Siomai, siopao, shanghai! Hindi ako makapaniwala!
Hindi ko maikalma ang aking sarili. Patuloy lamang ako sa pag-irit at pagtalon dahil sa sobrang tuwa.
Oh God, thank you so much for this.
"Ma'am Cosette, ayos lamang po ba kayo?" Hindi ko namalayang nakapasok na pala si Manang Lilac sa kwarto ko.
Bahagya akong nahiya dahil sa pinaggagawa ko. Umayos ako ng tayo at mapaklang ngumiti. "Ayos lang po ako, pasensiya na po."
"Ayos lang po Ma'am, mukhang masayang-masaya po kayo. Maaari ko po bang malaman kung ano ang dahilan ng inyong pagsigaw?" tanong niya tsaka lumapit sa akin.
May pagka-curious din pala itong anak nina Manong Red at Manang Peach.
"May natanggap po akong magandang balita, Ate. Qualified po ako sa pageant ng school!" masayang balita ko sa kaniya dahilan para lumawak ang ngiti ko sa aking labi.
Nagtaka siya nang kaunti at maya-maya ay sumigaw na rin siya at tumalon kasama ako.
"Congrats Ma'am Cosette," paulit-ulit niya iyong sinasabi habang sinasabayan ang pagtalon ko.
Maya-maya pa ay dumating si Manang Peach at may bahid ng pagtataka ang mukha.
"Ano po ang nangyayari?" tanong nito sa akin ngunit umiling lamang ako, nananatili ang ngiti sa labi. "Sabi ko sa iyo Lilac tingnan mo kung ano ang nangyari kay Ma'am Cosette, bakit tila ngayon ay pareho na kayong sumisigaw?"
"Mama, qualified daw po si Cosette sa pageant ng university niya!" Tumalon-talon siya kasama ako at maya-maya rin ay sinamahan kami ni Manang Peach na tumalon at magsaya.
Tumigil lamang kami nang marinig namin ang sigaw ni Mommy sa baba. She's asking about the sudden screams and jumps inside my room but none of us answered her.
"Susunod po ako, 'wag ninyo po muna sabihin kay Mommy ang tungkol dito," bilin ko sa kanila at sumunod naman sila.
Naramdaman ko na lamang ang pagod nang makahiga ako sa aking kama. Bahagyang nag-init ang mga mata ko, kung andito si Daddy natitiyak kong magpapabili agad siya ng malalaking softdrinks para i-celebrate ang ganitong bagay.
I was supposed to scream and jump with my parents but they're not here. I badly wanted to tell Daddy but I'm scared that I'll be a disappointment. Nakakahiya sa kanilang dalawa ni Mommy kapag nagkataon na talo ako, tsaka ko na lamang sasabihin kapag pakiramdam ko ay may tsansa akong manalo.
Parang kanina lamang ay hinihiling ko na manominate ako bilang candidate dahil alam ko sa sariling maaaring pasok ako sa standards ng pageant ngunit heto ako ngayon at natanggap hindi lamang dahil doon. They went through my deepest and latest informations and that means hindi lamang basta-basta ang ginawa nilang pagpili sa akin.
I'm really, joining the pageant. I need to tell Mom but indirectly. Siguro magtatanong muna ako kung may experiences siya nung high school siya. She and Daddy used to go in the same university as well, Artique University was once called University of Magnus Collins. Binili ito ng bagong headmaster kung kaya't napalitan ang pangalan ng school, bukod pa dito ay wala pang nakakakita sa kaniya sa personal.
As I exited my room, I heard nothing.
Literally nothing. That's a bit weird.
I just heard her earlier, bakit ngayon ay wala akong mapakinggan sa baba? I tried to go to my parent's room, nagbabakasaling andoon si Mommy dahil paniguradong iniiyakan niya na naman ang mga picture nila ni Daddy. Gosh, hindi pa naman patay si Dad pero parang pinagluluksaan na niya. Pagsasabihan ko nga siya next time.
YOU ARE READING
Petals of Passion
Teen FictionLast year was a total disaster that crashed her heart, she likes him but it turns out she wasn't his type. When Cosette Soleil Geneva discovers that their farm has suffered a financial loss due to the typhoon, she didn't hesitate to join the offer s...