☪️CHAPTER 6☪️

1 2 0
                                    


Months passed without me realizing that I was about to enter the Academy. It felt like just yesterday when I discovered my power, and as Arwen said, I might get into trouble if I use my power. I followed her orders, and since the day I informed them about my power, I never used it again.

At 6 am, I was already dressed in my outfit for the Academy. I wore a short-sleeve polo shirt paired with trousers, as I didn't want to expose too much skin. I also prepared my luggage containing the clothes I would wear inside the academy.

"Dad ako na ang magmamaneho" siya kasi ang maghahatid sa akin dahil gusto niya akong ihatid hanggang sa makasakay ako ng barko, na para lang sa limang student na nakapasok sa Academy na nanggaling lang sa lysandra

"Aanya, alam ko naman na 18 ka na, pero ayaan mong ako ang magmaneho para di ka na mapagod"

"Ok pero sa susunod pa, ako naman ang magmaneho, nakakuha na ako ng license eh, ano naman gagawin ko don?"

"Ok fine, sa susunod na pagbalik mo, ikaw na bahalang magmaneho" ngumiti ako ng malapad sa sobrang saya dahil sa sinabi ng papa ko

Lumabas na kami ng bahay at nakasunod naman ang mga Katulong namin. Unang pumasok sa kotse si papa habang ako ay nagpapalam sa mga kasamabahay namin

"Goodbye Ma'am Aanya mamimiss po namin kayo"

"Mamimiss ko kayo lahat, bye manang, tiisan niyo na lang po yung Tatlo ha ha ha" maghahariharian niyan sila dahil wala na yung mahilig na pumatol sa kanila, sigurado akong nagbubunyagi na ang mga yun dahil wala ako sa bahay

Pumasok na ako sa kotse at umandar na ito, tahimik lang akong nakamasid sa bintana. Ano kaya ang magiging buhay ko sa loob ng Academy?

Katulad lang din kaya dito, maayos at di magulo?

Kaunti lang ang nalalaman ko sa Academy dahil di naman talaga ako interasado, nanunuod lang ako ng tiktok or kahit ano pero mas hilig ko ang pagbabasa ng mga Novel at pagpipinta. Ni balita nga di ako nanunuod, para akong walang pake kung ano ang nangyayari sa mundo, lalabas lang sa bahay pag magyaya ang mga kaibigan ko, basta kung ano ang mga ginagawa ko sa buhay yun na yun

Napansin kung malapit na kami kaya inalis ko lahat ang nasa isip ko

Ipinarada ni Papa ang sasakyan at tinulungan niya akong buhatin ang bagahe ko kahit kaya ko naman. Di kalayuan natanaw ko na si Arwen

"Arwen!" Tawag ko rito, humarap ito at tumakbong yumakap sa akin

"OMG akala ko di kana makakrating buti pang di ka pa late, ikaw na lang din ang hinihintay at yung isa na may binili lang, papunta na rin siguro yun"

"Hello po tito"

"Hello there Arwen, no time no see" pareho silang nagbeso

"Where is your Father?"

"Pinaalis ko na po kasi, kesa naman na hintahin pa po niya akong umalis, baka umiyak lang po yun kasi mamimiss niya ang magandang anak niya"

"Ikaw talaga, paki bantay tong si Aanya, wag mong aayahan na may manligaw sa kanya" napatingin ako sa kanya at nagulat

"Dad naman, hindi na ako bata, besides nag ka jowa na ako noon"

"Buti hindi kayo nagtagal"

"Hahaha opo tito makakaasa po kayong babantahin ko po ng maigi si Aanya" tinignan ko si Arwen at di ako nakapaniwalang sinabi niya yun dahil alam kung maghahanap ito ng Boyfriend nito sa loob ng academy at ihahanap niya rin ako. Kasi naman shes the reason kung bakit nag karoon kami ng relasyon ni Stephen, pa ship ship pang nalalaman

Naniniwala kasi siya na magiging memorable lang daw ang High school Life mo pag may Jowa ka, eto akong uto uto, nakinig sa kanya. Pero ok lang ang kinalabasan ng relasyon namin noon.

Ark Academy: The Prophecy Where stories live. Discover now