Saan? - Maki

18 0 0
                                    

Saan? by Maki

Wala naman akong nais banggitin
'Di pag uusapan lahat na nangyayari sa atin
Pagkatapos akong lamunin at suyuin ng panahon
Pati sa panaginip 'din manlang huminahonSadyang gusto ko lang naman tanungin
Ang 'yong mata na madalas nagsisinungaling
Ang galing, parang kahapon lang mahal mo ako
Hindi inaasahang ganito ka magbabagoPero kahit ganto
Naiisip mo man lang ba ako?
Kase kahit saan magpunta
Hinahanap ko ang 'yong mukha
At baka biglang magkita pa tayoSa Kyusi, Sa UP, sa Kalsada ng BGC
Pagkalipas ng ilang taon
Makikita mong walang tinapon
Di ko binaon bagkos, tinanim
Sa aking puso at isip
Nung gabing iniwan mo ako
Habang buhay nakong maghihintay sa'yonBumalik
Bumalik, sa akinAng dami pa nating nais puntahan
Mga plano natin na sumusuntok sa buwan
Ngayon siya na ang kasama mo kung saan saan
Saang banda nagkamali para iyong iwanan?Sa tuwing ako'y masaya
Naiisip parin kita
At kahit saan ako magpunta
Hinahanap ko ang 'yong mukha
At baka biglang magkita pa tayoSa Kyusi, Sa UP, sa Kalsada ng BGC
Pagkalipas ng ilang taon
Makikita mong walang tinapon
Di ko binaon bagkos, tinanim
Sa aking puso at isip
Nung gabing iniwan mo ako
Habang buhay nakong maghihintay sa'yongBumalik
Bumalik, sa akinSa museo ng Antipolo
Sa MOA o sa Maginhawa
Nais kang makasamaSaan ka?

Song Lyrics CollectionWhere stories live. Discover now