Chapter 7

6 1 0
                                    

"Where have you been, Cosette?" Plum asked when she saw me coming out of the restroom. "The administrators have been looking for you and I don't know why."

"Sorr---"

"Ay ang taray! May pa-new outfit si ate ko. Saan ang punta mo nak? First day ng school ba?" pang-aasar niya pa tsaka kinuha ang cellphone sa bulsa. "Nak, ngiti ka. Isesend ko sa Daddy mo."

"Sinong Daddy ba?" I teased.

“Hala ka!” Plum and I laughed.

Saan kaya ito napulot ng mommy niya? Kung ako siguro nanay nito hindi na ako magtataka dahil pareho kaming kanal ang humor. Si Cashew lang ata ang naligaw sa amin kaya hindi na nakakapagtakang marami ang nagtatangkang manligaw doon, hindi lang makasubok dahil mataas ang bakod ni Plum. Kung hindi siguro sila magpinsan, baka sila na.

"Tigilan mo ako Plum Rosemary Sweden ha," banta ko sa kaniya nang ipagpatuloy niya ang pagkuha ng larawan sa akin.

"Full name pa talaga? 'Te awat na, kanina ka pa pose ng pose diyan." Napagod ang katawan ko kakaharap sa camera niya kahit sinabi kong tigilan na niya.

I was hesitant to tell her kung bakit bago ang uniform ko dahil baka gawan niya pa ng issue. Dawn bought me a new set of uniform kahit na ang blouse ko lang naman ang namantsahan. Regalo niya na raw ito sa akin kahit hindi ko pa birthday. Nagpalit na ako ng uniform kaso nga lang pakiramdam ko ay kumapit ang amoy ng toyo sa bra ko nang lumapat ito sa blouse ko kanina. 

This was all that girl’s fault!

Palaisipan pa rin sa akin kung sino man ang tumakid sa akin. I wasn't able to see her face dahil mabilis na nabalot ng mga bulungan ang paligid. The only thing I can remember was her socks filled with laces and ribbons. Pero kung sino ang man gumawa noon, may araw din siya sa akin!

"Bakit ka nakangiti? Hoy bakla, 'di tayo talo." Hindi ko siya sinagot, sa halip ay inirapan ko si Plum tsaka tumingin ulit sa harapan. "Anong nangyayari sa iyo 'teh? Bakit ka nangiti? Mukha kang praning," sabi nito tsaka kumaway sa harapan ko matapos ko siyang hindi pansinin.

Ewan ko rin kung bakit napangiti nalang ako bigla, siguro dahil ang rason nito ay nasa harapan ko na ngayon. Bumabagal ang pagtakbo ng oras habang pinagmamasdan ko siya. Hindi na yata talaga ako magsasawang titigan siya.

"Kumusta? Malaki ba?" tanong ni Dawn kaya lalo akong napangiti.

I giggled, "Kasya naman."

"Mahaba ba?"

"Oo pero ayos lang, keri ko naman!" sagot ko dito habang namumula.

"Masarap ba?" hindi ko na napigilang tumawa nang magtanong siyang ulit sapagkat pareho kaming tinignan ni Plum na animo'y nandidiri.

"Oh my gosh, kadiri! Ginawa ninyo na?" tanong nito at tinakpan ang bibig gamit ang dalawa niyang kamay habang nanlalaki ang mga mata.

Tila naguluhan si Dawn. "Anong ginawa?"

"Plum, tigilan mo nga 'yang pagkalat ng maruming impluwensiya sa utak mo. He's asking about the uniform he bought for me," pagpapaliwanag ko ngunit lalo lamang siyang umatras.

"Why does he have to buy you a uniform? Gosh, bakit mo hinubad ang uniform mong g*ga ka!" asik nito sa akin na parang hindi makapaniwala sa istoryang nabubuo sa isipan niya.

I sighed, napakasama talaga ng utak ng babaeng 'to. "Namantsahan yung uniform ko kaninang lunch at kailangan kong magpalit kaso wala naman akong dalang extra. Hindi rin kita mahanap kanina kaya ayan, binilhan niya ako ng bagong uniform."

Nakahinga naman nang maluwag si Plum matapos kong magpaliwanag. Mukhang naniniwala naman siyang nagsasabi ako ng totoo kaya hindi na siya nagtanong pa. Habang naglalakad kami ay pumapagitan siya sa aming dalawa ni Dawn, nagmukha tuloy siyang conservative na chaperone ko. Muntikan pa siyang umiyak at magpasalamat na hindi pa namin ginagawa ni Dawn ang mga bagay na tanging mag-asawa lamang ang may karapatang gumawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Petals of PassionWhere stories live. Discover now