Dalawampung taon na ang nakalipas, bago mangyari ang tinatawag na 'The Great Awakening', isang sikat na organisasyon ng mga scientists, ang Quantum Research Association (QRA), ang nagkadiskubre ng isang teknolohiya na maaaring magdala sa simpleng pamumuhay ng mga tao sa Terra papunta sa modernong sibilisasyon at makabagong panahon, isang panibagong mundo kung saan ay maaaring maging posible ang mga bagay na dati ay imposible: napagtagumpayan nilang matapos at makumpleto ang Particle Accelerator Project.
Ang proyektong ito ang naging daan upang magkaroon ng lunas sa iba't-ibang uri ng sakit, maging ang mga nakakamatay na mga virus at bacteria na kumitil at nakaapekto sa bilyong populasyon ng mga tao sa mga nagdaang panahon. Pinagmulan din ito ng malaking source ng enerhiya dahilan para mapadali ang pagpunta ng mga tao sa outer space at maging posible ang pagtira sa tatlong buwan na umiikot sa kanilang planeta: ang Luminus, Syvmus at Yonus. Bilang resulta, ang ekonomiya sa buong mundo ay lumago, at nabawasan ang polusyon sa paglipas lamang ng isang taon. Dahil din dito ay nagsimulang bumuo ang mga colonies sa tatlong buwan ng Terra ng sarili nilang mga gobyerno at kinonsidera sila bilang tatlong makapangyarihang kontenente.
Ngunit... Lahat nang ito ay simula pa lamang ng mga pagbabago na kakaharapin ng mga tao sa Terra. Makalipas ang limang taon na pag gamit ng Particle Accelerator, isang aksidente ang 'di inaasahang mangyari sa loob ng isa sa main laboratory ng QRA. Isa sa mga panels nito ang nag overheat, dahilan para magkaroon ng malfunction sa kanilang system at sumabog ang particle accelerator. Ang aksidenteng ito ay kumitil sa 40% ng populasyon sa buong planeta ng Terra, samantalang ang iba naman ay nagdusa dahil sa exposure ng radiation.
Isang taon ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente, ang gobyerno na sumuporta sa QRA ay nagdesisyon na ipahinto na ang operasyon sa Particle Accelerator Project at nagdesisyon na ipasara na ang QRA nang tuluyan na sya namang hindi sinangayunan ng tatlong colonies sa buwan dahil maaari nitong maapektohan ang kanilang pamumuhay at ekonomiya. Napagdesisyunan ng Luminus, Symvus at Yonus na sila na lamang ang popondo sa QRA upang ituloy ang operasyon ng Particle Accelerator Project. Dahil dito, ang ekonomiya at kapangyarihan ng tatlong colonies ay patuloy na umunlad, samantalang ang pitong kontinente sa Terra, na dating makapangyarihan, ay nakaranas ng matinding krisis sa kanilang ekonomiya dahil sa aksidenteng nangyari sa Particle Accelerator Project.
Sa paglipas ng panahon, ang dating nagkakaisang mga nasyon sa pitong kontinente ng Terra ay nagkabuklod-buklod at nagkaroon ng alitan para sa mga resources ng bawat Bansa. Milyon-milyong buhay ang nawala dahil sa gyera at krisis na ito, samantalang ang mga tao sa Luminus, Syvmus at Yonus ay patuloy na umaasenso at sinimulan din nila ang kanilang ekspedisyon sa katabing planeta ng Terra, and planetang Xenus at nagsimula rin sila pagtayo ng panibagong colony. Binago rin nila ang tawag sa sarili nila at sinimulan din nilang hatiin ang pamamahala sa tatlong paksyon. Ang mga taong nakatira sa Luminus ay tinawag na Lumurrian. Sila ang namamahala sa siguridad at militar ng tatlong colonies. Ang mga tao naman na nakatira sa Syvmus ay tinawag na Syvurrian. Sila ang namamahala sa batas at kaayusan ng tatlong colonies. Ang mga nakatira naman sa Yonus ay tinawag na Yonirrian. Sa kanila naman napunta ang pag-aaral, pagtuklas at syensya.
Apat na taon pa ang lumipas at ang mga tao sa Terra ay inabandona na ng mga Lumurrian, Syvurrian at Yonirrian. Tinuring nilang mga mababang nilalang ang mga tao sa Terra na ayaw sa inobasyon o pagbabago dahil lamang sa pagkakamali ng nakaraan. Sinimulan nilang tawaging Terran ang mga tao rito na galing mismo sa pangalan ng planetang kanilang pinagmulan na ngayon ay tuluyan na nilang nilimot at binaon sa nakaraan.
Limang taon ang lumipas at ang Lumurrian, Syvurrian at Yonirrian ay mas lalo pang naging makapangyarihan dahil sa batas na ipinatupad ng mga Syvurrian, gayun din ang kanilang teknolohiya at ekonomiya na patuloy ring umuunlad sa paglipas ng panahon dahil naman sa mga Yonirrian. Naging mas matindi rin ang seguridad at kaayusan sa tatlong colonies dahil naman sa militar ng mga Lumurian. Samantalang ang mga Terran ay tuluyang nalugmok sa kahirapan. Ang gobyerno sa bawat bansa ng Terra ay bumagsak, at nagsimulang kumalat ang matinding kahirapan sa bawat sulok ng dating makapangyarihan na pitong kontinente ng Terra. Ipinagbawal rin ng mga Lumurrian na umalis sa planetang Terra ang mga tao rito. Ipinagbawal naman ng mga Syvurrian ang kahit na anong pagtulong sa mga Terran, tanda ng kanilang pagtakwil sa mga Terran.
BINABASA MO ANG
The Unfortunate People
Science FictionA tale of different people struggling to fit into a society where they are being hunted because of their powers. Little Sierra -Isang batang babae na maagang namulat sa kalupitan ng mundo... The Void -Isang lalaki na itinakwil ng kanyang magulang sa...