa pamilya ko. hanggang ngayon, oo.
naiinis ako! SOBRA! gusto kong magtampo! gusto kong umalis sa bahay at maglakwatsa kasama ng mga kaibigan ko para naman hanapin nila ako o 'di kaya mag-alala sila kahit kaunti.
para man lang kahit alam kong 'yung mga kasunod ng ilang missed call sa cellphone kong 'to ay mga bulyaw at pambubugbog dahil ginabi na naman akong umuwi, hindi nakapagsaing bago dumating ang mga natatrabaho mapakain lang ako, iniwan ang mga kapatid at pamangking nakakabata nang walang nagbabantay sa bahay kahit na ilang taon na at may sarili nang pag-iisip, magbabaka sakali pa rin ako.
kasi pamilya ko sila, hindi ba? pamilya ko 'to!
hindi naman ako ang pinakamatanda sa aming magkakapatid pero parang lahat pasan ko? hindi rin naman sila binubugbog ng ganito. bakit ako lang?
hindi naman sila binulyawan matapos gumala kahit isang oras lang! minsan ay isang linggo pang walang uwian sa bahay pero pagbalik ay parang walang nangyari. bakit ako lang ang may pasa at sugat sa tuwing makikipagsaya sa mga kaibigan?
wala silang lahat sa bahay ngayon. may mga lakad sila. actually, dapat kami.
dapat bang ako palagi ang nagsasakripisyo ng oras sa aming lahat?
may lakad rin ako! pinayagan naman ako ni tatay pero biglang no'ng si kuya na 'yung nagpaalam nabaling sa akin ang pagbabantay.
kahit man lang paminsan-minsan, gusto ko rin namang gumala kasama ang mga kaibigan ko!
gusto ko ring magpunta sa iba't ibang lugar kasama sila! gusto kong mag-ipon ng mga alaala kasama 'yung mga taong nagiging sandalan ko tuwinh nariyan 'yung pamilya ko para ibaba pa lalo ang pagkatao ko.
gusto ko ring manood kasama ng mga kaibigan ko online. kahit sila lang. dahil sila ang naging panakip-butas ko tuwing hindi ko makita ng personal ang malapit kong mga kaibigan.
ang hirap! wala namang nakapagsabi sa akin na ganito karami ang responsibilidad ko sa pamilya na 'to. halos hindi na ako makaalis!
halos nakakulong na lang ako sa apat na pader ng bahay na 'to! hindi ko na kaya! lahat yata bawal.
oo, alam ko naman! hindi ko makakalimutan!
isang kupkop. isang ampon. hindi kadugo.
dapat marunong rumespeto sa pamilyang nagpapakain at nagpapaaral sa 'yo. pero kailangan bang ganito ang kapalit? hindi ko alam!
ganito ba dapat ang pamilya? ganito ba talaga ang takbo ng proseso sa isang pamilya? o baka sa akin lang...
kailan ulit?
kailan ulit ako makakatulog sa tanghali nang walang inaalalang ibang tao?
kailan ulit ako makakapagpahinga sa gabi nang walang kirot sa iba't ibang parte ng katawan dahil sa mga suntok ng tatay kong hindi ko mailagan?
kailan ulit ako makagigising sa umaga na maaliwalas ang pakiramdam at hindi mabigat ang mga likod sa pagbangon?
kailan ulit?
dahil gagawin ko lahat para mapabilis ang oras, makapunta lang sa sandaling iyon ng buhay ko.
maki ‧₊˚🎐
BINABASA MO ANG
warm breeze of autumn leaves
القصة القصيرةAng Ikatlong Paglalayag · 09:00 - 11:00 When Blair lost her phone, half of her also got set in a great danger as it is a tool of a persona that people doesn't know existed. How far can she hold into the situation if the temper she got is a boiling...