One thousand lang ang allowance ko ngayong week at lunes pa lamang ngayon. Unang araw pero pakiramdam ko ay mauubos ko agad kalahati ng allowance ko ngayong araw. Bukod kasi sa kailangan ko na bumili ng lunch sa mga tindahan malapit dito sa university ay wala na rin akong baon kapag recess. Kaya kahit na gutom na gutom ay wala akong choice kung hindi ang pumikit sa tuwing makakakita ako ng masasarap na pagkain.
Kailangan kong magtipid.
“Grabe nakakagutom, imagine 2 pm na tayo pinaglunch dahil lang sa announcement nila?” nababagot na reklamo ni Plum.
"What if try natin maglunch doon sa restaurant nina Aling Teressa?" tanong ko sa mga kaibigan ko dahilan para sabay na lumingon sa akin si Cashew at Plum.
"Huh? Hindi ba't ayaw mo doon kasi hindi tayo sanay pati sinakitan ka ng tiyan diyan dati 'di ba?" tanong ni Plum.
"Try lang natin ulit, wala namang mawawala 'di ba?" Hinila ko sila papunta sa karenderya ni Aling Teressa upang hindi na sila mag-aya pa sa mga malapit na fast food chain.
Pagkapunta namin doon ay nakita namin ang ilang mga kaklase naming kumakain din at ang iba naman ay tila nagbubulungan.
"Hindi ba't iyan 'yong sinakitan ng tiyan dati? Bakit andito na naman 'yan?"
"Akala ko ba ay mayayaman 'yang mga 'yan? Tignan mo at tila nagsawa na kaka-fast food."
"Ang ganda talaga ni Plum."
"Mas maganda si Cashew."
"Ang ganda nilang tatlo pero mas maganda 'yong magpinsan."
"Si Cosette lang naman ang pangit," rinig kong sabi ng isang lalaki sa 'di kalayuan.
Tila nagpantig ang tainga ko sa sinabi niyang iyon. Sabihan ba naman akong pangit! Sobrang init pa naman ngayong tanghali, gusto ata nito makatikim ng nagbabagang kamao ko eh. Biruin na nila lahat, ‘wag lang ako lalo na kapag gutom.
Sinubukan kong tignan kung sino ang nagsalita no'n dahil tila hindi ito aware na nandito ako ngayon. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang nagsalita no’n dahil itinuro ito ng isang pamilyar na lalaki. Tiningnan ko ang itinuturo niya, likod pa lang ng taong iyon, alam ko na agad kung sino ito.
"Anong sabi mo Dawn?" tanong ko rito kaya natigilan ito sa pagkain.
Dahan-dahan itong lumingon sa 'kin, tila nagulat pa ito nang makita ako. "Luh, ba't ka nandito?"
"Bakit bawal? Iyo ba ‘to? Ha?" pagtataray ko dahilan para humarap siya sa akin.
“Hindi pero pagmamay-ari ito ng kapamilya namin.” Oh edi kanila na, hindi ko naman inaangkin. Sinundan ko na lamang sina Cashew at Plum na namimili kung alin ang bibilhin nilang ulam.
"Magkano po ito?" tanong ko sa tindera sabay turo sa baboy na sinabawan ng toyo.
"Is that—What do you call that again?" tanong ni Cashew.
"Adobo," sagot ni Plum.
"Lahat ng ulam diyan sa unahan ay singkwenta, ang kanin ay bente," sagot ng tindera na wari ko ay si Aling Teressa.
Nagtingin pa ako at kahit hindi pamilyar sa mga pagkaing nakahanda ay natitiyak ko namang edible ang lahat ng ito.
"Parang gusto ko nito," sabi ko tsaka tinuro ang isang ulam na sinabawan ng green peas at konting patatas.
"Menudo?" sabi ni Plum.
"Yup, tanda ko ganiyan ang panghanda kapag may birthday." Alam ko ang mga ito sapagkat ganitong pagkain ang kinakain namin sa farm tuwing may selebrasyon o piyesta.
YOU ARE READING
Petals of Passion
Teen FictionLast year was a total disaster that crashed her heart, she likes him but it turns out she wasn't his type. When Cosette Soleil Geneva discovers that their farm has suffered a financial loss due to the typhoon, she didn't hesitate to join the offer s...