Chapter 5

9 1 0
                                    

"I'm very curious na kung sinong napili nilang candidate. Like, sana me nalang," Cashew sighed.

Napaka-conyo talaga nitong babaeng ito. Palibhasa kasi ay lumaki sa ibang bansa kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay mag-full tagalog sa loob ng isang oras. Mabuti nga at madalas niyang kasama si Plum, natututo siya paminsan-minsan.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kanila na isa ako sa hinirang na candidate para sa paparating na pageant. Additionally, hindi ko alam kung legit ba iyon na account ng university or fake lang. Asang-asa pa naman ako!

Ayoko namang maghintay hanggang mamuti ang uwak bago ko malaman kung tunay o peke ba itong email na sinend sa akin kagabi kaya nandito kami ngayon sa classroom upang hintayin ang kaklase naming professional pagdating sa mga ganitong bagay. I believe he's someone who's trustworthy tsaka hindi naman namin sure kung kasali nga ba ako or inuuto lang ako nung nagsend.

Ayokong sabihin muna sa kanila dahil baka pagkaguluhan ako ng mga kaklase namin. At some point, hindi naman ako sikat tulad nilang dalawa. Baka nga mas marami ang lumabas kong bashers kapag nalaman nilang kasali ako. So far, wala pa akong napapakinggang rumor kung sino ang lalaking napili dito sa section namin. 

Isang lalaki at isang babae lamang daw kasi ang kukunin nila per section, I was the girl but who's the guy?

"Baka madisqualify ka lang pagdating sa question and answer portion dahil conyo ka sumagot. Aba, ilang taon ka na nakatira dito sa Pilipinas pero ang tagalog mo ay hindi pa rin umuunlad, Kasoy," Plum said emphasizing the nickname she used to annoy our friend.

"Stop with that Kasoy, ang pangit pakinggan," Cashew rolled her eyes but her cousin continued to annoy her by doing funny faces. "Hindi ako si Kasoy so stop comparing me to her!"

Aba, gumaganito na si ate mo. Natawa naman ako nang dugtungan ito ni Plum. Para tuloy sila ngayong mga manok na handa na magsabong! Kaso parang nakakahiya naman sila i-compare sa manok? Okay, sa peacock nalang!

"Si Kasoy ka, hindi ikaw si Cashew! And you will never be Cashew!" Plum hissed while pointing a finger at her.

"Kasoy is dead! Hindi na siya babalik, Plum." Nasampal ko na lamang ang noo ko dahil sa pinaggagawa nila. Saan ba humuhugot ng lakas ng loob ang mga ito? "Pero hanggang ngayon umaarte ka pa rin na parang nandito siya."

"Nandito siya dahil nandito siya!" Plum pointed her heart.

Cashew faced her, teary-eyed. "Kung nandiyan siya nasaan ako?"

Kasabay ng pagkabasag ng tinig ni Cashew ay ang sabay-sabay na palakpakan naming magkakaklase. Kusa nalang tumayo ang aking katawan at pumalakpak sa kanilang dalawa. Ibang level ang energy ng dalawang ito, hindi ko keri!

"Sampung libo!"

"Bravo!"

"Ingay ninyo!

Samu't saring papuri ang natanggap nila. Syempre mayroong ding mga bashers dahil nagising sila mula sa pag-iinarte ng dalawang 'to!

Bumalik na kami sa aming kinauupuan dahil malapit na dumating ang teacher namin. Nangunot naman ang aking noo nang makita sa harapan ang matamlay na likod ni Dawn. Parang kahapon lang ay hindi niya ako muntik mahalikan!

 "Bakit nakakunot na naman 'yang noo mo, Cosette?" tanong ni Plum nang magsawa sa pang-aasar sa pinsan niya.

"Wala, iniisip ko lang bakit ko ba nagustuhan 'yong lalaking 'yon," singhal ko tsaka pinagmasdan ang natutulog na mukha ni Dawn.

Kahit tulog, ang gwapo pa rin.

Mukhang nabasa ni Plum ang naiisip ko kaya sumagot siya."Kasi pogi?"

Petals of PassionWhere stories live. Discover now