008: The Accident

3 1 0
                                    

"ANONG malas doon? Kung tutuusin nga napakaswerte mo," ani Claire bago sumimsim sa mango shake na hawak niya.

Maraming estudyante ang nandirito ngayon sa cafeteria para maglunch. Hindi na magkandaugaga ang mga waiter sa pagseserve sa dami ng estudyante. Puro ingay ng mga naguusap at tunog ng mga kubyertos ang maririnig sa paligid.

Pinipilit kong lunukin ang kaning isinubo ko habang itinuturo ang hawak kong kutsara sa kaharap. "Sinasabi ko sa'yo, puro kalintikan ang aabutin ko sa dalawang 'yon!" Tukoy ko sa dalawang seatmate ko. "Pinaggitnaan ba naman ako ng dalawang nag uumpugang pader?!" Nailapag ko ang hawak na kutsara tsaka napahalukipkip. Ang balak ko dito ay mag aral nang mabuti para kay Sam, hindi ang maging referee ng dalawang 'yon.

Bigla ko tuloy naalala kung gaano ako minalas na maglakad magdamag sa kahabaan ng kalsada kagabi, lahat ng 'yon ay dahil lang sa away ng dalawa. Hanggang ngayon nga ay nangangalay pa rin ang mga binti ko.

"Sige, palit na lang tayo, ikaw na ang mag accountant at ako na ang mag architect," suhestiyon niya na parang napakagandang ideya non. "Nakakaurat kayang mag aral pag walang poging inspirasyon." Nakanguso niyang sabi habang subo subo ang straw ng iniinom.

"Siya nga pala..." Inilapag niya ang iniinom at saglit na may kinuha sa bulsa ng bag. "Ohh." Napatigil ako sa pagkain nang may iabot na necklace sa'kin si Claire. Nagtataka ko namang inabot 'yon. "Ano 'to?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Anong, ano 'yan? Necklace mo 'yan diba?" Nalunok ko nang buo ang isinubo ko dahil sa kaba, heto na naman tayo sa buhay ni Sam na wala naman akong kaalam alam.

"O-oo nga... a-ang ibig kong sabihin, b-bakit nasayo? hehe," nakangiwi kong pagdadahilan. Umiwas ako ng tingin para hindi niya mahalatang kinakabahan ako.

"Nakita ko 'yan pakalat kalat, baka kako nawala mo lang at hindi mahanap. Nagtataka ngako sayo na inaabot ka ng ilang araw na hindi mo suot suot 'yan, hindi gaya noon na hindi ka mapakali kapag hindi mo 'yan nasusuot."

Napatingin ako sa kuwintas na ibinigay niya. Purong ginto ang kadena nito at hugis puso ang pendant na may lock. Bago pa ako magsalita ay umugong na ang malalakas na bulungan at impit na tili ng mga babae. Maging si Claire ay nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa pinto. Nakatalikod ako rito kaya hindi ko nakikita kung sinuman ang mga pumapasok.

Sinundan ko ng tingin ang lalaking dumaan sa gilid ko na siyang pinagkakaguluhan ng halos lahat na naririto. Nakatalikod ito ngayon sa akin ngunit kilala ko na agad siya. Si Ken.

"Lilipat na talaga ako ng Architecture," ani Claire na pinipigilang mapatili sa kilig. Sininghalan ko lang siya sa kalandian niya.

Muli akong napatingin kay Ken nang dumaan ulit siya sa gilid ko. Maraming bumabati sa kaniya pero poker face lang siya at walang pakielam, snobber. Ang mga lalaki naman ay tinititigan lang siya ng masama at sinisinghalan.

Nakita ko pa kung paano pumikit si Claire nang dumaan ito sa gilid niya at langhapin ang amoy nito. "Pogi na, mabango pa," todo ngiting saad niya habang akap akap pa ang sarili. Napailing iling na lang ako sa kaniya at tumuloy na sa pagkain. Ngunit napatigil din agad ako sa pagsubo nang makita ko ang circle of friends nina Trixie na hinarangan si Ken. Nakaramdam ako ng pagkailang nang mismo silang huminto sa gilid ko. Tumahimik ang lahat at inaabangan ang pag uusap ng dalawa.

"Hi, you're Ken right? I'm Trixie." Narinig kong sinabi 'yon ni Trixie. Pinipilit kong huwag lumingon sa kanila at ipahalatang hindi ako nakikinig sa usapan nila. Tumingin ako kay Claire na mukhang ganun din ang ginagawa, nagpapaka busy siya sa pagsimot at pagsipsip sa inumin niyang kanina pa naman ubos.

Ilang segundo na ang lumipas at hindi pa rin tumutugon si Ken. Kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko ang kanina pang kamay ni Trixie na nakalahad sa lalaki. Narinig ko ang ilang bungisngisan ng iba sa pagkapahiya ng babae.

Hearken BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon