Papunta na kami ni Arwen sa building ng mga first year. Marami kaming nadadaanang mga ibat ibang Year level na kino-congrats kaming mga First year.
Hinahanap na namin ngayon ni Arwen ang mga Pangalan namin sa bawat room
"Bakit hindi na lang kasi sinabi king ano ang mga section natin" reklamo ko
"We dont have choice" Arwen sighed, humarap ito sa akin at nginitian ako
"Oh eto ang pangalan mo" dali daling pagpapalapit nito sa akin para tignan ang pangalan ko
"OMG besh magkaklase tayo" tumalon talon ito at tinignan ko naman ang pangalan niya, magkaklase nga kami. Mas maganda na yon
"Section E! rangking ba to?" lima lang ang section at panghuli ang E
"Hindi no, magkakaroon lang ng rangking sa mga section pag Fourth Year kana, kaya ok lang kung nasa E tayo" naglalagay ito ng powder sa mukha at ako naman ay gusto ng pumasok
"Tara na, pumasok na tayo" pagmamadali ko sa kanya,mabilis niyang inilagay sa bag ang Powder niya at isinakbay niya ang kamay niya sa akin
The classroom is an amphitheater style with tiered seating. It features a large wooden wall at the front with a green chalkboard and a podium. The rows of chairs with attached desks are arranged in a semi-circular fashion, ensuring that all students have a clear view of the board. There are large windows on one side, allowing plenty of natural light to enter the room. The floor appears to be carpeted, adding to the comfort of the space.
Pumasok ang isang lalakeng naka ngiti na walang dala kahit anong gamit. Napaayos ang upo ko nung nilibot niya ang tingin niya sa buong Classroom.
"I'm Valen Galadira your Professor in History Class" pabalik balik itong naglakad habang nakatingin pa rin sa amin. Ako yung nahihilo sa ginagawa niya. Yung boses niya ay katulad sa kaibigan kung President.
"I have only one rules" sabay ng pagturo niya sa Index Finger niya sa amin
"Respect me when im discussing!" Tumigil ito sa desk niya at umupo
"Ang history nung High school ay naka paloob lang doon kung ano ang nangyari matapos ang Dark Age hanggang sa kasalukuyang panahon. Ngayong pag aaralin natin ang mga pangyayari sa panahon bago ang Dark Age" Paninimula nito
"Kaya mag recall tayo sa mga napag aralan na ninyo noon"
"Sino ang makakasagot kung sino ang limang nagpatayo sa Akademyang ito?" nagtaas ng kamay si Arwen
"Ok you, whats your name miss?"
"My name is Arwen Darzi" masiglang pagpapakilala ni Arwen
"Ang limang tao na nagpagawa sa Akademyang ito ay sina Late King Troy Garando Ignis, dating hari ng Fire Continent. Late King Philip De Li Aeris, dating hari ng Air continent. Late Queen Snow Svilla Terra ang dating Reyna ng Ice Continent. Late King Morov Galancio Terra ang dating hari ng Land Continent at ang panghuli si Late King Azkiel De Aqua ang dating hari ng Water Continent" confident na sagot nito at umupo na
"1 point to Ms. Darzi" he pointed Arwen
"After 10 years ng natapos ang Dark Age ng ilang daan na ang nakakalipas, ang limang iyon pagkatapos nilang magtulongan para pabagsakin ang Hari ng Dark Continent. Naisipan nilang magpatayo ng Akademya, na kung saan lahat ng mga may mga kapangyarihan ay maaring mag aral. Naisipan din nilang magtayo ng mga Elementary, High school at University, after 10 years ng natapos ang pagpapatayo ng Akademya" naka upo lang talaga itong nagdidiscuss habang ang dalawaang kamay niya ay magkahawak na naka patong sa mesa
"Ngayong magfufucos na tayo sa Main Topic which is The Dark Age" tumayo na ito at lumalakad na papunta sa row 1
"Ang panahong ito ay panahon kung saan hindi pa nagkakasundo ang bawat Kontinente" marami pa itong sinabi patungkol sa Dark Ages. Doon ko lang narealize napakalakas ng Dark Continent dahil pinagtulungan sila ng anim na kontinente.
YOU ARE READING
Ark Academy: The Prophecy
FantasyLysandra is part of the islands of the Water continent. Aanya, a simple girl, grew up here and belongs to a non-magical family in the world of Arkadia. However, one day her stepmother insulted Aanya's late mother, and her stepsisters callously destr...
